Chapter 5

11 1 0
                                        


*Ella Mae POV*
"Hi beeeee Lora huhu i miss you my bebe" saad nito kay Lora at sabay akap ng mahigpit dahil hindi sila nag kita ng dalawang araw dahil weekends.

siya si Ella Mae Garcia ang nag iisang bff ni lora sa kabilang school.

"naka gawa ka na ba ng assignment sa entrep? so so hirap te" saad nito kay Lora na may makungkot na tono.

"Oo naman te jusme ka e ang dali-dali lang naman non" pag mamayabang na sabi ni Lora sa kaniyang bff.

"yabang nito oh" saad ni ella.
"turuan kita mamaya after lunch tutal last period natin yung entrep" sabi ni Lora na may lambing.
"thank you beb–" bago pa matapos ang sasabihin ni ella ito ay tinamaan na ng bola dahil sa mga athletes na nag t-training sa court.

"ouch!! ano ba?!?! hindi ba kayo marunong mag laro ng hindi nakakasakit ng mga taong wala namang kinalaman sa laro ninyo ha?!?!!" sigaw ni ella dahil mayroon itong tinatagong tapang hindi lamang ganda, at alam ng lahat kung gaano ka palaban ang isang Ella Mae Garcia lalo na pag sinaktan nila ang mga kaibigan nito, literal na hindi niya nakokontrol ang kaniyang galit kaya ito ay bigla nalang sumasabog at susugudin ang mfa taong nanakit sa kaniyang mfa kaibigan.

"Sorry ms. Nasaktan ka ba?" malumanay na sabi ng isang player.

"Ano sa tingin mo ha? hindi? ikaw kaya batuhin ko ng bolla ha, hindi ka masaktan?!?! siguro hindi kasi manhid ka! pare-parehas kayong mga lalake manhind na kahit alam nilang naka sakit na sila tatanungin pa kung nasaktan kaming mga babae, ano tanga lang? o nag ta-tanga tanghan lang?” saad ni Ella ng pagalit.

“Nag sorry na nga yung tao ganiyan ka pa? jusko mga babae nga naman hirap maka intindi.” saad ng lalake ng patawa.

“Asher Lee nga pala” pahabol nitong sabi at inabot ang kamay ni Ella.

“Anong pake ko sa pangalan mo? tinanong ko ba? tsaka hindi ako makikipag kamay sayo kaya wag ka na makipag kamay sakin” pag tataray ng babae at biglang tinapik ang kamay ng lalake ng may kalakasan.

“ouch naman haha, cute mo ms” pambobola nito sa babae.

“Hindi mo ako madadaan sa mga ganyan hahaha” natatawang saad ni Ella habang ang kaniyang mga kasama nag aalala sa kaniyang natamaang ulo.

“Ok lang ako be, tara na nga nasisira araw ko sa bwisit na ito” sambit ni Ella kay lora at sila ay umalis na ng court para mag lunch sa cafeteria ng school.

ilang linggo na kinukulit ni asher si Ella dahil sa taglay nitong ganda at karisma ng pagiging palaban dahil ang karamihan ng mga gusto ng mga lalaki ngayon ay ang mga babaeng pahard to get at palaban.

“Hi Ella my loves, flowers for you” bati nito sa babae at sabay abot ng bulaklak.

“Ano ba asher? kelan ka ba titigil alam mo namang ayaw ko sa mga lalakeng walang respeto at basagulero kaya it means ayoko sayo” pag tataray nito sa lalake.

“Ouch naman my loves, sakit naman nun, payagan mo na ako manligaw promise mag babago ako at paninindigan ka.” pag mamakaawa nito da babae.

“Bahala ka sa buhay mo, manligaw ka kung gusto mo, wala akong pake” saad ng babae.

“Sige sabi mo iyan ha” natutuwang saad ni asher.

tatlong buwan na mula nag simula manligaw si asher kay Ella at ngayon april 5, 2023 ay kaniya nang sasagutin si asher at tatlong buwan din hindi sinabi ni Ella kay Lora ang panliligaw ni asher kay Ella kahit maging sila man ni asher wala pa rin balak na sabihin ni Ella kay Lora ang lahat sa kadahilanang hindi matanggap ni Lora si Asher para sa kanya dahil ang alam ni Lora ay basagulero at babae si Asher.

“Asher?? alam mo mag tigil ka na sa panliligaw mo! ayoko na!” pabiro nitong saad kay asher na ikinagulat naman nito dahil nag sscroll lamang siya sa Facebook.

“H-ha? ano bakit?? ano po ba nagawa kong kasalanan baby ha? pls po wag mo ako patigilin” pag mamakaawa nito sa babae.

“Dahil sinasagot na kita babe” sagot nito kay Asher ng may tuwa sa muka.

“Totoo ba?? baby?? thank you!! ang tagal ko itong inintay” naiiyak na sabi ni asher.

lumipas ang 6 months at sila Ella at Lora ay g-graduate na bilang grade 12 ngunit lingid sa kaalaman ni Lora na buntis pala ang kaniyang kaibigan.

When I Met You Where stories live. Discover now