CHAPTER 2: Cebu

5 5 0
                                    


[ C H A P T E R 2 ]

A Y E S S A

Marahan akong napabuga ng hangin habang nakatingin sa kapatid ko. Kasalukuyan akong nasa loob ng kotse nya habang nakapatong sa aking hita ang isang brown envelope, laman nito ay ang record ko sa school. Dutsie is currently driving us home. Siya rin ang kasama kong um-asikaso sa pag kuha ko sa mga records ko, since halos kilala nya lahat ng mga teachers sa school.

But honestly, I don't want to go with him. I don't have any reasons to leave nor went to that place. It feels like I'm only wasting my time. Kaya ko namang bawiin ang grades ko sa susunod na semester. I know I have the ability.

"Aalis tayo bukas kaya kailangan mong mag empake ngayon. Bring everything you have, don't leave anything."

Paglalayas na itong gagawin ko. Well, sabi naman ni mommy payag siyang lumayas ako. Pero bakit sa Cebu ba? Pwede naman sa hometown ni papa.

"Why there?" I asked Dutsie. I'm skeptical why he wants me to come with him. I mean, why now? Why not before when I wanted to go back?

Nanatili siyang nakatingin sa harapan habang nagmamaneho. "Ayaw mo ba'ng bumalik?"

Natahimik ako sa tanong nya. Pero kung noon nya ako tinanong, alam ko ang magiging sagot ko. Gusto kong bumalik noong panahon na gulong-gulo pa ang isip ko. Noong panahon na gusto kong masagot ang mga tanong na nasa isipan ko. Gusto ko iyon itanong mismo sa kanya. But I know it's too late now.

"Wala akong babalikan doon," mahinang bulong ko sabay lingon sa aking gilid kung saan sumalubong sa aking tingin ang mga sasakyang katapat namin. "Pwede ko namang ituloy ang pag-aaral ko rito."

"Here where mom is the boss? You've been a lap dog. Are you happy pleasing her?"

No, I'm not. Pero may magagawa ba ako? Anak lang naman ako, 'diba? Ganyan naman talaga ang role ng isang anak, ang maging sunod-sunoran sa magulan. Kasi nga, mas may alam sila dahil nauna sila kaysa sa'tin.

"Your life is not here, Ayessa."

Tsk. Sino ba siya para sabihin nya sa akin iyan? Para bang mas alam pa nya ang takbo ng buhay ko rito sa Maynila, eh nasa Cebu naman siya the whole time. Wala siya noong mga panahon na gusto kong may karamay ako. Iyong panahon na walang pumapanig sa akin. Iyong panahon na sobrang liit na nang tingin ko sa sarili ko.

"Wew!" Sabi ko na lang, trying to suppressed my irritation.

Sumandal ako at marahan na pumikit. Hindi naman siya muling nagsalita. The moment we arrived in our home, dumiretso kaagad ako sa nursery room namin. Hindi ko na naramdaman ang presensya ni Dutsie kaya malaya akong pinagmamasdan si Caleb. Mahimbing ang tulog nito kaya I tried to not make a sound.

I remember, it's when Caleb arrived mom became so hard to me. Naging extra na ang pagiging istrikta nya. Ang pagtaas ng expectations nya sa akin. She's also being hard to herself. Palagi na lang siyang babad sa trabaho na parang nilulunod nya ang sarili nya.

I'm not dumb to not notice her changes. It's seems like she doesn't want to think or have a time to wander her thoughts, kaya palagi siyang lunod sa trabaho. I know, after dad died, something is going on.

But I don't blame Caleb. Of course hindi siya ang rason kung bakit nag iba si mommy.

I stayed for fifteen minutes. When I went out dumiretso na ako sa aking kwarto. Kailangan ko pang mag impake. Sabi pa sa akin ni Dutsie na kailangan kong dalhin lahat ng gamit ko. Maybe because I'm staying there for a long time. Doon ako mag-aaral at magtatapos.

That Sunset of December Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon