5

1 0 0
                                    




What once was an unplanned hangout turned into a regular one.
We, now, often go drinking on Friday nights or go out of town for weekend getaways or just hanging out in one of our places. Minsan nga ay nagkakayayaan din ng biglaang after-work group dinner. Madalas ay nagiging 5th and 6th wheel kami ni Lisa sa double date nila kaya hindi parin nila maiwasan na tuksuin kami na magdate nalang kaming dalawa for real. Medyo may awkwardness padin syempre kapag natutukso kami kaya paminsan ay nahihila ko din sila Mino at Jung Ha.

Ngayon nga ay nag-aya sila ng biglaan na Tagaytay trip dahil kasalukuyan ay nandoon at nagstaycation sila Ate Seul at Ate Irene kaya imimeet na namin sila doon.
Si Jisoo nalang daw magdadala ng sasakyan at siya na din magdrive papunta tapos si Lisa na daw pauwi. Nagsleepover na si Lisa sa bahay ni Jisoo kaya, si Rosie na ang dadaanan nila bago ako.

Pagkasakay ko ay agad naman nila akong binati.
"Ready na kayo magbulalo?" tanong ni Jisoo na napakahyper.

"traffic na bebe, 9am na e. Daan muna tayo kahit snack lang, please? Hindi pa ako nagbreakfast" pacute na sabi ni Rosie sa jowa niya na hinding hindi makakatanggi dito.

"Oo nga, gusto ko din magkape" dagdag naman ng katabi ko dito sa likod ng magjowa.

Kaya nagdrive naman na si Jisoo at napagpasyahan niya na sa SLEX nalang kami dumaan ng makakain para derederecho biyahe nalang pagkatapos. Habang nagdadrive si Jisoo ay busy naman ang kasintahan nito na bumirit birit kasabay ng music na piniplay nito at ang katabi ko naman ay inumpisahan naman akong kulitin. Hindi ko aakalain na ganito pala siya kakulit dahil nga noong nag-aaral palang kami ay hindi ko naman siya masiyadong nakakasama dahil nga sinusundo agad siya ng noo'y nobya niya. Kaya kahit balak ko sanang matulog sa biyahe dahil inaantok pa ako ay hindi ko na magawa.

"Park ko nalang muna para makapag cr na din tayo." sabi ni Jisoo nang tumigil kami sa SLEX

"Gusto ko ng Jollibee, kayo ba?" tanong ni Rosie at tumango naman ako

"Kayo nalang bumili sa Jollibee ng food natin, kami na ni Jen sa Starbucks. Ano order niyo?" desisyon tong si Lisa e. hahaha

Nang makapagfinalize na kami ng mga oorderin ay nagtungo na kami sa kanya-kanyang pupuntahan.

Hindi naman nagpapaawat sa kakulitan itong kasama ko.
Nasasanay na din naman ako dahil ako palagi ang kinukulit niya tuwing naghahangout nga kami dahil busy maglandian yung mga magjowa.

At kahit nakapila na kami ay kinukurot niya pa ang pisngi ko dahil matambok nga daw
"Pakagat na kasi. Isang beses lang e. Ang damot mo" Diredirechong sabi nito at natatawa nalang ako kasi bakit ba naman niya kakagatin ang pisngi ko???

"Lalisa" biglang pagtawag ng isang middle-aged na babae na lumapit bigla saamin.

"Aunt Alicia" napilitang bati ng kasama ko. Napansin ko na hindi siya natutuwa sa pagkikita nila ng tita niya dahil bigla itong naging seryoso.

"Mom, ba't hindi ka pa pumipila?" tanong ng isang babae na sa tingin ko ay mas matanda ng ilang taon saamin. "Oh. Lisa." pormal na sabi din nito nang mapansin kung sino ang kausap ng nanay niya.

"Ate Celine" sabi din naman ni Lisa "This i--"

"Kasama mo pala ang fiance mo. Kailan mo siya balak ipakilala sa pamilya?" pagsingit ng Tita niya sa usapan. Siguro ay namukhaan din ako nito dahil sa posts noon.

At bago pa muling makapagsalita si Lisa ay pinutol nanaman ito ng pinsan niya
"Yeah, you haven't introduced her to us. Ikinasal na ba kayo?"

At napansin ko naman na kumunot na ang noo ng kasama ko kaya hinawakan ko ang likod niya at bahagyang hinimas para mapaalalahanan siya na kumalma lang. Hindi ko alam kung napansin nila pero pasimple itong huminga ng malalim at umakbay saakin sabay ngiti sakanila,
"Aunt Alicia, Ate Celine... This is Jennie, my fiance. And no, we are not yet married." sagot nito at lumingon sa pila, "Now, if you'll excuse us... kailangan na naming mag order. Our friends are waiting for us also." sabi nito at dinala na ako papunta sa counter para mag order na kami. Hindi naman nakaligtas sa akin ang pagtingin ng mag-ina saamin ng masama.



"We are back. Let's go" sabi ng magjowa pagkabalik nila galing sa Jollibee. Nauna lamang kami ng ilang minuto na makabalik sa sasakyan. "Oh, ano nangyari ba't parang nalowbatt yang isa." natatawa na sabi ni Jisoo nang makasakay na kami at magsimula na siyang muli na magdrive.

"May nakita lang kami na asungot." sagot naman ng katabi ko kaya tumingin si Jisoo saakin na parang nagtatanong.
"Nakita kami ng Auntie niya pati pinsan niya" sabi ko at medyo natawa si Lisa.

"Tinatawa tawa mo jan?" tanong ko sakanya at sinagot naman ako nito
"Kasi fiance parin kita hanggang ngayon. Panindigan na natin 'to ha" sabi nito at sumabay pa nga sa pagtawa ang dalawa.
Sinalpakan ko nga ng fries yung bunganga niya para magtigil na. Bumalik nanaman pagiging makulit niya e.

WAVESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon