Nathaniel POV
Pagkalapag ng airplane dito sa airport ng US ay agad din kaming bumaba ng eroplano , yung mga kaklase ko naman ay dumerecho narin naman sila sa kanilang mga kamag anak. While me ay syempre dumerecho din ako kila mommy at mama Elisa.
“ I really missed you my son. ” sambit ni mommy saakin
“ I miss you too mom. I miss you din po mama Elisa. ” I said
“ Let's go home na at doon nalang tayo mag usap regarding sa field trip mo. ” mama Elisa said
***
Nang makarating na kami sa bahay. Nag bihis muna ako saka ko narin inayos yung mga gamit ko dito sa kwarto while sina mommy at mama Elisa naman ay naka upo narin sa dulo ng kama ko at titig lang ako.“ Kamusta yung field trip mo? May natutunan ka ba? ” they asked me then I smiled
“ A lot of things po, lalo na po sa life of Dr. Jose Rizal. ” I said
“ That's good. ” sambit din ni mama Elisa, while mommy. . .
Tumayo sya saka nya ako nilapitan.
“ Nathan, may iba ka pa bang na meet sa pilipinas? I mean aside sa mga kaklase mo atsaka teachers mo? ” she asked
“ Ahm, ” agad ko naring naalala si Mr. Ken Suson at ng dalawa nyang anak na sina Joy at Felip Jr. napangiti din ako agad pagkatapos ko silang maalala, bagay na ipinagtaka narin nilang dalawa.
“ Hmm. . . . Mukhang iba na yata ang ngiti mo Nathan ha. I think my nangyare nga sa pinas. So tell us, what is that? Is it good? ” mama Elisa asked me then I sighed
“ Mom, ano kasi. . . Aksidente ko kasing nawala yung bigay nyo pong panyo saakin. My magkapatid na nakapulot nun then idinala nga sa bahay nila. Then they posted on their social media account and calling my attention para mabawi ko nga yung panyo. Hmm. . . . Kung hindi ako nagkamali yung nga pangalan po ng nakakuha ng panyo ko is si ano si Ms. Caitlyn Joy Suson po and si Mr. Felip John Suson Jr. po then nameet ko narin po yung father nila. Si Mr. Ken Suson po. Sila po yung nakakuha ng panyo ko then pumunta ako sa house nila para mabawi ko yung panyo ko po. ” mahabang paliwanag ko
Habang nagsasalita ako ay pansin ko nga si mommy na agad syang napaupo sa kama ko. Parang gulat na parang takot at nagpipigil ng luha na parang may saya sa mukha nya. Takang taka ako sa naging reaction nya. Syempre nag alala narin to her.
“ Hala mom, are you okay po? Bakit parang nanlumo po kayo bigla dyan?” pag alala ko ngang tanong saknya.
“ S-so, n-nameet mo nga sila personal? ” putlang tanong ni mom, agad din akong napatango
“Yes po, they are nice nga po eh. Lalo na po si ate Joy haha, she's beautiful po saka napakabait po nya. Then si Kuya Felip naman po mabait din po sakin. ” kwento ko pa dahilan ng mas lalo pa nyang ikinaiyak. Napahawak nalang sa braso ni mama Elisa si mommy. Luh ano bang nangyayare ky mommy?
“ Cait, tama na. Wag ka namang magpahalata.” bulong nga ni mama Elisa ky mommy
Napalunok laway si mom saka narin nya ako hinigpitan ng pagkakahawak sa kamay ko
“Nathaniel anak, pwede mo bang ikwento saakin yung kalagayan nila? Kamusta sila, ahm. . . maayos ba kalagayan nila? Si Joy ahm... dalaga naba? Si Felip. . . Binata na ba? Si Ken, kamusta sya? kamusta sila?” iyak niyang tanong saakin
Medyo natigilan ako sa mga tanong ni mommy, wait kilala ba nya ang mga taong to.
“ M-mommy, ano po bang klaseng tanong yan , naguguluhan po ako eh. Bakit talagang nginig po yung buong katawan nyo habang nagsasalita kayo at bakit parang may pananabik po sa kanila. Mommy, do you know them po ba? Ahm they are your relatives po ba? Ahm Tita ko po ba si Ate Joy? Tito ko pa si Kuya Felip at sir Ken? ” I asked
Iyak lang yung tanging sagot ni mommy saakin. Napakamot noo nalang ako dahil sa pag tataka.
“ Mommy, naguguluhan po talaga ako eh. Mommy do you know them po ba?” I asked
“ Nathaniel, ” pagtawag nga saakin ni mama Elisa saka narin sya bumuntong hininga.
“ Pwede bang iwan mo muna kami ng mommy mo. Mag uusap lang kaming dalawa. Saglit lang to. Pwede ba yun?” mama Elisa asked
“ Okay po, mag me-meryenda lang po ako sa baba. ” I said
“ Mabuti pa nga, kumain ka muna. ” she continued , then I smiled saka narin ako lumabas ng kwarto.
Hindi parin matapos-tapos ang iyak ni mommy dito na may pahawak pa talaga sa dibdib nya then pinagmamasdan lang sya ni mama Elisa.
“ Cait, ano bang pumasok sa isip mo at talaga namang nag tanong kapa tungkol sa mag ama mo at talaga namang sa bunso mo pang anak? Caitlyn hindi kaba nag iisip? ” mama Elisa asked
“ Ma, I'm sorry po pero hindi ko lang talaga na kontrol ang sarili ko eh. Alam mo po sobra ko na silang namimiss lalong lalo na ang asawa ko. At hindi lang naman ito ang dahilan ng pag iyak ko, kondi ma, nag meet na ni Nathan ang mga kapatid nya at ang tatay nya. ” iyak ni mommy
“ Na Ikaw lang ang nakaka alam. Caitlyn naman eh, Akala ko ba napag usapan na natin to? Babalik ka sa pilipinas pero wala pang alam ang bunso mo na sila ang mga kapatid nya at si Ken ang tatay nya, hindi pa ito ang tamang panahon para magkaalaman! Jusko naman Cait, mag isip ka nga! Oh pano na yan ngayon si Nathaniel, ginulo mo ang isip nya, paano mo yan maeexplain saknya dahil dun sa tanong mo!” sermon pa nga ulit ni mama Elisa ky mommy.
Bumuntong hininga si mommy saka narin nya pinunasan ang sarili nyang luha.
“ Ako na pong bahala sa anak ko. Malulusutan ko rin to. ” she said
“ Aba dapat lng Cait, dahil hindi pa ito ang tamang oras at panahon para malaman ni Nathaniel ang totoo. Cait naman, mag iingat ka naman kasi sa mga kinikilos mo lalong lalo na pag involved ang mag ama mo sa harapan mismo ng anak mo!” dugtong pa nga ni mama Elisa ky mommy.
BINABASA MO ANG
DREAM BOOK 3
Fanfiction5 years later, hindi parin natatapos ang pinakamalaking problema ng pamilya suson sa ex girlfriend nitong si Ivy Aguas or si Savanna Aguas. Mas lalo pang naging madamot si ivy pagdating ky ken, dahil nga wala na si caitlyn. Magagawa na ba ni ivy ang...