Pursuit of Liberty - 10

26 3 1
                                    

Matapos na makalampas sa arko, naglakad pa sila Vincent ng napakalayo. Wala syang makitang kahit anong senyales ng buhay sa lugar, kundi ang linya sa lupa na halatang daanan ng tao. Iyon din kasi ang binabaybay nila. Kung saan sila dadalhin ng linyang iyon? Wala syang ideya.

Hanggang makarating sila sa parang maliit na komunidad.

Nakakita sya ng mga batang nagtatakbuhan at mga babae -siguro mga nanay ng mga bata, ang naghahabi ng duyan na gawa sa abaka. May mga lalaki din na nagsisibak ng kahoy hindi kalayuan.

Nagulat sya ng bigla humarap sa kanya si Liberty. Muntik pa silang magkabanggaan.

"Welcome to BARRIO KASAMOLA. This is where your liberty take place." wika ni Liberty habang nangingiti-ngiti.

Napakunot ang noo nya sa kasama. Aapela na dapat sya pero natigilan sya ng biglang yumakap kay Liberty ang mga batang kanina lang ay nagtatakbuhan.

Hindi lubusang maisip ni Vincent na sa ganitong lugar sya dadalhin ni Liberty. Hindi sa gantong 'Barrio' nya inasahang gugugulin ang kalayaan nya ngayong araw.

Sa kabilang banda. Tuwang tuwa si Liberty nang makita ang mga bata. Isa-isa nya itong niyakap at magiliw na kinamusta. "Nene, Buyong, Buboy. Ito nga pala si kuya Vincent." pakilala nya kay Vincent sa mga bata. Agad naman silang nagsipaglapitan sa kanya at niyakap ang kanyang mga hita. "Kuya!" tuwang tuwa ang mga bata na tila ngayon lang silang nakakita ng tao. Hindi nya alam ang gagawin, kaya tumingin sya kay Liberty. "Okay mga bata, mamaya nalang kayo makipaglaro kay kuya Vincent." saad ni Liberty.

Walang pagsidlan ang tuwa ni Liberty nang muling makabalik sa BARRIO KASAMOLA. Nakarating na sya dito, isang beses. At todo nyang na-enjoy ang pananatili nya dito dati.

Sa nakikita nyang ekspresyon ng mukha ni Vincent habang nakatingin sakanya. Tila kini-kwestyon kung bakit sila nasa lugar na ito. "I was a part of a foundation. Tumutulong kami sa mga komunidad na kulang sa pansin ng gobyerno. Nag conduct kami dito once ng isang Feeding and Livelihood Program. And Medical Mission." pag uumpisa nya sa pagpapaliwanag. "For one week, dito kami nag stay. And it was an awesome experience. Yung mga tao dito, lagi lang silang masaya and sobrang hospitable. Hindi mo makikita sa mga mukha nila kung gaano sila nahihirapan." hindi nya mapigilang hindi mapangiti habang inaalala yung mga panahon na nilagi nya sa lugar na 'to. "Kaya today, I want you to experience that, too. Yung naexperience ko. Mararamdaman mo dito yung gustong mong kalayaan." pagpapatuloy nya.

Nang marinig ni Vincent ang kwento ni Liberty. Tila bahagyang humupa ang agam agam sa loob nya at napalitan ito ng Konpyusyon. Hindi nya alam kung bakit pero hindi nya mapigilang hindi mapangiti nang makita nya ang nakangiti ring mukha ni Liberty. Na nagbibigay ng siguridad na magiging worthwhile ang isang araw nya sa lugar na ito.

Pero may isang problemang pumasok sa isip nya. "Tara, papakilala kita kay Tatang Viktor at Inang Letty." saad ni Liberty at kinuha ang kamay nya at nag umpisa syang hatakin. "Wait, Liberty. I have a problem." saad nya. "Pano ako maliligo? Wala akong damit." sabi nya. Nginitian lang sya ng kasama at pinagpatuloy ang paghatak sa kanya papunta sa mga bahay.

Huminto sila sa isang maliit na kubo kung saan sinalubong sila ng isang matandang lalaki. Bakas sa payat na pangangatawan ng matanda ang kahirapan pero kitang-kita sa mukha nito ang saya nang makita si Liberty.

"Tatay Viktor?!" saad ni Liberty. Mabilis na lumakad ang matanda at agad na niyakap si Liberty. Nakatayo lang doon si Vincent at pinapanuod ang dalawa. "Sya nga pala. 'tay Viktor, si Vincent po" pagpapakilala ni Liberty kay Vincent nang maalala nyang kasama nya pala ito.

Hinarap si Vincent ni Tatay Viktor at bigla syang nagulat ng yakapin sya nito. "Masaya akong makita ka, hijo." sabi ng matanda. Tila walang maisip na sabihin si Vincent gawa ng pagkagulat kaya napayakap nalang din sya sa matanda. "Halikayo, at pumasok tayo sa bahay." yaya ni Tatay Viktor at nauna na maglakad.

Napansin nyang nakatingin sa kanya si Liberty habang nakangiti. "See? Hospitable. Tara na, para makaligo ka na." At sumunod na ito kay Tatay Viktor.

Naglakad nadin naman sya para sumunod sa dalawa.

Nakita nya pagpasok sa loob ng bahay ang Patag na sahig na hindi simentado, mga pader, upuan at lamesa na gawa sa kawayan. Walang kahit anong bagay na pinagana ng makina. Napansin nya ring walang Kuryente.

"Tatay Viktor, meron po ba kayong damit na pwedeng mahiram ni Vincent?" tanong ni Liberty. "Meron, teka at kukunin ko. Maupo muna kayo." sagot naman ng matanda.

Ilang sandali lang ay lumabas si Tatay Viktor na may dalang puting T-shirt na nanilaw na dahil sa kalumaan at isang short. "Pagpasensyahan mo na hijo, ito lang ang mapapahiram ko sa 'yo." sabi ng matanda. Inabot naman ni Vincent ang mga damit. Tumango lang sya at pilit na nginitian ang matanda.

Hindi nya akalain na mapupunta sya sa ganitong pagkakataon at lugar. Hindi ito ang normal na buhay na naiisip nya.

"Kung gusto mo maligo, nasa labas ang palikuran at malapit lang din doon ang balon." saad ulit ni Tatay Viktor. "Ituturo nalang po sa kanya," sabi naman ni Liberty. "Mabuti pa nga," Lumabas muna ulit sila para pumunta sa malapit na palikuran.

"Are you serious?!!" Iritableng tanong ni Vincent kay Liberty habang naglalakad sila ng sabay. Nilingon naman sya ng dalaga. "Dito mo talaga ako dadalhin para sa isang araw na kalayaan ko?!" sabi nya. "I only got this chance, I want it to be NORMAL!! And this," tinuro nya yung lugar nila, "this isn't normal! This place is full of hardship. They didn't even have electricity. I can't, I can't do this, I can't be here. I want to go."

Ayaw na nyang igugol ang isang araw ng kanyang kalayaan sa ganitong lugar.

"Ano ba sa tingin mo yung NORMAL na buhay?" Tanong ni Liberty. Halata din sa boses nya ang pagka-irita kay Vincent at sa mga sinabi nito.

"Ito na yung PINAKA NORMAL na buhay na alam ko, Vincent. Kasi yung mga tao dito, wala silang pakialam, basta masaya sila. Hindi sila tulad ko at tulad mo, na masyado nang naapektuhan ng pagbabago ng panahon. Wala silang pakialam kung walang mag 'Like' ng status nila sa social media. Hindi ko nga alam kung may idea sila kung ano ang facebook eh. Pero ito lang alam ko, kontento sila dito. Nahihirapan man sila, masaya sila. At kung gusto mong umalis, go. Hindi kita pipigilan." Yun lang ang sinabi nya at umalis na.

****

VOTE, COMMENT and SHARE

Pursuit of LibertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon