chapter 24: New Friend

12 1 0
                                    

Ivy POV

Nahalata agad nila Ken na parang good mood ako ngayon. Pinagmamasdan lang nila ako rito sa kusina habang nagluluto ng meryenda namin.
Nagtinginan silang tatlo sa pagtataka.
Magkasalubong ang kilay ni Joy ng sya ay magsalita.

“Anong nakain mo Ivy at ganyan na yung mood mo?” Joy asked

“ Oo nga, nababaliw na yata itong step mother nating hilaw!” sungit din ni Jr

“Hmm . . . . My topak kaba ngayon?” Ken asked then I sighed

“May bago kasi akong kaibigan kaya masaya ako.” sagot ko

“ Ay wow talaga ba? May nahanap ka pa palang kaibigan sa gaspang ng pag uugali mo?” sungit paring sambit ni Joy

I sighed again, kahit na gustong gusto ko nang mapagbuhatan ng kamay ang babaeng ito pero mas pinili kong mag timpi muna dahil nga good mood ako for today's bidyow.

“Of course Joy, meron pa naman akong kabutihan na hindi nyo na kikita.” confident ko ngang sagot kasabay ng paghalakhak ng mag ama sa sinabi ko.

“Mga anak, mukang naka inom nga ang step mother ninyong hilaw ang lakas ng tama eh.” halakhak parin ni Ken kaya dun na ko nainis.

“Ken, ano ba!” I exclaimed then ibinagsak ko nga ang sandok na hawak ko dahil nagluluto ako ng sopas. Tinaasan nya ko ng isang kilay.

“Oh bakit hindi ba totoo? Hay naku naman Savanna, Savanna Aguas na ngayon eh si Ivy na. Lokohin mo na ang iba pero wag ako, matagal ko nang kilala yang pag uugali mo since dati pa right? Ikaw lang naman ang taong kilala ko na super duper ambisyosa, napaka arteng babae, ayaw kumain sa mga mamumurahing pag kain dahil akala nya eh marumi. Ivy, hindi mo ba kilala ang sarili mo? Hindi mo ba alam na since birth ka pang -- magaspang ang pag uugali? Para sayo pera ang lahat, para sayo pati tao kaya mong bilhin gamit ang pera mo! Ivy matagal nang masama ang ugali mo, mas nadagdagan nga lang ngayon. ” sagot nya

“ How dare you Ken!” I exclaimed

“ May kabutihan ka nga Ivy pero mas nananalo ang kagaspangan ng pag uugali mo!” He continued

Pumikit muna ako saka ko pinakalma ang sarili ko.

“ Whooh. . . wala akong panahon sainyong mag ama. Oh sya, tapos na tong sopas, nasa sainyo na yan if kakainin nyo or itatapon nyo. Alis na muna ako byee,” I said then lumabas na ko ng bahay ay naiwan sina Ken at ng mga anak nya dito sa sala na tumatawa parin. Sila yata yung baliw.

meanwhile. . . .

“ Kainis! ” pabagsak akong umupo sa sofa nang ako ay dumating ako sa bahay ni Natalie, medyo nagulat sya sa naging reaction ko rito.

“ Oh bakit parang badmood ka dyan Bes?” she asked

“ Nakakabwisit kasi yung asawa ko at step daughters ko.” I said

“ Hmm. . . bakit anong nangyare?” sabay upo nga sa tabi ko

“ Yung good mood nga ako pero bigla din nila akong binwisit!” inis ko pa

“ Ano ngang nangyare.” she asked

“ Natalie, masama bang maging good mood? Kasi kahit yun minamasama pa nila lalo na yang panganay ni Caitlyn, si Joy alam mo bwisit na bwisit na talaga ako sa babaeng yan, napaka bastos ang pag uugali halatadong hindi tinuruan ng magandang asal ng magaling nitong Ina! ” ngit-ngit ko

then she sighed

“ Hindi mo naman sya masisisi Bes dahil nanay nya yun saka siguro naman mali ang pagkakainterpret mo sa naging ugali nya, kung Ikaw nga sa posisyon nya, namatay ang nanay nya tapos biglang nag asawa kaagad ang tatay nya oh sige nga paano mo matatanggap na may bago nang asawa ang tatay nya?” she said

“ I don't care! Alam mo kahit patay na yang bruhang babaeng yan eh parang hindi ko parin nakukuha si Ken! Natalie, matagal na kaming kasal pero hanggang ngayon hindi parin ako nabubuntis! Ang damot-damot nya!” ngit-ngit ko pa rito

Napatakip bibig sya sa sinabi ko

“ Seriously? Ow, kawawa ka naman.” she said

“ Natalie, ano ba kasi ang gagawin ko para makuha ko ang asawa ko?” I asked

Medyo natigilan nga bigla si Natalie sa sinabi ko.

“ Ahm. . . I-im sorry gurl p-pero hindi ako makakatulong eh, single palang ako at wala akong idea sa sinabi mo. ” she said

“ Ow, I see pero sana nga talaga makuha ko na ng tuluyan si Ken dahil asawa ko sya,” I said

Nakatitig lang saakin si Natalie habang nagsasalita ako. Medyo tumaas nga ang kilay nya ng bahagya.

DREAM BOOK 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon