Pursuit of Liberty - 01

58 5 1
                                    

Author's Note:

For the first in forever, isusulat ko 'tong story na 'to, na Third person ang narrator. hehe... itatry kong bigyan ng justice.

xx

~~~~~

"Cut! Break muna." sigaw ng ng direktor, matapos itake ang isang eksena na kanina pa ina-arte ni Vincent at Jennifer.

Hindi pa bihasa sa larangan ng pag arte si Jennifer Lorente.  Ito ang pinaka una nyang Major Project simula nang manalo sa Artista Search. At ipinareha sya kay Vincent Alcantara na matagal na sa industriya. kinikilala sya bilang 'Most In-demand' na leading man ng kanyang henerasyon.

Agad umalis sa ng pwesto nya si Vincent. Mababasa sa ekpresyon ng mukha nya ang pagkadismaya dahil sa paulit-ulit na pagkakamali ni Jennifer. Dumiretso sya sa maliit na tent kung saan nakalagak ang mga gamit nya.

Sa sobrang pagod agad syang umupo sa isang upuan na nakatapat sa isang salamin. Nakatingin sa sarili at nakita nya ang nakabusangot nyang mukha.

"Vincent," Maya-maya lang ay may tumawag sa pangalan nya at nakita ang nakadungaw na ulo ni Perry, ang kanyang Manager. "Mag pahinga ka muna, take na tayo ulit later," sabi nya at agad ding umalis.

"Tss... mag te-take na tayo ulit later!!" pag uulit nya habang nagmemake-face.

Artista na simula pa nang pagkabata hanggang ngayong 25 years old na si Vincent. Noong una ay nai-enjoy nya ang popularidad at ang buhay sa harap ng camera, ngunit habang lumalaon ang panahon, unti-unting nagbabago ang pananaw nya ukol rito. Hindi nya na nae-enjoy ang mga bagay na nararanasan ng mga normal na teenager, ni hindi man lamang sya makalabas ng bahay na walang mga lente ng camera ang nakamasid. At hanggang ngayon, dinidiktahan padin sya ng mga tao sa paligid nya. Na labis nyang kinaka-inisan. Sawang-sawa na sya, ngunit hindi pa sya makaalis sa tila pagkakatali nya dahil sa kontrata na dalawang taon pang pag aartista.

Ipinangako nya sa sarili, na pag natapos nya ang dalawang taon na 'yon, ay hahanapin nya ang kalayaan na nawala mula nang mag umpisa sa showbiz.

"Sir. Vincent, pinapatawag na kayo ng Direktor. Magtetake na daw po ulit." natigil sya sa pag iisip nang tawagin sya ng kanyang P.A. na si Mildred. Agad naman syang tumayo at pumunta sa lugar na pagkukuhanan ng eksena.

Dahil nga batikan na sa larangan ng pag arte si Vincent, mabisa nyang nagampanan ang role nya at natural na ginagampanan ang karakter na kailagangan nyan i-akto. Kahit sa isip nya, ay sukang-suka na sya sa ginagawa nya.

Natapos ang araw at hapong hapo na bumalik sya sa tent para magpahinga.

~~~~~

Dear, Readers.
kung nabasa nyo 'tong storya na 'to. I really need your thoughts about it.

Please, Vote and COMMENT COMENT. thank you.

xx

Pursuit of LibertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon