Magical Post #6: Cheers To That New Beginning

96 1 0
                                    

Imagine this....

Boss ka sa isang kumpanya. One day, you thought na ayaw mo na sa trabaho mo maybe because you're too much exhausted or nagsasawa ka na. So you decided to leave. No resignation letters, no filing of leaves, no phone calls or notes saying that you will leave/ will not be around. As in wala lahat, basta ka na lang nag-disappear. Eh ikaw ang nakakaalam sa mga operations ng kumpanya, you know its ups and downs and how to swerve through all the bumpy road it passes. What do you think will happen? Ano kayang mangyayari dun sa mga trabahador na iniwan mo sa ere? Saan sila kakapit? Anong gagawin nila sa mga operations ng kumpanya eh ikaw nga 'tong nakakaalam ng lahat ng iyon?

Selfish, isn't it?

Closure

One scene na tumatak sa isip ko from the movie "Starting Over Again" (na ipinagpapasalamat ko naman dahil may natutunan talaga ako) is the scene kung saan nagkausap ng masinsinan sila Marco and Ginny about their past relationship dahil hindi nila maintindihan kung bakit, after four years simula nang iwan ni Ginny si Marco sa ere, ay ipinagtagpo pa rin sila ng tadhana. Kung kailan medyo nabawasan na ang sakit na naramdaman nila from that painful event in their lives, nagkita ulit sila.

Until they realized kung bakit nga ba sila nagkita ulit. Not that they will be back again in each other's arms but to put closure upon their relationship.

Closure. Napaka-importante ng closure sa mga pangyayari sa buhay natin. Whether good or bad times, everything must have closure. 

Paano nga ba maglagay ng closure?

Karamihan kasi sa atin, imbes na harapin natin kung anong problema, tinatakbuhan lang natin. May sama ka ng loob sa isang tao pero ang ginagawa mo ay isinasantabi na lang ito at kinakalimutan na lang. May relationship kang iniwan na lang ng basta pero hinayaan mo na lang na mag-subside ang kung anumang issue dahil iniisip mo, maiintindihan naman siguro iyon ng ex mo. Nagdadalamhati ka sa isang bagay na nawala. Maaring isang napakaimportanteng tao sa buhay mo o bagay na may sentimental value. Hanggang ngayon, nagdadalamhati ka pa rin at umaasa na baka isang araw, bumalik pa ang bagay na iyon. Ayaw mong harapin ang katotohanan na wala na talaga ang bagay na iyon.

At dahil sa mga ito, nananatili tayong lugmok. Hindi makatayo sa pinagbagsakan natin. Dala-dala pa rin natin yung bigat sa dibdib natin kahit na sabihin pa nating okay na. Andyan pa rin 'yan, hindi pa nawawala. Tandaan: tinakbuhan mo lang ang problema, hindi mo tinapos. Hahabulin ka pa rin and you will always dwell in the past whether you admit it or not.

Kaya ang mas maiging gawin, harapin mo lahat ng issues mo. Aminin mo lahat ng napakaraming bagay tungkol sa sarili mo at hangga't maaari, sairin mo lahat hanggang sa maubos. Aminin mo kung anuman ang katotohanan. Stop being a dreamer even for a while. Oo, maaaring sobrang sakit kung babalikan mo pang lahat ng iyon. Maaaring mahirapan ka at mate-tempt ka na kalimutan na lang ulit iyon. 

Pero tiisin mo. I-feel mo lahat ng sakit hanggang sa mapagod ka na at masabi mo sa sarili mo na "Tama na. Ayoko na ng ganito. I'll put an end to this and I'll start all over again". That's the time you start releasing yourself from the pain. It might take time but time heals all wounds - though it might leave scars. And those scars, you will learn to see them as a reminder of the lesson you've learned from your experience and not as a reminder of the pain you've almost died to.

And this is where change starts. You start growing up. You become even more mature. You become stronger. You start seeing things in a different perspective. Mas nao-open ang mind mo sa napakaraming bagay dito sa mundo.

Anu't-anupaman 'yang pinagdadaanan mo, maglagay ka ng closure kung sakaling hindi mo na kaya. Maaring sabihin ng ibang tao na nag-e-emo ka pero hayaan mo lang sila. Ikaw naman ang mag-u-undergo ng change at hindi sila. Ikaw pa rin ang mag-be-benefit.

Most important thing you'll learn here is to love. Love not just the romantic way but in all its forms. Dahil nga mawawala na lahat ng sakit na ikinimkim mo diyan sa puso mo. You're cleansed so there will be more room for love, baka mas malaki pa compared to how big it was in the past.

And that's how you can spread the goodness which will bring you genuine hapiness.

-pumpkinandsquashes

Magic Inside the BonnetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon