chapter 28: Next Plan Of Natalie

7 1 0
                                    

Ken POV

Pagkagising ko ay derecho na ko agad sa Cr para maligo pagkatapos nun ay lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko si Ivy na nasa kusina nang makita nya akong palabas ng bahay ay agad nya akong tinawag. “Ken!” napalingon ako sa biglang pagtawag nya saakin. “San punta mo?” tanong nya
“Wala kana ron!” sungit kong sagot sabay buntong hininga nalang nito. “Ken naman, hindi kaba napapagod na ganyan nalng palagi yung pinapakita mong attitude sakin?” tanong nya
“Hindi karin ba napapagod na sundan ako na parang linta?” tanong ko rin, napa gulo nalang sya ng buhok nya dahil narin sa inis. “You know what? Pagod na ko na ganyan ka nalang palagi sakin. Ken, I know hindi ko mapapalitan si Caitlyn sa puso at sa buhay mo at alam ko rin na may kasalanan ako, na may malaki akong kasalanan pero pakiusap naman oh. Wag ka naman palaging ganyan na halos araw-araw galit ka sakin kahit wala akong ginagawa dahil nakakasakal na kasi yang ginagawa mo sakin. Paulit-ulit mo nalang akong sinasaktan, every time na kinakausap mo ko na galit at moody Ken sinasaktan moko.” paiyak nitong sambit

Lumapit ako ng bahagya saknya saka narin muling nagsalita. “Ivy, akala ko ba nagegets mo ko? Bakit, sinabi ko ba sayo na mag expect ka sa pwede kong itreat sayo after ng wedding natin? Bakit, nag expect kaba na tatratohin kita ng parang asawa ko? Ivy baka nakakalimutan mo. . . Forced wedding ang kasal natin remember? Alam mong sagad sa buto ang galit ko sayo alam mo ba kung bakit. . . Dahil pinatay mo ang asawa ko, pinatay mo ang ina ng mga anak ko. . . Tapos mag eexpect ka na I'll treat you better? I don't think so. . . Ivy, hindi ako mag sasawang uulitin sayo to, hindi kita mahal at pagkatapos nang break up natin before kinalimutan na kita at nakilala ko si Caitlyn na syang mahal ko ngayon pero anong ginawa mo Ivy, you killed her! Tapos ngayon mag dedemand ka na tatratohin kita ng maayos sa bahay na to? Sa bahay ko?! Ivy, hinding hindi mangyayare yun. Oo para sayo kasal tayo at masaya ka dun , para sayo happy memories yun pero hindi saakin, yung araw na yun ang syang bangungunot ng buhay ko Ivy, bangungunot na halos araw-araw mong binibigay sakin. Binabangungunot ako ng gising sa tuwing araw-araw kitang nakikita pero mag titiis ako para lng sa kaligtasan ng mga anak ko. Kaya pwede ba para hindi kana masaktan ng paulit-ulit, wag mo nalang akong pakialaman mag kanya-knya tayo Ivy total eh nag pakasal ako sayo not for love but for the safety of my children after you threatened their lives if hindi ako magpapakasal sayo. Stay away from me!” I said to her pagkatapos kong sabihin yun eh umalis nako ng bahay. Nasa school kasi si Jr then nasa work din naman si Joy.  Naiwang umiyak na naman si Ivy dito sa bahay.

“Aaaaaaaaaa!” sabay hagis ng flowers vase na nasa harapan nya habang galit at nginig na umiiyak nalang dito.

***

Mag isa lang ako dito ngayon sa bar na umiinom nga ng alak habang iniisip at tinitreasure ko nga ang alala ko with my wife Caitlyn. Since nakatalikod nga ako sa pinto ng establisyemento may narinig akong lapak ng high heel na yung tunog ng paglapak eh papunta nga sa kinaroroonan ko pero hindi ko lang yun pinapansin at pinagpapatuloy nga   yung pag inom ko ng alak ni hindi nga ako lumilingon sa paligid ko. Hinahayaan ko lang ang lahat nang nasa paligid ko.

Bigla ko naring naramdaman ang presensya ng babae na umupo nga sa tabi ko. “Red wine please,” sambit nung babae pero hindi ko parin talaga sya inililingon at pinagpapatuloy parin ang pag inom ko hanggang sa malasing ako. Lalasingin ko nalang ang sarili ko. “Ang boring naman pag walang kausap.” napalingon ako sa babaeng nagsalita and it's Natalie yung kamukha ng asawa ko.

Since nasa presence of alcohol nga ako bigla ko syang  niyakap at umiyak ulit. “Alam mo  bang miss na miss ko na ang asawa ko Natalie, si Caitlyn ang pinakamamahal kong asawa yung kamukhang kamukha mo. Alam mo kung hindi mo sinabi na Ikaw si Natalie. . . Iisipin ko talaga na Ikaw si Caitlyn kasi kaboses mo sya, kamukha mo sya. Ikaw na Ikaw talaga ng ang asawa ko pero alam ko rin napakaimposible nang mangyare na babalik ang asawa ko dahil sa mga K-drama lang naman yung merong reincarnation at wala naman yun sa totoong buhay diba. Natalie, miss na miss ko na ang asawa ko. Caitlyn! Langga koooo!” iyak ko nalng habang nakayakap parin sa bisig nya.

Ramdam ko narin ang mahigpit nitong pag yakap at naririnig ko narin ang pag iyak nya. Pagkatapos naming makawala mula sa pagkakayakap. Hinawakan nya ang pisngi ko. “Ken,” she said while she still crying. Naramdaman kong bigla nya akong ikiniss at dahil nga nasa kalasingan nga ako nun ---

***

Nasa loob ako ngayon ng sasakyan ko hindi parin ako makapaniwala sa nangyare kagabi saamin ni Natalie. Napahampas noo nalang ako at napahampas manebela nalang ako dahil narin sa inis. “Anak ng --- Ken! Ano tong nagawa mo!” inis ko rin sa sarili ko

Napatayo nalang bigla si Elisa sa ikinwento saknya ni Natalie. “Anak ng *** Cait, are you crazy? Caitlyn wala sa usapan to ano ba!” sigaw nga ni Elisa

“Ma, wala namang masama dahil asawa ko naman si Ken! Normal lang yun sa mag asawa!”

“Pero nasa katauhan ka ni Natalie at wala sa usapan na aabot sa ganito! Cait, alam ko sobra mo nang namimiss si Ken pero pwede bang mag hintay ka? Nasa kalagitnaan tayo ngayon ng mga plano natin at hindi kasali to!” sigaw pa nga ni Elisa

Bumuntong hininga si Natalie, “Im sorry ma pero wala akong pinagsisihan sa nagawa namin. Ken is my husband at normal lang na may mangyayare samin.”

“Pero anak, Natalie Reyes ka hindi si Caitlyn gets mo ba yun?”

“Ma, sinabi ko naman sayo diba, handa akong maging mistress ni Ken mabawi ko lang sya ulit mula sa killer ko at ito na ang simula. Alam kong hindi na matatahimik si Ken ngayon dahil sa nangyare kagabi. Ma, imagine ano kaya ang magiging reaction ni Ivy pag malalaman nyang may nangyare saamin ng sinasabi nyang mister nya. Alam ko magagalit yun sakin at handa naman akong harapin yun.”

“Pero pano kung mag hinala na sya?!”

“Ma, hindi mangyayare yan dahil ako nga si Natalie diba.”

“Anak, natatakot ako para sayo.”

“Ma, wag kang mag alala okay. I can handle it. Trust me.”

***

Pumasok na nga ako dito sa loob at sinalubong ako ng mga anak ko.

“Hi dad, saan po kayo natulog kagabi?” tanong nga bigla ni Jr bagay na medyo ikinagulat ko nga.

“Ha? Ahm . . .” bigla ko naring naalala ang nangyare samin ni Natalie kagabi.

Napahampas noo nalang ako bagay na ikinagulat narin ng mga anak ko.

“Dad, are you okay po?” Joy asked

“Ha? Ahm . . . Yes, yes I - am okay. Pumunta lang ako kila mama at doon natulog.” sagot ko

First time kong nagsinungaling sa mga anak ko dahil hindi pwedeng malaman kung saan nga ba talaga ako galing.

Meanwhile .  . .

Napadaan sa tabi ko Ivy nang hindi pa ko bihis at parang may napansin sya sa amoy sa damit ko na suot ko. Napalingon sya agad saakin pagkatapos nyang maamoy yun.

“Bakit amoy pabango ng babae yang damit mo Ken?” tanong nya, inilingon ko sya habang nakataas ang isa kong kilay.

“Pabango ko to bat ba?” inis ko saknya pailing syang nagsalita.

“Hindi mo ko maloloko Ken! May babae ka ba!” she shouted sabay tawa ko nalng.

“Ang lakas naman nun Ivy, lakas mong maghinala sakin?” I said

“Because I am your wife!” giit pa nya

“Okay, kung yan ang paniniwala mo.” sagot ko

“Ken naman, umayos ka nga! Nakakairita kana, umamin ka nalang pwede ba?! Ano may babae kaba! Ano lolokohin mo ba ako Ken!” she shouted

Napahalakhak nalang ako sa sinabi nya.

“Lakas naman ng amats mo dre, okay fine if meron nga akong babae eh ano naman sayo? I think for me wala namang masama dahil wala naman akong pag ibig sayo kaya kung maghahanap man ako mas mabuti nalang yun kesa nman ikaw!” inis ko kasabay ng pagsampal nito sakin.

“How dare you! Grabe kana Ken, mapanaket kana! Hindi kaba napapagod na saktan nalang ako araw-araw?!” sigaw nya

“Ikaw lang naman tong nasasaktan mag  isa Ivy. Edi iyak well, alam mo bigyan pa kita tips. If iiyak ka dapat may back groud music ka yung pang patay kasi ikaw lang naman yung Patay na Patay parin sakin until now eh.” I said

“Che! Bwesit ka!” inis parin nito then lumabas na sya ng kwarto namin.

DREAM BOOK 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon