Pursuit of Liberty - 12

27 6 2
                                    

Minulat ni Liberty ang mga mata at tumambad sa kanya ang liwanag ng umaga. Lumingon sya sa katabi ngunit tanging unan lang ang kanyang nakita. Wala na si Vincent.

Nakaramdam sya ng kaunting pagka-dismaya dahil hindi mukha ni Vincent ang nakita, kaya tumayo na sya para hanapin ang binata.

Paglabas nya ng kwarto, naabutan nya ang dalawang matanda na masayang naku-kwentuhan habang nag aalmusal. Nakita sya ng mga ito at agad na binata. "Magandang umaga, hija!" bati ni Nanay Letty, naka-ngiti naman sa kanya si Tatay Viktor. Sinuklian nya ng ngiti ang mga ito, "Good morning po! Nakita nyo po ba si Vincent?" Tanong nya,

"Nandoon sya sa labas, magpapa-hangin daw sya." sagot ni Tatay Viktor. Tumango si Liberty, "Magkape ka muna hija, bago mo puntahan ang iyong nobyo,"

Nagulat sya sa narinig na sinabi ng matandang babae, at sa hindi malamang dahilan, nag init ang kanyang mukha at naramdaman nyang bumilis ang tibok ng kanyang puso. "H-hindi ko po sya n-nobyo. W-wala po kaming relasyon." nauutal nyang tugon.

Malakas na tawa ang tinugon sa kanya ng dalawang matanda. Kaya binalot sya ng matinding hiya, "Hahaha! Kayo talagang mga kabataan kayo," sabi ni Nanay Letty kasabay ay inabutan sya ng isang mainit na baso na naglalaman ng kape na gawa sa sinunog na bigas.

Kinuha nya ang baso at mabilis na lumabas ng bahay. Naabutan nya si Vincent na nakaupo sa isang mahabang upuang kahoy at nakatingin sa malawak na lupa na puno ng mga puno at halaman. Naisipan nya itong lapitan.

"Good morning," bati nya rito. Nilingon sya at nginitian ng binata, na lalong nagpabilis ng takbo ng kanyang puso, "Enjoying the view?" tanong nya para mabaling ang atensyon nya mula sa kanyang kakaibang nararamdaman. "Yes," sagot ni Vincent at tinapik nito ang bakanteng espasyo sa kanyang tabi, senyales na pinauupo nya si Liberty sa kanyang tabi. 

Kahit medyo naiilang si Liberty sa hindi malamang dahilan, umupo sya sa tabi ni Vincent. Sandaling nanahimik ang dalawa

"I never thought that you can make a coffee out of roasted rice, It's delicious, specially with fresh Carabao milk."

Sabay taas ng kanyang baso na wala nang laman. Napansin ni Vincent na nakatingin lang sa kanya si Liberty at tila nagtataka. "Sorry, this is what I look like happy. You've never seen it. No one does, I've never been happy for quite a long time." Paliwanag nya.

"No, it's okay. Actually it's cute." sagot naman ni Liberty. "It's a pleasure seeing you being you. Being normal."

Muli ulit na nagkaroon ng katahimikan sa kanilang dalawa. Pero tila nawala nadin ang ilang na kanina ay nararamdaman ni Liberty kay Vincent. Pareho lang silang nakatingin sa Malawak na kapaligiran.

"Thank you for bringing me here." sabi ni Vincent at tumingin sya sa kasama. "Yesterday is the happiest day of my life, specially last night!" "Masaya ako na na-enjoy mo ang araw mo kahapon." nakangiti ring sabi ni Liberty.

"Thank you! But, happy moments has it's ending. And I need to get back to my own kind of normal life." sabi ulit ni Vincent. "Worry about that later, let's just sit here for a while" sagot ni Liberty.

At katulad ng sinabi ni Liberty, umupo lang sila doon nang walang inalalang kahit ano.

******

"Babalik po kami dito, Tatay Viktor, pangako." sabi ni Vincent kay sa matandang lalaki. Oras na para bumalik sila sa lugar kung saan tinitingala sya ng nakararami.

"Maraming maraming salamat po sa pagpapatuloy nyo sa amin! Promise po, babalik po kami." pagpapaalam naman ni Liberty. Niyakap nya ang dalawang matanda at tsaka tuluyan nang lumabas ng bahay.

Nagpaalam nadin ang dalawa sa iba pang residente sa Barrio Kasimola. Sa mga bagong kaibigan ni Vincent, na sila Andres, Makmak at Kokoy.

Pati nadin kay Rosel at mga bata.

"Mag iingat kayo." Sabi ni Tatay Viktor bago sila tuluyang maglakad palayo sa barrio.

*******

VOTE and COMMENT if you liked the chapter. :)

Pursuit of LibertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon