Magical Post #3: "Watch Out for Flying Brain!"

49 3 0
                                    

May tanong ako.

Bakit mo nga ba namimiss ang isang tao?

Wait... Let's put it this way...

Bakit nga ba kailangan mo pang ma-miss ang isang tao?

Bakit nga ba sa tuwing maiiisip mo ang taong iyon, kailangan mo pa makaramdam ng pagkalungkot?

Nakakainis na nakakatawa yung konsepto. Weird at nakakapagtaka kung bakit at paano iyong nangyayari. 'Di ba puwede naman na patuloy ka na lang na maging normal sa bawat araw ng buhay mo? Iyong tipong nakikipag-usap ka sa mga kaibigan mo katulad ng dati. Iyong tipong nakikinig ka lang ng maayos dun sa teacher mo na nagdi-discuss sa harapan ng classroom niyo. Iyong tipong nakakakain ka ng maayos tuwing lunch break. Iyong tipong walang distraction. At higit sa lahat...

Iyong tipong wala kang dahilan para lumipad ang utak mo.

Pero hindi mo maiwasan kasi dumarating at dumarating din yung time na sasagi na lang iyong tao na iyon sa isipan mo tapos nagiging lutang ka na naman at hindi ka makauusap ng maayos ng mga tao sa paligid mo. 

Bakit nga ba kasi kailangan pa maging ganoon?

Iyon kasi ang hirap pagdating sa pag-ibig lalong-lalo na kapag in-love. Kapag nabigo ka o nalayo ka sa taong iyon, hindi na maganda ang nagiging epekto sa atin. Tinatamaan na tayo ng depresyon na kapag lumala, maaari ka pang mabaliw. 

Naku naman! Sino pa ba kasi ang naka-imbento sa konsepto ng pagiging in-love? Hindi ba niya naisip na nakakasama iyon sa isang tao dahil maaari siyang mabaliw? But the funny part there is that so many people in this world find their own happiness by being in-love.

Wala tayong ibang dapat sisihin sa nararamdaman natin kundi mismo ang sarili natin. Pinili natin na pansinin kung ano man yung naramdaman natin. Kaya nga dapat, we should be responsible when we deal with our feelings. May tamang panahon sa bawat nararamdaman natin.

Grabe, ang gulo 'no? Sa mga hindi pa masyado nakaintindi, hayaan ninyo na lang na dumating ang panahon kung kailan ninyo matututunan ito dahil nga medyo complicated siya. Ang daming dapat maintindihan. Ang daming paliko-liko. That's why we grow up. We learn new things that will lead to a more profound understanding. And it happens everyday. And by that, we also grow up everyday.

- pumpkinandsquashes

Magic Inside the BonnetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon