6

1 0 0
                                    


"Hindi na daw makakahabol si Lisa kasi katatapos lang nung Surgery nila" sabi ni Jisoo

Katatapos lang namin kumain dahil bigla silang nag-aya mag lunch magkakasama kanina. Pero ayun na nga at hindi na nakahabol ang pinakabata.

"Paano 'tong tinake out natin na food niya? Hindi ko na maidadaan kasi inadjust nila yung meeting ko. Kailangan ko na pumunta ngayon. Papunta pa akong Makati" sabi ni Ate Seul.
"Kayo ba?" tanong niya saaming tatlo

"Balik na ako Ortigas" Jisoo
"Balik akong office. May meeting kami e" sagot naman ni Rosie

"Oh sige na, ako na. Dadaan ako kay Mino sa project namin sa Sampaloc." sagot ko sakanila at napangiti naman sila. Alam ko na tong ginagawa nila e. Hindi naman nila maitago yung mga ngiti nila kaya inirapan ko sila.

"Thanks, Jen!" sagot nilang tatlo saakin. Haynako.

Dumaan muna ako kay Mino para pirmahan yung itinawag niya saakin kanina pagkatapos ay dumirecho na ako sa may UST.

Saktong tumatawag naman si Lisa pagkaparking ko.

"Hello, I'm here sa may carpark "
"Yes, may time ka ba to spare?"
"Okay, i'll meet you nalang there"
"It's okay, haha. Okay, see you in a minute"

Ayun na nga at pumunta na ako sa may benches para doon ko na imeet si Lisa. Papunta na din naman daw siya.

"Doctor Manoban, here" tawag ko sakanya nang makita ko siya.
"Crazy" sagot naman nito at naupo na. Akala ko sa tapat ko siya uupo pero sa tabi ko siya pumwesto at pagkatapos ay isinandal pa nito ang ulo sa balikat ko.
"I'm so tired. Thank you for coming here" sabi nito saakin at napatawa naman ako ng kaunti.
Nang tignan ko siya ay nakita kong nakapikit pa ito.
"Are you asleep now? Kain ka muna. Lalong lalamig yung food mo if hindi mo pa kakainin ngayon" sabi ko dito at umayos naman siya ng upo.

Inilabas ko na yung laman ng paper bag at inihain sakanya yung take out ni Ate Seul.
"How about you?" tanong nito dahil narealize niya na siya nga lang pala kakain.

"We just ate" natatawang sagot ko sakanya "Kaya may takeout for you diba?" I asked her mockingly.

"Yeah, but it is gonna be weird eating alone beside you" sabi niya pa habang nakapout
"Oh! Let's share nalang the coffee and roti" sabi nito at sinimulan nang kainin yung Thai Chicken Fried Rice niya.
Ang cute nga e, halatang gutom na siya at pagod kasi para siyang bata na kumain.
At napansin nga niya na pinapanood ko siya kaya tumusok siya dun sa Roti at isinubo saakin. Wala naman ako nagawa kundi nguyain nalang yon.

"Buti naman you have time to eat?" tanong ko sakanya.

"Well, yeah. Yung surgery kanina took more than 2 hours and good thing mamaya pang 4pm yung next one and 3 o'clock pa naman ako magrarounds so I have time." sagot nito bago muling sumubo.

"how about you? field work?" tanong niya

"Yeah. Dumaan ako jan sa project namin ni Mino and I am heading sa Pasay to meet a client of mine at 3 o'clock din." sagot ko at tumango naman ito habang ngumunguya. Para talagang bata kaya hindi ko na napigilan sarili ko at kinurot yung pisngi niya na nagpatawa sakanya.

"Doc Lisa" tawag sakanya nung isang doctor din na dumaan dito, nagtake out yata ng pagkain niya kasi may dala din na paper bag. "may nagdala pala ng food para sa'yo, bigla ka nawala kanina e" sabi pa nito at natawa.

"Ah yes, this is Jennie. Jen this is Doc Joshua" pagpapakilala ng katabi ko sa kasamahan niya

"Oh, yung fiance mo. Nice to meet you Miss Jennie. Mauna na po ako ha, baka sakaling makaidlip pa bago magrounds" sabi nito at napatingin ako saglit kay Lisa bago sumagot sa kasamahan niya. "Nice meeting you, Doc Joshua" sagot ko naman at nagpatuloy na itong maglakad papalayo samin.

"You should eat more, fiance" sabi ni Lisa saakin kaya bahagya ko siyang hinampas sa balikat niya.
"Hindi din nila alam?" tanong ko kahit obvious na ang sagot.

"Nope, I don't really address to chismis. I just let them." sagot nito bago uminom.

"Paano ka makakapagdate ng bago niyan kung akala nila fiance mo ako?" tanong ko kay Lisa

"Well, I am not interested in dating other people." sagot nito saakin at pagkatapos ay umayos siya ng upo paharap saakin.

"I like you, Jen. I don't know if you have noticed pero, I really do." hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa may mesa "I want to date you for real. I want to make US real... That is if you will allow me"

Magsasalita sana ako kaso inunahan niya ako "I know you'll say na busy ka. And I know that I am also busy since I just started my residency. But I really like you and I understand how important your career is for you." she told me with pleading eyes still holding my hand "we can make it work if we want to" dagdag pa niya

Nginitian ko lang siya pagkatapos ay sinubuan ko ng roti. "Tapusin mo na nga muna food mo"



Naglalakad na kami ngayon patungo sa kotse ko dahil she insisted na ihahatid daw niya ako.
Pagkadating namin sa tapat ng kotse ko
"You go back na, para you can take a nap pa" sabi ko sakanya at umiling naman ito
"Kulit" sabi ko at natawa naman siya.

Pasakay na sana ako sa kotse ko nang lingunin ko siya
She raised her brows curiously
"Let's give it a try, Lisa." sabi ko pagkatapos ay hinalikan ang pisngi niya bago ako tuluyan nang sumakay sa kotse at sinara ito.
Pagkadrive ko ay hindi parin gumagalaw ito sa pwesto niya at hindi parin naaalis ang malaking ngiti nito. Bumusina nalang ako bago tuluyang umalis.

WAVESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon