Chapter 1

26 3 0
                                        

"Today is the day that the lord has made char" sinabi niya sakanyang sarili habang binubuksan ang kaniyang cellphone upang mag scroll sa Facebook.

Siya si Lora Archie isang Grade 11 students sa University of West High Ford, may katangkaran din siya na nasa 5'7 ang taas at isa siyang honor student, pinag bubutihan niya ang kanyang pag-aaral para sa kaniyang mga magulang para maka kuha siya ng magandang trabaho pag nagtapos na siya sa pag-aaral.

Habang siya ay tumitingin sa Facebook biglang may lumabas sa kaniyang screen, friend suggestions kung saan pwedeng makahanap ng bagong kaibigan.

Bigla niyang nakita ang isang lalaki na pumukaw ng kanyang atensyon. May magandang buhok ito na tila ba isang k-pop idol, may magandang ngiti, may necktie na naka sukbit sa kaniyang leeg, at ang isa pang pumukaw sa kanyang mata ay ang mata ng lalaki, akala mo bang papatay sa talim kung ito ay tumingin, ngunit ang pares ng mga mata na iyon rin ang nag bigay sa kanya ng kakaibang karisma.

Dahil roon ay dali-dali niyang pinindot ang na sa ilalim ng kaniyang pangalan na Asher Lee ang add friend para sila ay maging mag kaibigan na sa Facebook.

Lumipas ang ilang araw at pag bukas niya ng kanyang Facebook bumungad agad sa kanya ang notification na tinanggap na ni dennis ang kaniyang friend request si Lora ay tuwang-tuwa sa balita na kaniyang na tanggap. "Hala!" sigaw niya. "In-accept ako ni Asher sa fb ackkk" tili niya na muntikan pang mahulog ang isang basong tubig sa tabi ng kaniyang higaan.

Hindi niya napigilan ang kaniyang sarili at tinignan pang muli ang account ni Asher, nang tignan ni lora ang kaniyang account, siya ay nagulat noong makita niya ang featured nito. malaking braso na tila ba siya ay bumubuhat araw-araw ng  dalawang bultong bigas. Nang pindutin niya ang isa sa mga featured nito ay na mangha siya sa kaniyang nakita "S-Siya ay nag bubuhat ng dumbbell??, kaya pala may malalaki siyang braso." Sabi niya sa kaniyang sarili at hindi na pigilan mapahiyaw dahil sa kilig, mayroon pa siyang nakita na ikinalambot lalo ng kaniyang puso, nalaman niyang ginagamit ni Asher ang kaniyang talent para mag serve sa Panginoon, para namang may na aninag si Lora na may tila isang bandilang kulay berde na humahampas kasabay ng hangin na nagmumula sa labas ng binta ng kaniyang kuwarto.

Biglang siyang may naisip "Mag react at mag comment kaya ako sa mga post niya para mapansin niya ako agad at tadtarin ng heart ang mga stories niya" sambit nito sa kaniyang sarili habang naka ngiti.

Ilang linggong nag papansin si Lora kay Asher hanggang sa ito ay mag karoon ng lakas ng loob upang mag chat kay Asher at aminin ang kaniyang nararamdaman.

"Hi Asher............. before 2023 ends i just wanna express myself and my feelings, actually it's been a month since you caught my attention, how you do your stories haha and of course how you serve to our God, you're so attractive when you play drums lalo na pag tumutugtog ka for God. I know naka lagay sa bible na bawal ang umibig/mag mahal ng parehas na kasarian but it's me e, di ko naman ginusto maging ganito hahaha so keep putting God at the center of your life, why? before si Lord lang ang mag s-stay sayo sa up's and down's mo" sabi nito kay Asher at ito ay kaniyang ikinagulat.

"Hala huhu nagulat po ako huhu, thankyou so so much poo!!! You know na kahit nakalagay sa bible na bawal umibig ng kaparehas ng kasarian but still Rinerespeto ko pa rin yung LGBTQ, I'm a worker of God but lahat ng nakapaligid sakin nirerespeto ko lalo if mabait sila kaya I respect you so much. Thank you po so much huhu nagulat talaga ko before 2023 ends. Thank you so much, hoping to see you soon, God bless, and take care!!<3".

Pag katapos ng araw na iyon ay hindi na pigilan ni lora bumuo ng mga magaganda pangyayari sa kanyang isipan kung sila man ay mag kikita, halimbawa na lang habang sila ay kumakain sa isang mamahalin na kainan, sila ay nag p-picnic sa bundok na may magandang tanawin na mayroong nag tatakarang puno, at nag lalakad tuwing gabi na mag kahawak ng kamay at pinag uusapan ang kanilang hinaharap.

To be continue.....

When I Met You Where stories live. Discover now