Chapter 10

8 1 0
                                    

nang mahatid na ni Asher si Ceshia at si Lora sa school at kumpanya ay siya namang pumasok sa kaniyang trabaho na hindi kalayuan sa kumpanya nila Lora.

maka lipas ang tatlong buwan na panliligaw ni Asher handa nang ibigay ni Lora ang kaniyang matamis na oo sa binata ngunit mayroong pangyayari ang hindi inaasahan ni Lora.

kami ngayon ay nasa park kasama ang aking anak at si Asher habang kumakain ng ice cream na nabili sa sundaybest.

"Babe? hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita si Ella na iyong kaibigan kamusta ba siya?" tawag ni Asher kay Lora.

"ahhh siya ba, masaya na s'ya ngayon e hehe" sagit ni Lora kay Asher.

"ay may nobyo na ba si Ella?" tanong nito muli kay Lora.

"ahh wala" sagot ni Lora, may sasabihin pa sana si Asher ngunit biglang tumunog ang telepono nito dahil tumatawa si Lorenzo upang kuhain ang pera.

"wait babe sagutin ko lang itong tumawag sakin" saad nito sa babae at pumunta sa labas ng sasakyan nito.

habang kausap ni Asher si Lorenzo hindi nito namalayan na nasa likod na nito si Lora upang ayain na ito umuwi at gawin ang pinaplano nitong sagutin si Asher sa harap ng bahay nila.

"pre Asher, yung pera ano na? kelan mo ibibigay jusko naman naibigay ko na sa'yo yung gusto mo diba? ginagamit mo na nga si Lora para maka piling muli si Ella! hindi ka marunong tumupad sa usapan!" sigaw nito kay Asher.

"oo pre ibibigay ko sayo pag nakita ko na si Ella at maka sama siyang muli tsaka ang sarap sarap pa pag laruan nitong si Lora ginagawa nito yung mga hindi ko ginagawa sa bahay e, pinag lalaba pa ako nito pre hahaha" saad nito sa telepono habang tumatawa.

"A-asher?" nauutal na saad ni Lora at ito ang nag palingon kay asher sa gulat.

"Gusto mo bang makita si Ella? sige tara dadalin kita roon hahaha laruan lang pala tingin mo sakin." saad ni Lora habang may nag babadyang luha sa kaniyang mga mata.

nang maka sakay ang tatlo sa sasakyan hindi akalain ni Asher na dadalin siya nito sa cementery.

"a-ah anong ginagawa natin dito? rito ba naka tira si Ella ngayon?" tanong nito kay Lora na nauutal.

"Oo, rito na naka tira si Ella." saad ni Lora.

"H-ha? ano ibig mong sabihin?" tanong muli ni Asher.

"ihinto mo diyan at malalaman mo ang ibig kong sabihin Asher at wag mo na rin kami guguluhin ng anak mo pag tapos nitong araw na ito, thank you" saad ni Lora sa binata habang may mga luha ng tumutulo mula sa mga mata nito.

sinunod naman ni Asher ang sinabi ni Lora na ihinto ang sasakyan at silang dalawa ay bumaba na sa sasakyan para puntahan si Ella sa puntod nito.

habang sila ay nag lalakad tila ba alam na ni Asher ang ibig sabihin ni Lora sakaniya kaya hindi nito napigilang umiyak habang sila ay nag lalakad patungo sa puntod ni Ella.

nang sila ay maka rating sa puntod ni Ella ay sabay namang hagulgol ng malakas ni Asher at si Lora naman ay umalis na kasama ang kaniyang anak ngunit hindi niya ipinahalata na siya ay umiiyak sa kaniyang anak dahil alam nitong mag aalala si Ceshia sakaniya.

Iniwan ni Lora si Asher sa puntod ng kaniyang kaibigan habang humagulgol habang ito si Lora nasaktan sa mga nalaman niya at ang dulot nun ay hindi naka pasok si Lora higit isang linggo at mula din ng araw na siya ay nasaktan ni Asher hindi na ito muli nag pakita kay Lora ngunit.....

makalipas ang dalawang buwan nang biglang...... "Tao po!!" sigaw at katok ng tatlong beses ng isang lalake sa gate nila Lora.

"Tao po!!" sigaw nitong muli at labas naman ni Lora mula sa kanilang gate.

"Ma'am order ninyo pong sushi baked and baked macaroni" saad nito sa babae at nag tatangkang iabot ang hawak hawak nitong dalawang paper bag.

"bakit po? wala naman po akong inorder at tsaka wala po akong ipang babayad diyan"saad ni Lora na may pag tataka sa kaniyang muka.

"ma'am bayad na po ito, tanggapin ninyo na po kasi may order pa ako " pag mamakaawa nito kay Lora.

"ayy sainyo na po iyan baka po wrong location lang po yung nilagay nung buyer" saad ni Lora sa delivery rider.

"ay hindi po p'wede iyon ma'am, bawal po namin tanggapin yung order, kaya po kunin ninyo na ito" pag papaliwanag nito kay Lora upang tanggapin ang order.

*Ang naka lipas na isang buwan*

*Asher's POV*
Nandito ako ngayon sa rooftop ng aking bahay habang naka tulala at nag iisip ng malalim dahil sa aking nagawa kay Lora na walang kaalam alam sa relasyon namin ng kaniyang kaibigan ni hindi ko manlang pinakinggan ang puso kong siya ngayon ay tinitibok.

"Ano ba Asher! ang tanga -tanga mo naman!! ni hindi mo manlang inalam kung buhay pa ba ang babalikan mo o hindi na at isa pa, hindi mo manlang inalala ang masasaktan mo!! maka sarili ka Asher!! ikinamumunhi kita!! Arhhhhhhhh!!" sigaw ni Asher sa kaniyang sarili sa sobrang galit na kaniyang na tamo.

"Ano na asher! yung tinitibok ng iyong puso ngayon wala na!! kinamumuhian ka na!! ang tanga tanga mo naman kasi!! Arghhhhh" Sigaw nitong muli.

Nilulunod ni Asher ang kaniyang sarili mula sa alak upang siya ay maka limot ngunit patuloy pa rin siyang pinapatay ng kunsensya niya sa pag wasak ng puso ni Lora ha at hindi rin inaasahan ni Asher na may roon mag papakita sa kaniyang panaginip......

"Asher alam kong alam mong nasaktan mo ang kaibigan ko at gayun din ako... huwag mo naman sanang gawin ang ginawa mo sa akin sa kaibigan ko kung hindi hindi kita patatahimikin gabi gabi at isa pa ikaw ay maroong anak mula sa akin..... nakay Lora ang sagot...." saad ng isang babae sa panaginip ni Asher at sabay naman nitong bangon mula sa pag kakahiga nito at nag tungo ito agad sa kaniyang kusina upang uminom ng tubig at mag isip kung ano ang sinasabi ng isang babaeng walang muka sa kaniyang panaginip ngunit ito ay kaniyang nabobosesan dahil sa malumay nitong tono.

"h-ha?? may anak ako? t@ng/ina??? hindi ko manlang alam na nag karoon ako ng anak kay Ella?? anong klaseng ama ako kung ganon? t@ng/ina wala kang kwenta Asher hindi lang pala ang mahal mo ang iniwan mo noon kung hindi pati ang anak mo...." iyak nito habang naka luhod sa kanilang kusina.

"kaylangan kong mabawi si Lora, kaylangan kong makuha muli ang tiwala niya lalo na ang aking anak, hindi muna ako mag papakita sa kaniya ng dalawang buwan upang bigyan siya ng space and also ng time para mag heal sa nagawa kong kagaguhan."pag papalakas nito ng kaniyang loob.

*kasalukuyan*
maka lipas ang dalawang buwan na pag papadala ng mga kung ano ano ni Asher kay Lora hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Lora kung kanino galing ang mga iyon ngunit siya ay grateful sa mga natatanggap niya tila ba nag tagumpay ang binata muling pangitiin ang minamahal niyang kaniyang nasaktan ng lubos.

"hi kuya, hindi ka ba nag sasawa kaka deliver dito samin? HAHAHAHAA araw- araw ka nalang nandito kuya hahaha but thank you!!" biro ni Lora sa delivery rider.

"hahahaha hindi naman po kasi dagdag po ito sa pera ng pamilya namin hehe" saad ng delivery driver sabay alis nito.

nang uumuwi si Lora sa kaniyang trabaho mula sa buong araw na puro papers, files, and computer ang ginagawa may roong isang lalake ang pumunta sa kaniya upang bigyan ito ng isang orange rose at gayun din ang tatlo pang lalake na itinuro sa kaniya ang daan tungo sa taong nag bibigay sakaniya nito.

habang siya ay papalapit sa binangit na lugar kung saan makikita si Asher si Lora naman ay kinakabahan at nag tataka sa mga inasal ng mga lalake kung bakit siya ay binigyan ng mga bulaklak at tinuro dako sa isang lugar na puno ng nag liliwanag na  ilaw at mga bulaklak at mayroong isang bilog na lamesa sa pagitan ng dalawang gintong upuan habang mayroong musikerong pinatutugtog ang theme song ng 'the beauty and the beast'

~~~ Tale as told as time
true as it can be
barely even friends
then somebody bends
unexpectedly~~~

~~~just a little change
small to say the least
both a little scared
neither one prepared
beauty and the beast~~~

When I Met You Where stories live. Discover now