Pursuit of Liberty - 16

18 2 1
                                    

Bumangon sya sa pagkaka-higa at dumiretso sa kanyang dresser. Kinuha nya ang kanyang white V-neck na T-shirt, varsity jacket, chinos, baseball cap at shades at agad na lumabas ng kwarto para hanapin si Perry.

Naabutan nya itong nakaupo parin sa katabi ng isang mesa. Agad ay lumapit sya rito para kausapin. "Perry," Nilingon sya ng kasama.

"What?" tanong nito, "I want you to do me a favor." diretsong sagot naman ni Vincent. Biglang napatawa si Perry. "Haha! After all you've done?! All the troubles you've brought me? Now, you want me to do you a favor?! Hahaha.. You must be kidding. " "You're gonna arrange a PressCon. Tonight, 7pm, please." sambit ni Vincent na nagpatulala kay Perry. "You sure?" tanong ni Perry. "Sigurado, gigisahin ka ng mga press."

"I'm sure. Para matapos na ang issue na 'to" sagot nya, tapos ay naglakad na sya palabas ng hotel room. Tinanong sya ni Perry kung saan sya pupunta pero ang tanging sagot nya ay magpapa-hangin lang sya.

sa kabilang banda. Nag umpisang i-kwento ni Liberty ang lahat ng nangyari matapos silang makita na magkasama ni Vincent Alcantara.

"Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari. Kung alam ko lang, edi sana, hindi ko na sinabi na may alam akong lugar na pwede nyang makuha yung freedom na gusto nya" yan ang sabi nya matapos nyang magkwento kay Andi. Ramdam na rin nya ang bahagyang pagbabara ng kanyang lalamunan, senyales na malapit na syang umiyak. Agad namang naramdaman ni Andi na paiyak na si Liberty kaya mabilis nya itong pinigilan.

"Wag kang umiyak." sabi nya. Hinawakan nya ang kamay nito at hinila papunta sa dining area. "Kumain ka nalang muna, pasensya ka na. Ramen lang ang kaya kong i-offer sayo." Pinaupo nya si Liberty sa isa sa mga upuan na nakapalibot sa dining table at pumunta sa kusina para lagyan ng mainit na tubig ang ramen na kinuha nya sa isa sa mga cabinet doon.

Lumapit si Andi para ilagay sa harap ng kasama ang cup noodles na hawak. "Kumain ka, gutom lang yan." sambit ng binata. Umupo nadin sya sa tabi ni Liberty. "Salamat." tugon naman ng dalaga. "Alam mo, sobrang nag alala si kuya nung nawala ka. Lalo nung lumabas sa news yung video nyo ni Vincent na lumabas ng elevator." napatingin si Liberty sa kasama nang mag umpisa itong mag kwento. "Kulang nalang lumipad sya para sya mismo makahanap sayo." "Bakit naman nya gagawin yun?" tanong nya. "Ewan ko, ang alam ko lang, sobra syang nag aalala sayo. Hindi sya mapakali. Halos every minute tinatawagan ka nya." biglang napatingin si Andi kay Liberty na may blangkong ekpresyon. "Hindi kaya?" tanong nya. "Imposible." mabilis na sagot ng dalaga kahit hindi pa tapos magsalita si Andi. "Worried sya kasi, that day ko dapat maipasa yung article ko na tungkol kay Vincent. At dahil nga nawala ako, walang syang mapapagalitan. Or, masisisante." sambit ni Liberty.

Napa-kibit balikat nalang si Andi. "No'ng oras na yun. Dun ko lang nakitang sobrang worried si kuya." sabi nya at inumpisahan na nya ang pagkain sa kanyang cup noodles. Ganun din naman ang ginawa ni Liberty. Wala nang kahit na anong salita ang namutawi sa kanilang dalawa.

Sa kabilang banda. Pinalipas ni Vincent ang kanyang oras sa isang open space hindi kalayuan sa tinutuluyang hotel. Suot nya lang ang kanyang baseball cap at shades at umupo sa bankanteng bench sa gilid ng isang lamp post na walang bumbilya. Sa ngayon, wala syang ibang iniisip kundi si Liberty. Alam na nya ang gagawin nya pero hindi nya talaga magawang alisin ang dalaga sa kanyang isip.

Hindi nya namalayan ang oras dahil nawili syang tignan ang mga taong naglalakad at mga kotseng dumadaan. Mga taong para sa kanya'y normal. Mga taong kanyang kinaiinggitan. Narinig nyang tumunog ang kanyang cellphone at nang kanyang tignan, pangalan ni Perry ang nakita.

'I already done arranging the press con for you. You need to get ready.'

Tumayo sya at idiniretso ang dulo ng suot nyang damit at nakayukong naglakad pabalik sa hotel. Pagkarating ay naabutan nya si Perry na inaayos ang huling butones sa suot na polong itim. Tumingin ito sa kanya. "There's no backing out now." sambit nito. "I know." sagot naman nya.

Pursuit of LibertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon