3

2 0 0
                                        


"Hindi mo nga pwedeng ibahin yun, Engineer. Bakit mo ba pinagpipilitan yan, e nasa approved budget naman yon. Sisirain mo pa yung design ko e"

"Ayusin niyo na yan, dahil lalo lang tayong hindi aabot sa schedule kung iibahin niyo nanaman"

"Oh, ang init ng ulo mo Architect." pagkababa ko ng tawag ay komento ni Jisoo na sinusubuan ang kasintahan niya ngayon.

Naglunch out kami ngayon dahil matagal daw silang hindi nagkita, at bilang good friends ko daw ay isinama na daw nila akong dalawa.

Hindi ko maiwasang mag roll ng eyes dahil na din sa init ng ulo ko.
"Paano e, yung engineer na yun." sagot ko naman.

"Si Salazar yan no?" sabi naman ng isa pang arkitekto

"Oo, yung sa residential project ko sa San Juan." iling ko at sumubo muna sa pagkain ko.
"Ano akala niya sakin? Tanga? Alam ko namang corrupt yung Engineer na yon e. Iibahin yung plano para makatipid siya, para may manakaw."

"Malas niya no? ikaw architect niya" natatawang sagot ni Rosie "Akala niya siguro maganda ka lang kaya balak ka niya utuin. Nakasama ko din yan dati, yung Bulacan townhouse project? dapat kasi tinatanggal na yan e." dagdag nito.

"Oh, tama na. Kumain nga muna kayo. lunch break pa e, wag muna isipin yung trabaho." Sabi naman ni Jisoo. "Ngayon na nga lang kayo makakakain"

"bebe, daan ka ba later sa condo?" tanong ni Rosie habang kinakain yung dessert niya

"baka late na ako makauwi bebe eh, I'm having dinner with my grade 6 classmates pa. I told you diba?" sagot naman ng isa

"Okayyyy. But i'm finishing some designs tonight so let me know if you want to come home to me nalang" sagot pa ng best friend ko

Nagcrumple ako ng malinis na tissue sabay tapon sakanilang dalawa, "Ang landi niyo, bwiset"

"Alam mo, you've been our third wheel na for years bakit ba hindi ka pa sanay?" sagot ng best friend ko

"Or better yet, bakit kasi 'di ka pa magjowa para double date na?" natatawa namang gatong ng jowa nito.

"I am too busy para makapagsingit ng pakikipagdate sa schedule ko"

Nagtinginan pa ang dalawa bago ako bigyan ng mocking face

"nakakairita kayo" dagdag ko



"do you have field work ngayon?" Rosie asked me, pagkabalik namin sa office

"no, I did na yesterday. I have to finish my pending designs lang because I am meeting my clients sa Friday. You?" I asked back

"naresched ko na for tomorrow para tapusin ko muna pending ko ngayon. I am swamped." sagot nito

"Architect Park, may naghahanap po sainyo" sabi ni Vina, yung receptionist namin, pagkadating namin sa lobby. Pagkatapos ay itinuro niya yung waiting area.

"alright, thanks Vina." sagot nito at naglakad na kami dahil madadaanan din naman namin ang waiting area papunta sa elevator

"Roseanne!" tawag ng babae nang makalapit kami sa kinauupuan nila ng kasama niya.

"Hyeri!" sabi ng kasama ko sabay tili bago nakipagbeso sa kakilala niya.

"Hi! Si Kiyong nga pala, mapapangasawa ko. Ki, si Roseanne, classmate ko ng grade school hanggang 2nd year high school" pakilala nito

"Hi, nice to meet you." sagot niya bago nakipagkamay "This is Architect Jennie Kim nga pala, classmate ko naman siya nung college na" pakilala nito saakin.

Pagkatapos ng introduction ay inaya na ng kaibigan ko ang mga bisita niya sa office nito kaya nagtungo na kami sa elevator.
Habang nasa loob naman kami ay nagkukwentuhan parin silang dalawa.

"You look really familiar" sabi ni Hyeri sa akin kaya napangiti nalang ako sa kanya

"Really?" sagot ko habang inaalala kung kilala ko siya ngunit biglang nanlaki ang mata niya,

"OH! Alam ko na!" sabi nito at hinampas hampas pa ang balikat ng mapapangasawa niya na nakakuha ng tawanan saaming lahat.

"Ikaw nga!" dagdag pa niya "Ikaw yung fiance ni Lisa, diba?" tanong niya at nagtinginan kami ni Rosie dahil dito. Oh My God. Oo nga pala, may nangyari nga pala na ganon.
"Ikaw yun, nakita ko lang sa Facebook e. Nung paskuhan diba? Nagpropose siya dun?" tanong niyang muli ngunit hindi kami makasagot ng best friend ko.

"Ikaw nga, Fiance mo si Lalisa Manoban" sabi pa niya.
Bago pa man ako makapagreact ay nagbukas na ang elevator sa floor namin at sakto namang nakita ako ng Head ng Architecture Department.

"Architect Kim, I'm glad you are here early. Please come to my office for a minute" sabi nito kaya nagpaalam na ako sakanila na mauuna na habang sila ay papunta na sa opisina ng arkitekto.

"Nice to meet you, Architect. Kamusta nalang sa fiance mo ha"

WAVESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon