chapter 40: Jealousy Of Ivy To Natalie

7 0 0
                                    

Ivy POV

Napapansin ko nang napapadalas na nga ang pagkikita nila Ken at Natalie at nag seselos na ko. Bigla din akong nakaramdam ng inis ky Natalie.

Tinaasan ko sya ng kilay habang sya ay nagkukwento tungkol narin sa naging lakad nila ng asawa ko. “Mukhang napapadalas na yata yung pagkikita nyo ng asawa ko Natalie, so close na kayo agad?”napaisip sya bigla sa tinanong ko sakniya agad din siyang napangiti yung ngiti na parang kinikilig. Luh? Natalie?! Ow come on, hindi ko na ito gusto!!! “Hmm... I think yes, okay din naman sya eh. Masaya syang kasama lalo na pag nalulutang sya haha” komento pa nya , pilit akong ngumiti sa sinaad nya. “Natalie, alam mo umaasa ako na sana hindi tayo maging mag kaaway dahil lang sa asawa ko. Alam mong kasal kami ni Ken at sana hindi ito ang magiging dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigan natin.” sambit ko pa she laughed , umakbay sya sakin. “You do not have to worry about Ivy, hindi ko naman aahasin sayo ni Ken, nakikipag kaibigan lang naman. Don't worry sayong sayo si Ken.” sagot nya
“Buti naman kung ganon Natalie dahil sinasabi ko talaga sayo, ngayon palang binabalaan na kita, mahirap akong kalaban, kunin mo na lahat pero wag mong subukan na si Ken dahil walang dapat aagaw sa asawa ko Natalie dahil akin sya!” dugtong ko pa

Tumaas ang kaliwang kilay nya saka narin sya muling ngumiti. “Masyado ka namang defensive Ivy, hindi ako ang magiging mistress mo dahil hindi ko gawain yun. Hindi ako tinuturuan ni mama para mang agaw ng may asawa.” she said
“Good, mabuti naman, umaasa akong hanggang mag bff's lang kayo ni Ken Natalie dahil ayokong maging mag kaaway tayo dahil hindi kana iba sakin. For me you are my best friend.” I said 

Tumaas ulit ang isa nitong kilay saka bahagyang tumawa. “Oo naman bestie..” she said
“Hayst... Change topic na nga... So pwede mo ba akong samahan, ahm sa salon mag papakulay ako ng buhok ko.”
“Okay, let's go.” she said then umalis na muna kami saglit ni Natalie.

***

Nakailang ikot na ko dito sa kama ko pero hindi parin dumating si Ken. Pwersa akong bumangon para icheck kung anong oras na and it's 11:00pm na nga pero wala parin si Ken. Napakamot noo nalang akong tumayo at lumabas na nga ng kwarto, nakita ko agad ang dalawa na nasa kusina habang nag lalaptop. “Joy, dumating naba yung daddy nyo?” I asked pero umiling sya .. pagkaangat ko ng tingin mula sa pinto ay nakita ko na nga syang dumating, tumayo narin ang mga anak nya para salubungin sya.. nag beso sila sa dady nila. “Kumain kana po dad?” tanong ni Jr
“Oo, kumain na ko, kasama ko yung mga kagroupo ko , nagluto kasi ng kare-kare si Tita Grace sa cafe nila kaya dun nalang kami kumain na magkakasama.” paliwanag nya sa bunso nitong anak
“Saan ka galing?” nakacross na mga braso kong tanong saknya na magkasalubong nga kilay pero inignore nya lang ako at pumasok na sya sa loob ng kwarto namin.. “Ken, sandaleee!” I shouted ,sinundan ko sya dito sa loob.
“Bakit ba ayaw mong sabihin sakin? Ken, karapatan kong malaman kong nasaan ka galing dahil asawa moko!” inis ko rin,   napakamot noo nalang si Ken
“Heto na naman sya, nagising na naman ang pagiging isang feelingera at assumerang killer girl.” he said , mas lalo akong nagalit sa sinabi nya
“Ken, wag mokong simulan please lang!” inis ko “Oh bakit? Totoo naman eh, bakit Ivy, ni minsan ba tinanong mo muna ako kung tinuturin ba kitang misis ko para masabi mo sa sarili mo na asawa kita? Kasi sa pag kakaaalam ko, never kitang tinuring na asawa dahil iisa lang naman ang ituturing kong asawa at si Caitlyn yun!” he said
“Haaaaysttt! Puro nalang Caitlyn, nakakairitaaa! Ken, pwede ba! Sana magising ka narin sa katotohanang patay na ang asawa mo at ako na ang asawa mo ngayon sa ayaw at sa gusto mo!!!” I shouted
“At gumising kana rin sa katotohanang hindi kita mamahalin kahit mamatay kapa sa harap ko Ivy, you know what why? Dahil iisa lang naman ang forever ko at si Caitlyn yun, Ina ng mga anak ako. Si Caitlyn na mahal ko pero Anong ginawa mo? You killed her!!! Hindi kita mapapatawad, dadalhin ko ang galit ko sayo sa hukay!!!!” he exclaimed

Umiyak ulit ako sa sinabi nya. Lumapit ako, “Ken, para mo nang awa, tama na, tama na tong paulit - ulit nalang na pananakit mo sa puso ko. Dahil hindi ko na kaya... Sobrang sakit na..” iyak ko

“Sobrang sakit naba? Eh deserve mo naman eh. Killer ka ng asawa ko , tapos mag eexpect ka na mamahalin din kita pabalik so ano yun, forgets everything nalang ganun ba yun ha Ivy? Yun ba yung gusto mo? Kalimutan lahat? Ivy, mahal ko higit pa sa buhay ko si Caitlyn pero bigla kang dumating at sinira yun. Kinuha mo sakin si Caitlyn Ivy, pinatay mo sya, hindi mo lang ako pinagkaitan ng asawa kondi pinagkaitan mo rin na makasama ng mga anak ko ang mommy nila. Paulit-ulit kong uulitin sayo to, sinira mo ang masayang pamilyang binuo ko Ivy, sinira mo lahat ng meron ako!! Para sakin, bangungut ka sa buhay ko!” iyak nya nalang then lumabas narin sya ng kwarto...

***

Biglang sumulpot si Natalie dito sa bahay at may dala syang pagkain..“Hello!!!” bibong bati ni Natalie, “Hala! Tita Natalie!” salubong bigla nila Joy at Jr at derecho yakap nalang saknya , ngumiti narin si Ken nang dumating si Nat..

“Busy kayo Ken?” she asked
“Nagluluto lang naman ng favorite ng asawa ko.” Ken said, napalingon sya sakin na nasa sala. “Ivy, bakit ka nandto sa sala? Join ka naman sa mag ama mo.” she said
"Tita! Kahit wag na syang sumama dto masisira lang mood namin nila dad.” Joy said
“Joy, don't do that again , respect mo parin sya. Step mother mo parin si Ivy.” Natalie said
“Hmm... We're not po at hindi namin kailangan ang step mother dahil sapat na saamin si mommy. Kahit patay na si mom, she still our beloved mother.” Joy said

Bahagya din namang naluha si Natalie, ang rupok talaga ng luha ni Natalie, iiyak na naman sya... Hayst.. . Ang soft talaga nya. Pinagmamasdan ko lang silang lahat dito sa kitchen habang ginagawa yung pag luluto dahil nag alok si Nat na tumulong, tumatawa lang silang apat , bigla akong nakaramdam ng selos ulit ,since kamukha nga ni Natalie si Caitlyn, pakiramdam ko eh bumalik nga bigla si Cait... Nanindig agad balahibo ko habang pinagmamasdan ko lang sila... “No! Ivy, wag kang ganyan.... Si Natalie yan at hindi si Caitlyn okay! Magkamukha lang sila yun lang.....” kombinsi ko pa sa sarili ko.

Meanwhile...

8pm na nga ng gabi nang uuwi na si Natalie

“Thank you sa time tita, until next time po!” tuwang sambit ni Jr

“Same, Sige na uuwi na ko.. good night Joy, Jr , Good night ken.” at derecho kiss ni Natalie ky Ken sa lips bagay na ikinagulat ko narin.

“Natalieee!!!” sigaw ko

“Ay, sorry nandyan ka pala , wag mong bigyan ng meaning yun ha..." She said

Ngayon palang ay namumuo na yung selos ko sa tuwing magkasama sina Ken at Natalie.

AnnaKNJ1994Ken

DREAM BOOK 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon