[ C H A P T E R 6 ]
A Y E S S A
Grade six ako noong huling punta namin ni lola sa Simala Shrine o mas kilala sa tawag na The Monastery of the Holy Eucharist. Hindi pa ito gaano ka laki tulad ngayon. There are some part na hindi pwedeng daanan or pasukin dahil under renovation. But for me, it's not the outside of the building that fascinates me, it's the inside. Gustong-gusto ko talaga ang aura sa loob. Paborito kong pasukin noon ay ang simbahan talaga, dahil sa mga rebolto na nakasuot ng makukulay na damit. Ewan ko pero I have this side na na-e-excite kapag nakakakita ng mga rebolto, especially si Mother Mary.
"Dahan-dahan," rinig kong bulong ng kasabay ko sa pag-akyat sa mataas na hagdan. Ahh katabi ko pa rin pala siya.
Hindi ako sumagot, bagkus ay binalik ko lang ang atensyon ko sa harapan. Nasa sagradong lugar ako ngayon at mas makabubuti na lumayo ako sa kaniya kasi nakakaramdam kaagad ako ng galit kapag nasa paligid siya. Kaya nang matapos ako sa pag-akyat ay awtomatikong humiwalay ako sa kanila. I texted Dutsie and inform him.
I was planning to get inside the church pero sa kasamaang palad sarado ito. Wala raw misa ngayon. But it didn't ruined my day though, bukod sa simbahan ay may isa pa akong paborito. The keychains and the candles.
Kaagad kong tinungo ang bilihan ng mga kwintas, pulseras, at mga rosaries. Unang binili ko ay isang kulay purple na rosary, then next is a little Snto. Niño. Hindi ako bumili ng mga kwintas at pulseras dahil buhay pa naman ang mga binili ko noon. I still have it, pero nasa maynila ang mga ito.
Sunod na binili ko ay ang mga kandila. I still remember back then na pinipilit ko pa si lola na lahat ng kulay ang bibilhin ko at sisindihan ko. Nagtataka pa ako noon bakit hindi niya ako pinapayagan. Bago kasi siya bibili ay magtatanong pa siya sa akin kung ano ang magiging prayer ko. Ang palagi niyang binibili para sa akin ay ang kulay red, yellow, at gold na kandila. I was still unaware that time na may kahulugan pala ang bawat kulay ng mga kandila.
Gold candle is for healing. When you pray for good health for you and for your family, and for a fast recovery, if you have someone who's in a recovery state. Yellow is for peace, like if you're asking courage, strength, and hope. Red is for love.
Hindi pa rin naman nag-iba ang mga panalangin ko. Pero may nadagdag. I bought the yellow, gold, black, pink, and orange candles. Habang hawak ko sila ay mas natuon ang pansin ko sa itim na kandila. I just want to pray for forgiveness. I hope he'll forgive me.
Dumako na ako sa area kung saan sisindihan ang kandila at ialay ang dasal ko. I was in the middle of lighting the candles when someone spoke.
"Wala ka yatang pula?" Usisa niya at tinuro ang mga kandila na hawak ko. Hindi ko na siya tinignan pa dahil alam ko na ang reaksyon mayroon ang mukha niya.
Pero bakit ba siya narito? Umiwas nga ako 'di ba? Ayokong magkasala nang paulit-ulit sa isang sagradong lugar.
"Naubusan sila," pagsisinungaling ko. Kitams? I am committing a mortal sin inside a sacred place.
Humarap ako kay Iason at pinilit kalmahin ang sarili ko kahit na gusto ko na siyang sigawan. "Pwede ba'ng doon ka sa likod?"
Hindi nito itinago ang pagtataka sa kanyang mukha. Nag-isang linya ang kilay nito habang nakaturo sa direksyon na sinabi ko. "Doon? Bakit?"
Tsk!
"Nevermind. Ako na lang," I said, pero nakita ko si Iason sa gilid ko na sumunod sa akin. "Hah! Gahig ulo!" I mumbled. I decided not to think about him ang focus with my prayers.
BINABASA MO ANG
That Sunset of December
Teen Fiction📌 On-going: That Sunset of December (CTU SERIES 2) One time, Cupid shot a heart. Two young people who are solely concerned with their shared future, committing to remain by each other's sides, to never go it alone with the other. It seemed to them...