1

5 0 0
                                    


"Ay alam ko 'to, alam ko 'to" maingay na sabi ni Rosie at tumalon talon pa siya.
Nasa Paskuhan na kami ngayon.  Nagmeet kami kanina sa condo ni Mino kung saan nag-aya sila mag pre-game pero ang  nangyari? Para kaming mga estudyante uminom, walwal.


"'Di ko maintindihan ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay
Pinapanalangin lagi tayong magkasama
Hinihiling bawat oras kapiling ka" 
Kanta ng magpinsang Roseanne at Jungha na ginagamit ang kamay nila bilang mic.


Natawa nalang ako sakanilang dalawa na nagtinginan pa pagkatapos ay tumingin saakin na mapang-asar. Itinapat nila yung kamay nila saakin kaya wala na akong nagawa kundi makisabay sa trip ng dalawa kong kaibigan.


"Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko, sinta
Sana'y 'di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man


Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang-buhay, ikaw lamang, sinta
Wala na 'kong hihingin pa, wala na
Ooh, ooh-ooh-ooh" 
 Pagkanta ko naman habang sumasayaw pa kaming tatlo dito sa gilid. 

Wala na kaming pakialam kung nanonood na din ang mga katabi namin saamin, basta nageenjoy lang kami, pumunta kami dito para magsaya. 


Ayoko nang maulit pa ang nakaraang ayokong maalala
Bawat oras na wala ka, parang mabigat na parusa
'Wag mong kakalimutan na kahit nag-iba
Hindi ako tumigil magmahal sa 'yo, sinta


"bili lang ako ng pagkain, gutom na 'ko" paalam ni Mino saaming tatlo na tinanguan lang namin


"Inumin pa natin 'to, ubusin na natin" hagikgik ni Jung Ha habang nilalabas ang itinago nito kanina na alak na inilagay niya sa tumbler. Pinagpasahan naman naming tatlo habang naghahagikgikan pa.

"Sana mabilis lang si Mino, wala akong nabaon na pulutan" komento naman ng babaeng to na lalo pa naming ikinatawa ng pinsan niya. 

Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko, sinta
Sana'y 'di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man

Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang-buhay, ikaw lamang, sinta
Wala na 'kong hihingin pa, wala na
Ooh, ooh-ooh-ooh


Nakalahati ko na yata ang laman ng tumbler na baon namin habang naghihintay naman itong isa,
Natawa pa ako ng bahagya nang makita kong namumula na si Jung Ha. Nawawala na naman yung mata niya. Ganyan siya kapag ngumingiti. Bahagya ko pa itong nabugahan ng alak.

"Ate Jen naman e" reklamo nito.

Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang-buhay, ikaw lamang, sinta
Wala na 'kong hihingin pa, wala na
Ooh, ooh-ooh-ooh
 


"I... I braved this crowd tonight because I want to l-let the world, or-- or at least the people here, know how much I l- I love this girl. The girl I met in this University, and the girl who holds my heart." May biglang nagsalita sa stage at dahil dito ay napansin kong natahimik pala ang paligid. Maliban sa instrumental background na tinutugtog ng banda, yung boses lang nung babaeng nakatayo sa stage ang naririnig. Inabot na din ni Jung Ha ang hawak ko na tumbler at siya naman ang uminom sa laman nito. 

"This place has witnessed how we both grew, individually and together that's why I believe that this i-is also the p-perfect place for th- for this" nauutal na dagdag pa nito kaya napatawa akong muli na dahilan ng pagtawa din ng kasama kong umiinom. Napabuga din ito ng kaunti. At dahil nga tahimik sa paligid namin ay napatingin yung mga malapit saamin, hinampas naman kami ni Rosie kaya tinakpan ko ang bunganga ko kasabay ng pagbulong niya ng "Sssshhh"  habang siya ay nagpipigil ng tawa. 

"Si Lisa yan diba?" tanong nito saakin ng pabulong 
Tumingin naman ako sa stage at pilit na inaninag kung sino yung nandoon. 
Nakatingin ito sa parte kung nasaan kami,

"Siya nga yata. Friend mo yan tapos di mo makilala?" natatawang pabulong na sabi ko

"Baby, Make me the happiest tonight and I will make sure to make you happy for the rest of our lives.  Will you marry me?" Tanong ni Lisa kaya napalingon-lingon kami para hanapin kung nasaan si Diana, yung long-time girlfriend niya na nasa harapan lang pala namin.

Dumating naman si Mino at inabot saamin yung tubig at pagkain na binili niya. 
"Ano nangyayari?" pabulong na tanong niya saamin 
"Sssshhhhh" sagot naman naming tatlo 

Nagbubulungan na ang mga tao at nagtatanungan na kung sino yung tinatanong dahil wala paring sumasagot
"Baby?" tanong muli ni Lisa. Dinig na dinig sa boses at kitang kita sa nginig sa kamay niyang nakahawak sa mic ang kaba niya kaya maging kami ay kinakabahan na. Inagaw ko ang tumbler at napainom pa nga ako.
Habang magkahawak kami ay nakatuon ang tingin namin ng bestfriend ko kay Diana. 
Naramdaman ko namang pinisil ako ng best friend ko nang makita naming paalis na ang babae na siyang ikinalaki ng mata ko. 

"YES!" sigaw ko at nagpalakpakan at hiyawan naman ang mga tao. 

WAVESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon