It is Saturday and we have decided to hangout dito sa place naman ni Rosie.
I actually live just a few minutes away, so it is easy lang for us to barge into each other's lair.We are cooking at the moment, or it is just me cooking and my bestfriend tasting, for our lunch. Jisoo is also coming today after a quick meeting daw kaya we cooked a lot.
I am currently pouring the cheesecake batter on top of the crust I pressed down on the springform pan as she holds it steady. Pagkatapos nito ay pinaalalahanan kong itaktak niya ng maayos para walang matitirang air bubbles para maayos ang pagkakaluto nito at inumpisahan ko nang gawin ang iba't ibang sauce para dito mamaya dahil hindi naman kami pare-pareho ng trip na ilalagay.
Nang sinimulan naming iprepare sa lamesa ang mga naluto namin ay saktong dumating naman ang kasama namin.
"Hi guys, andito na 'ko" sabi nito pagkapasok palang niya at paglapit saamin sa may dining table.
"may kasama nga pala ako" dagdag pa nito at saktong nakita na namin sa entryway ang mga kaibigan niya. "Ate Seul, Lisa. Buti nakasama kayo" bati ng kaibigan ko."Hi, It is too late to say pero I hope we are not intruding" sabi nito
"Oh, of course not" sabi namin ng kaibigan ko
"Jen cooked more than enough kaya perfect timing kayo" dagdag ng best friend ko.Pagkatapos naming magset ng table ay naupo na kami para magsimulang kumain.
"Fair warning guys, I am not a professional in cooking ha. Kaya di namin magaguarantee na masarap ang pagkain ha. Pero may lasa naman yan" sabi ko at natawa naman ang mga ito bago namin nilantakan ang mga pagkain.
"Buti pala magkakasama kayo ngayon?" tanong ng kaibigan ko sa kalagitnaan ng pagkain namin. Naikwento nga niya na hindi na din sila masiyadong nagkikita dahil busy na din sila sa mga work nila, and si Lisa nga daw mejo matagal na nila hindi nakakasama gawa ng puro daw siya Diana dati tapos nabusy na din sa med school noon.
"Actually, I just bumped into Seul. Saktong dumaan kasi siya dun sa Cafe kung saan kami nag meeting ng team ko tapos naisipan namin sunduin na din tong si Lisa kasi nabanggit niya na wala siyang sched ngayon, pati nung nagdinner kami na mini reunion, nag agree kami na maghangout soon." natatawang sagot ng nobya nito. "And alam naman natin na hindi matutuloy yun kung hindi namin bibiglain."
"Buti nga nakakasama na namin tong isa" hirit ni Ate Seul at nagmake face naman ang pinakabata.
"Foul" sagot naman nito habang nakasimangot pa."Lisa, by the way, I met Hyeri nung Wednesday din. remember her?" tanong ng kaibigan ko
"Yeah, seatmate ko nung Junior year. What about her?" curious na tanong ng katabi ko.
"Eh nameet din kasi ni Jennie" sagot naman ni Rosie at bahagyang tumingin saakin "nakilala daw niya si Jen kasi nakita daw niya sa Facebook post na engaged na kayo" dagdag pa niya na ikinasamid ko naman while Jisoo hides a giggle.
"Sabi ko lang naman Jen magjowa ka para may kadouble date na kami ni bebe" hindi na niya naitago ang tawa niya "Overachiever ka talaga, uunahan mo pa kami ikasal. From too busy to date to soon to be married" dagdag nito
Nagtawanan sila while I was left speechless.
Nagulat nga ako at maging si Lisa ay nakikitawa din. Hindi mo aakalain na ganito na siya magreact ngayon tungkol dun sa nangyari sakanya 6 months ago. Sabagay, pagkatapos ng gabing iyon ay ngayon ko palang din siya ulit nakita."I can't believe na you are not dating ha, parang impossible na walang makukuha sa sarap ng luto mo" komento naman ng katabi ko,
"Well, Thank you. I'll take that as a compliment." sagot ko nalang at binalewala ang ibang parte ng komento nito.
"Oh, ano palang balak niyo? Kelan kayo ikakasal?" dagdag pang aasar naman ng pinakamatanda
"Hahahaha, I'm sorry for dragging you into my mess Jen. To be honest, my relatives are also asking about you. Nakita din nila yung post about sa proposal nung Paskuhan. And nagulat sila na iba yung babae since si D nga ang alam nila na girlfriend ko." nahihiyang sagot ng katabi ko. "I haven't commented or anything, pero I swear I will fix it." dagdag niya and smiled apologetically to me.
"Panindigan niyo nalang kaya?" pang asar ng best friend ko na pinandilatan ko nalang at ginatungan naman ng dalawa pa.
"I'm down if Jennie's down" sagot naman ng katabi ko na nakikipagsabayan sa pang aasar ng mga kaibigan namin.
"You guys need dessert" sagot ko sakanila at tumayo na para kunin ang cheesecake na nakarest na pagkatapos maluto kanina pa.

BINABASA MO ANG
WAVES
ФанфикThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events...