Pursuit of Liberty - 05

40 3 2
                                    

"Are you ready?" tanong ni Perry.

Iniayos lang muna ni Vincent ang linya ng suot nyang black na loongsleeves, na gagamitin nya para sa Presscon na in-organize ni Perry para sa upcoming movie na pinagbibidahan nya at ng kanyang Leading Lady na si Jennifer Lorente.

"Yes," excited na tugon nya. Excited sya dahil ipinangako ni Perry sa kanya na pagkatapos ng Presscon ay bibigyan sya nito ng isang araw na day off. Simula kasi ng matapos ang shooting ng pelikula, ay sunod sunod na photoshoots at TV guesting ang inatupag nila. At sa mga araw na yun ay inis na inis sya dahil kahit sa mga guesting ay dini-diktahan parin sya ni Perry bawat kilos nya.

Nakangiting nilapitan sya ni Perry at hinawakan sya sa balikat. "Here's what I want you to do." paumpisa nya. "I want you to be sweet with Jennifer. Umarte ka ng parang you're inlove with her." saad ni Perry.

Parang hinigop lahat ng energy ni Vincent nang marinig nya ang gustong ipagawa sa kanya ni Perry. Ito na nga ba ang sinasabi nya, lahat ng kilos nya ay dapat minamando ng mga taong nakapaligid sa kanya. "What?!" Mabilis nyang tugon. "Pwede ba, kahit ngayon lang ako umarte ako ng normal? Yung ako yung magdedesisyon para sa sarili ko?" singhal nya. "Yung hindi mo ako didiktahan ng kung anong gagawin!!"

"Ilang ulit ko ba dapat ipaliwanag sa'yo na para rin sa'yo lahat ng pinapagawa ko! Para sa ikagaganda ng career mo." pagsesermon ni Perry sa kanya. "Sa tingin mo ba, makakarating ka sa kinalalagyan mo ngayon kung hindi ko pinagawa sa'yo yung mga bagay na yun?" Nagpatuloy sa pagsesermon si Perry, pinili nalang ni Vincent na wag nalang intindihin. Yun naman lagi eh, sinasabi ni Perry na para kay Vincent ang mga ginagawa nya, pero ang totoo, para yon lahat sa kanya.

Naisip tuloy ni Vincent. Paano kaya, kung hindi sya nag artista, mas maganda kaya ang buhay nya?

*******

Nagmamadaling isinabit ni Liberty ang kanyang pink tote bag at agad agad na umalis para pumunta sa Hotel Casa Blanca, kung saan gaganapin ang movie presscon ni Vincent Alcantara.

Hindi sya masasamahan ni Andi ngayon araw dahil may iba itong assignment. Kaya sumakay sya sa taxi. Ngunit sa kasamaang palad, may nagaganap na road reconstruction sa dadaanang ruta papunta sa hotel.

10:00 o'clock mag uumpisa, pero nang mapatingin si Liberty sa wristwatch 10:45 na. Malinaw pa sa sinag ng araw, na late na sya.

~~~~~

VOTE, SHARE and COMMENT if you liked this chapter. : )

xx

Pursuit of LibertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon