CHAPTER 4: Fear & Anxiety

5 4 0
                                    


[ C H A P T E R 4 ]

A Y E S S A

I didn't expect what Niel said. Halos limang minuto kaming nag titigan dalawa. The moment he said those words to me, memories of the past instantly flooded my head, making me lose the ability to speak. I've been trying to bury it in the depths of my memory, but it only takes a few simple words to make it emerge. How silly of me to try to escape from those memories I had when I'm in the place where it all happens.

I heave a deep sigh and look away from his gaze. Niel is one of those people I don't want to meet because he's also part of my bittersweet past.

"Nandito lang ako para mag-aral. Masyado ka namang dramatic diyan!" I fake a laugh trying to comfort my inner self who has been shaking off.

Sa totoo lang nagulat ako sa sinabi nya dahil sobrang lalim nya kung mag assume ng mga bagay-bagay. I mean, hindi kasi ganyan ang natatandaan kong Niel. He's more like walang pakialam sa mga tao sa paligid nya.

"Eh kasi naman," he's starting to scratch his left brow. "May napanood kasi akong romantic movie na bumalik ang babaeng bida sa hometown nila to find peace kasi punong-puno siya ng uncertainties sa city dahil sa best friend nya. Kaya akala ko ganon ka rin, finding peace in Cebu."

Tatlong beses akong napakurap sa sinabi niya. Yeah, he's still the person I know. Walang pagbabago, the same Niel Vincent who kept on watching telenovelas. Dahil sa movie na pinanood nya ay bumalik lahat sa akin. Galing din nito mang trip!

"Ang drama mo," I said at muling sumubo ng pagkain. Hindi ko na siya inayang kumain dahil kumuha na ito ng plato at nagsimulang kumuha ng mga pagkain. "Uhmm, sinabi ba ni lola na darating ako?"

Pumasok kasi sa isip ko kanina na baka alam na nila. Knowing lola, ibabalita talaga nya ang pagdating ko sa mga kaibigan ko rito noon.

"Oo, kami kaya ang nagluto ng mga ito!" Itinuro nito ang mga pagkain na nasa harapan namin. "Masarap no?" Nakangiti nitong tanong.

Tumango na lang ako bilang sagot. Nang matapos akong kumain ay nagpaalam ako kay Niel na papasok na ako sa kwarto ko. Mabuti at hindi na ako nito kinulit, it will be the last time I'll talk to him. Pumasok na ako sa lumang kwarto ko rito, ang kwarto ko noong dito pa kami nanirahan.

The moment I stepped inside the room, a nostalgic feeling filled my whole being. Walang binago si lola sa structure ng buong silid. Nandirito pa rin ang lumang aparador na gawa sa kahoy, where I used to hide kapag ayaw kong matulog sa hapon noon, pero they will find me here eventually, sleeping soundly. Aside from the old huge cabinet, nandito rin ang lumang salamin na nakadikit sa ding ding. Hindi rin kinuha ang mga stickers ni barbie at ni stitch na nasa bawat gilid nito. I was a huge fan of Barbie and Lilo and Stitch. I even forced lola to buy me a life size Stitch stuffed toy, and guess what, nandito rin ang stuffed toy ko.

Hindi ko 'to dinala noon sa maynila dahil hindi ako pinayagan ni mommy.

Everything I left before is still here, in its original position. Nothing changed, not even the bed. Lola really kept the things I valued, as well as the people I used to value.

Marahan akong bumuga ng hangin at tinungo ang aparador para buksan ito. Pagkatapos ko itong mabuksan ay kinuha ko na isa-isa ang laman ng luggage bag ko. It took me an hour to transfer my clothes in the closet, kailangan ko pa kasi iyong tupiin ulit para magkasya sa kabinet ko, ang iilan ay nilagay ko sa hanger.

That Sunset of December Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon