chapter 32: Tuluyan nang naloloko ni Caitlyn si Ivy!

5 0 0
                                    

Natalie POV

Napainom nalang ako ng wine dito habang pinagmamasdan ko lang  si Ivy sa tabi ko.

“Natalie, pwede ka ba talaga sa wedding anniversary namin ng asawa ko? ” she asked then ngumiti ako saka narin ako tumango. “Oo naman, saka were bestfriend na diba so gusto ko nandun ako sa happy day mo.” sagot ko , napasandal nalang sya sa balikat ko dahil tuwang tuwa sya na pumayag ako

“Supportive bestfriend mo talaga Natalie, thank you,” she said then pilit din akong ngumiti then sabay inum ulit ng wine.

“Cr lang ako saglit.” dugtong pa nya saka narin sya tumayo at pumunta na ng cr

Yung ngiti sa mga labi ko ay napalitan na nga ito ng galit at ngit-ngit nga sa inis.

“Hmm. . . Sige lang Ivy, hahayaan kong mabuhay ka sa magandang panaginip mong to dahil sisiguraduhin kong magiging bangungot mo na to! Ikaw lang naman nag eenjoy eh.” inis ko

Meanwhile. . .  .

Magkasama kami ngayon ni Ivy sa isang restaurant dahil nandun ako kanina sa bahay nila. Nasa work kasi sina Ken at ng mga anak ko kaya sya lang mag isa sa bahay nila.

“Hmm. . . Bakit tayo nandito? ” tanong ko

“Wala lang,  gusto ko lang makipag bond with you.” sagot nya pero wala lang akong reaction

Napalingon ako sa waiter na papalapit saamin meron na syang bitbit na tray yung order naming pagkain na steak.

“Here's your order ma’am.” sambit nya

“Thanks.” sagot din ni Ivy pagkatapos nyang mailapag ang order namin ay umalis narin si waiter at naiwan na nga kami dito.

“Natalie,” she said

“Yes?” sagot ko

“I know, hindi ka naman makakarelate sa ikukwento ko pero ikaw lang kasi yung kaibigan ko na pwede kong pagsabihan nito.” she said pero nag hihintay lang ako ng next nitong sasabihin. Ano na naman ba tong kabaliwan nya na ikukwento nya. Sarap nyang ibalibag! She sighed.

“Natalie, pwede mo na kong tulungan?” she said

Napakurap ako sa sinabi nya. “T-tulungan? What do you mean?” I asked

“Tulungan mo kong hanapin sya.” mas lalo akong naguluhan sa sinabi nya.

“Ivy, hindi kita maintindihan, sino ba yung hahanapin mo?” takang tanong ko

“I think may babae si Ken, Natalie, niloloko ako ng asawa ko!” mangiyak nitong sambit , hindi ko na napigilang wag matawa sa sinabi nya napatakip nalang ako ng bibig ko para pigilan yung pag halakhak ko sana at iyon ay ang knyang napansin.

“Natalie naman eh! Wag mo nga akong tawanan dyan! Palibhasa kasi wala ka pang jowa kaya di ka relate! Alam mo bang kasalanan yun , yung merong mistress pag may asawa na!” inis nya

Wow? Really? Talaga ba naman Ivy, at sayo pa talaga galing na kasalanan yung pagiging mistress? Alam mo naman pala pero bakit mo parin inahas ang asawa ko!! Bwisit ka!

“at sayo pa talaga galing ang salitang yan Ivy? Alam mo naman pala na kasalanan ang pagiging isang mistress pero bakit nagawa mong ~ ~ ~ ” napahinto ako sa sinasabi ko nang bigla kong naalala na nasa katauhan pala ako ni Natalie Reyes, hindi ko lang talaga kasi napigilan ang sarili kong wag sabihin dahil kating kati na kong sabunutan ang bruhang babaeng to!

Alam naman pala nya pero bakit parin nya kinuha saakin si Ken ang asawa ko at pinagtangkaan ang buhay ko!

Nag taka sya sa salitang lumabas sa bibig ko.

DREAM BOOK 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon