Pursuit of Liberty - 03

43 3 0
                                    

Pakapasok pa lang ni Vincent ng kanyang hotel room. Ni hindi pa sya nakakaupo man lang sa malambot na sofa ay pinaalalahan na sya ni Perry nang kung anong susunod nilang gagawin.

"Lubusin mo na ang pahinga mo ngayon, dahil bukas ng umaga, pupunta tayo sa studio para sa photoshoot ng movie nyo. w5a25j 5a7mj8T7tapj 63ap,Wm3mat2ma1m" salita ng salita si Perry na tila walang katapusan, pero hindi na sya ini-intindi ni Vincent.

Masyado na syang pagod para pagodin padin ang utak nya kakaisip sa bagay na gusto na nyang wakasan. Ang pag aartista. "Okay, see you tomorrow." pagpuputol nya sa pagsasalita ni Perry. Tinulak na nya si Perry palabas ng kwarto nya para magkaroon ng sariling oras ng kapayapaan.

Agad nyang hinubad ang mga saplot nya sa katawan at lumakad patungo sa banyo upang maligo. Nakapikit nyang ninanamnam ang nakakahupay ng pagod na init ng tubig na pumapatak mula sa shower papunta sa  kanya.

Matapos makapaligo ay agad syang tumungo sa kwarto para sa wakas, ay makapagpahinga.

*********

"Yari na naman tayo sa Boss Manager Amo, nating dragon!" dismayadong saad ni Andi. "May nakuha ka namang litrato nya, 'diba?" tanong ni Liberty na may tono ng pag asa sa boses nya. Umaasang may kahit isang magandang kuha sila kay Vincent na pwede nilang ipasa kay Charlie Silayan. Ang editor nilang dragon.

"Oo, nakuhaan ko sya habang nakatalikod! Sigurado, matutuwa sa'tin si Boss." sarkastiko namang sagot ni Andi. Napasimangot si Liberty, dahil alam nyang makakatanggap na naman sya ng walang humpay at mga katako-takot na salita mula kay Charlie.

"Alam ko na, mag abang nalang muna tayo dito. Baka may mai-spot-an tayong artista." suhestyon ni Liberty. At ganun nga ang ginawa nila. Naghintay o mas magandang sabihin ay nagbaka sakaling may ma-interview silang artista.

Bago matapos ang araw, meron silang mangilan-ngilan na na-interview. Katulad ni Miranda Lopez. Bida sa isang TV series na hindi rin nagtagal ay itigil din dahil mababa ang natatamong ratings. Si Calvin Trinidad, na na-laos dahil nahulihan ng droga sa airport. At ang pinaka sikat nilang na-interview ay si Brad Mercado. Karibal ni Vincent sa pag aartista. Pero dahil kailangan nyang umalis agad, isang tanong lang ang pinaunlak nito. At dahil sa sobrang saya ni Liberty, ang naitanong nya lang ay, kung anong favorite color ni Brad.

"Tanga! Tanga! Tanga!" sabi ni Liberty habang pinupukpok ang ulo. "Andaming pwedeng itanong, bakit favorite color lang ang naisip mo?!" sabi nya. "Tanga! Tanga! Tanga!!"

Hindi nya lubusang maisip na pinalampas nya ang pagkakataon na maitanong kay Brad ang kahit isa man lang na mahalagang tanong.

~~~~~

VOTE and COMMENT. : )

xx

Pursuit of LibertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon