Chapter 11: Who Is The Mistress?

8 0 0
                                    

Ivy POV

Pag pasok ko nga ng kwarto,

“Ken?” pag tawag ko nga saknya, sumilip ako sa Cr pero wala sya dun, halos nalibot ko na yung buong paligid ng kwarto namin pero wala talaga sya; bumuntong hininga ako.

“Nasaan na naman ba yung asawa ko?” , agad ko naalala yung kagroupo nya kaya naisipan kong tawagan si Josh.

[ Josh: Bakit Ivy? ]

"Magkakasama ba kayong SB19 ngayon?" I asked

[ Josh: Hindi, bakit mo sya hinahanap? ]

"Eh kasi wala sya dito sa bahay eh," sagot ko

[ Josh: Ah, baka may pinuntahan lang, baka nasa puntod sya ng totoo nyang misis, ]

Nairita ako sa huling sinabi nya

"What did you say?! " Inis ko mula nga sa phone ko

[ Josh: Oh bakit? Totoo naman eh, ]

"But I am his wife too! At si Caitlyn ay matagal nang patay! " sigaw ko nga dito

[ Josh: Nang dahil narin sa kagagawan mo, remember? Ivy, masaya sana ang kagroupo namin kung hindi mo lng pinatay ang babaeng nagpapasigla ky Ken at si Caitlyn yun! ]

"How dare you!" I shouted to him

[ Josh: I'm sorry to say this Ivy pero Ikaw talaga ang may kasalanan, sinira mo ang masayang pamilyang meron si Ken, ]

Mas lalo akong nainis kaya ibinaba ko na agad ang phone ko, magsasalita p sana ako ng pumasok dito sa loob si Jr.

"Tita, why are you here po sa room ni dad?" Tanong nya,

"Kwarto namin ng daddy mo, Jr! By the way nasan ba ang tatay mo? Kanina ko pa sya hinahanap eh! " Inis ko parin saknya

"Ah si daddy po? Nasa cemetery, wedding anniversary kasi ng parents ko ngayon, kaya nandun si dad to celebrate, " he said,

Napahalakhak ako sa sinabi nya

"Celebrate? Nababaliw na yata yang tatay mo, ano bang klaseng celebrate yun? Mag cecelebrate sya kasama ang lupa at mga bulaklak na kasama nya sa puntod ni Caitlyn? That's crazy," I said

"Pero at least, hindi namatay ang pagmamahal ni daddy sa mommy namin," he said,

Inis na inis na naman ako sa batang to at talagang nang iinsulto pa talaga eh! Ako na ang asawa ni Ken ngayon at hindi ang bruhang babaeng yun!

Meanwhile . . . .

"Happy Anniversary langga, miss na miss na kita sobra, sana magkasama parin tayo ngayon, alam mo ba hirap na hirap na ko ky Ivy, I'm so sorry langga kung pumayag ako na magpakasal sa killer mo, dahil kung hindi ko gagawin yun, Cait mapapahamak ang mga anak natin at ayokong mangyare yun, nawala kana sakin at ayoko na pati mga anak natin mawawala narin saakin, kahit asawa ko na si Ivy, pangako hindi ko sya mamahalin, hindi ko sya pagbibigyan sa lahat ng gusto nya, at hindi ko sya bibigyan ng sariling anak dahil hindi ako magmamahal ng isang killer na katulad nya, masaya parin sana tayo ngayon kung hindi nya lang sinira ang lahat, kung hindi ka nya pinatay, kinamumuhian ko sya Cait dahil kahit patay kana; Ikaw at Ikaw parin ang mamahalin ko hanggang sa malagutan ako ng hininga, mahal na mahal kita Caitlyn, at miss na miss na miss na kita, Happy Anniversary saatin langga ko," iyak nga ni Ken rito nang madatnan ko sya ditong nakaupo nga sa harap ng puntod ni Cait, at narinig ko lahat ng sinabi nya

"Ano ba talaga ang nakikita mo ky Caitlyn na Wala saakin ha Ken! Bakit kahit patay na sya, hindi mo parin sya kayang e-let go! " I exclaimed to him na may luha pang pumatak sa mga mata ko, napalingon sya saakin

"Ivy, bakit ba tinatanong mo sakin yan? Hindi ba dapat alam mo ang mismong sagot?" Tanong din nya saakin, kasabay ng pag kurap ko nga saknya, lumapit ako saka hinawakan ang kamay nya

"Ken, please I beg you, please love me, ako naman ulit, mahalin mo naman ako ulit kagaya ng dati noong tayo pa, " pakiusap ko, tumawa sya dahil sa sinabi ko

"You know what Ivy, wala na bang lalaki sa mundo at nagmamakaawa kana sa pagmamahal na ibinigay ko na sayo noon pero sinayang mo! " Inis niya, agad din nya akong iniwan dito sa puntod ni Caitlyn

Gigil na gigil na ako dahil sa huling sinabi ni Ken. Inilingon ko yung puntod ni Caitlyn at dito ko nalang ibinuhos ang galit ko

" Bwisit ka talaga Caitlyn! Patay kana, pero bakit hanggang ngayon hindi ko parin makuha-kuha si Ken mula sayo! I hate you Caitlyn, I hate you! " I shouted sabay tadyak ng bulaklak na nandito nga sa tabi ng puntod nya.

***

Nag gegeneral cleaning ako ngayon ng loob ng kwarto namin ng asawa ko while nasa Cr naman si Ken naliligo. Nagvavacuum ako ng sahig namin ng biglang  tumunog ang phone ni Ken na naka patong nga sa tabi ng lampshade. Tunog yun ng messenger nya. Napaangat ako ng tingin sa pintuan ng cr.

“ Yung phone mo langga! ” I exclaimed

“ Hayaan mo muna, ” sagot nya mula sa loob ng cr. Edi hindi ko nalang pinansin at pinagpatuloy ko nalng yung ginagawa ko.

Ilang saglit pa agad ding tumunog ulit ang phone niya but this time may tumatawag na saknya. Inihinto ko na muna yung ginagawa ko saka ko kinuha yung phone nya at sinilip kung sino ang tumatawag.

Nag taka ako sa nakita ko kung sino nga tong tumatawag.

“Wait. . . Who's  Natalie?” tanong ko nga sa sarili ko, sasagutin ko na sana pero bigla akong nakita ni Ken.

“ Akin na yang phone ko, papakialamanan mo na naman to eh. ” inis nya sabay hablot ng phone nya sa kamay ko. Dahan ko syang inilingon.

“ Ken, who's Natalie? ” I asked

“ Pake mo? ” taas kilay nitong sagot bagay na mas lalo ko pang ikinainis.

“ Ow come Ken, don't you dare! Tinatanong nga kita kung sino si Natalie! Masama bang mag tanong?! I am your wife remember that Ken!” Inis ko

“ Sa panananaw mo lang yun Ivy, but for me you are not my wife, ” simple nyang sagot  then tuluyan na syang umalis sa harap ko.

Pumikit muna ako saka ako humugot ng sariling hangin saka ko narin ito ibinuga, pinapakalma ko yung sarili ko dahil sa galit sa sinagot saakin ni Ken.

***

Hindi ko parin maalis-alis sa isip ko kung sino si Natalie. Nandito ako ngayon sa bar umiinom mag isa.

“ Sino nga ba talaga si Natalie? At bakit sya tumatawag sa asawa ko?” tanong ko nga sa sarili ko sabay inum nga ng wine.

DREAM BOOK 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon