"Nasa kamay mo na, binitawan mo pa. Nasa harapan mo na, tinulak mo pa palayo."
Marami tayong nagawang pagkakamali. Marami tayong sinayang na oras. Marami tayong sinayang na pagkakataon. Marami tayong pinagsisisihan. Sadyang ganoon lang talaga ang buhay ng tao. Sabi nga nila, you can never be yourself without your imperfections.
Sa bawat nagawa natin, may mga pagsisisi tayo sa kadahilanang hindi na natin maibabalik pa ang nangyari, hindi na natin ito mauulit pa. At dahil doon, dumadagsa na naman ang napakaraming "sana" sa isip natin. Ang hindi napapansin ng karamihan sa atin, mas lalo lamang nila pinapahirapan ang sarili imbis na tingnan ang kanilang pagkakamali at alamin mabuti kung paano ito gagawing tama sa susunod na mangyari itong muli sa kanila. They just try to fit into blaming themselves.
Hindi mo matatanggal ang pagsisisi sa buong katauhan mo. Ang tanging magagawa lang natin, iwasan ito. Pero tandaan na healthy din naman na maka-experience ng regrets because it teaches us to differentiate what is wrong from right and helps us to make wiser decisions in the future.
Unang-una na kailangan natin na matutunan ay huwag sayangin ang bawat pagkakataon na dumadating sa atin. Hindi naman araw-araw ay laging nandiyan ang mga kailangan natin sa buhay. Hindi naman araw-araw ay binibiyayaan tayo. Para saan pa ang salitang "chance", 'di ba? Kaya habang may chance- na nandiyan ang pambihirang biyaya, ang mga mahal natin sa buhay, ang babae/lalake na matagal mo na napupusuan, ang pagkain na minsan mo lang matitikman- kunin na natin ito agad. Gawin na kung ano ang dapat gawin- sabihin na mahal mo ang isang tao, iparamdam sa kanila kung gaano mo siya kamahal. Kasi hindi na natin alam kung ano na ang mangyayari sa future. Pwedeng mawala na ito ng tuluyan at hindi na maaaring bumalik pa sa mga palad natin. at kapag nagyari iyon, malulugmok na naman tayo sa kalungkutan.
Second, we should be brave. Brave in what way? Simple. Brave to tell someone your feelings. Brave to tell the truth. Brave to do the nicest thing to a person. Kasi kung hahayaan mo pangunahan ka ng mga kinatatakutan mo (lalong-lalo na ang rejection), wala rin. Kaya sa bawat pagkakataon, tapangan natin ang loob natin para at least, masabi natin sa sarili natin na ginawa na natin ang lahat upang may magandang mangyari sa atin.
Last but not the least, stop killing time. Minsan, ang akala natin, pwede pang ipagpabukas ang mga bagay na hindi natin kayang gawin o sabihin sa isang tao. Tapos, magugulat na lang tayo na wala na sila sa tabi natin. Tapos, magsisisi na naman tayo. Kaya huwag nang magsayang pa ng oras. Gawin na natin ang dapat gawin. Tulad nga ng sabi ni Vice Ganda, ""Wag ka nang magpa-tumpik-tumpik pa , kakara-karaka". KILLING TIME = REGRETS
So before you leave this article, listen to the song from Julie Ann San Jose, "Bakit Ngayon". I hope medyo nakaka-relate siya sa mga sinabi ko. :))
Just play the youtube video.
- pumpkinandsquashes
![](https://img.wattpad.com/cover/4858826-288-k582789.jpg)
BINABASA MO ANG
Magic Inside the Bonnet
RomanceThoughts from the bee buzzing inside the woven-cloth cap.