CHAPTER 6: Uncertain

5 4 0
                                    

[ C H A P T E R 5 ]

A Y E S S A

Yesterday was not bad. Naging maayos ang kahihinatnan. Walang hindi magandang nangyari. Everyone was very accommodating and I didn't feel like I was left out. Parati nila akong kinakausap, especially to my old friends na sobrang enjoy kausapin. It feels like bumalik ako sa nakaraan na nag e-enjoy sa company nila. Pero may nag iba, hindi kami kompleto. Iason didn't join us dahil maaga itong umuwi.

Now that I'm alone, nagkaroon ako ng oras na mag isip tungkol sa mga bagay-bagay. I already decided na hindi ko na sila iiwasan at hahayaan ko na ang mga pangyayari na mangyayari. Kasi ito ang reyalidad ko. Kahit anong iwas ko ay magkikita at magkikita pa rin kami. Tungkol naman sa nararamdaman kong galit at tampo, saka ko na lang ito iisipin. A day will come na maitatanong ko ito sa kanila.

Sabi nga ni Dutsie, I'm here to find myself. So hindi ako pwedeng maging nega ngayon. But then the questions that had been on my mind kept emerging the moment I saw them again. Kapag nakikita ko sila, palaging pumapasok sa isip ko ang tanong kung bakit sobrang kampante nilang kausapin ako? Ni minsan ba sa buhay nila hindi ba nila tinanong sa sarili nila kung kumusta na ba ang sentro ng barkada?

But I also realized na wala rin akong alam tungkol sa naging buhay nila sa tatlong taon na dumaan. I never asked them because I was hurt and I didn't tried to ask Dutsie about them too.

Kaya sinabi ko na lang sa sarili ko na hayaan ko na lang ang nakaraan dahil hindi ko na maibabalik ito. Ang importante sa ngayon ay nakompleto kami ulit. Oo, nandito pa rin ang mga tanong at hindi nawala, but I'll choose peace. I chose to accept the reality and let go of the past para maka usad na ako sa buhay ko.

But there are still uncertainties in my heart, especially when Iason left yesterday without even talking to me. He only glanced at me from afar na parang hinihintay nya lang ako na kausapin siya. I've been waiting for him for three years to wipe these uncertainties I have. Pero hindi ibig sabihin na ako ang mag fi-first move sa unang pagkikita namin ulit.

"Pupunta tayo sa Simala Shrine kasama ang mga kaibigan mo," untag ni kuya sa akin dahilan para mabalik ako sa kasalukuyan.

"Ha?" Tanong ko rito dahil hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi nya. Kunot noo nya naman akong tinignan.

"Maligo ka na at mag bihis dahil pupunta tayo sa Simala Shrine." Pag-uulit nito.

Seven o'clock pa naman at kakagising ko lang tapos dumiretso na ako rito sa kusina para mag timpla sana ng kape. Pero ang ginawa ko lang rito ay tumunganga. Hindi ko na lang tinuloy ang kape ko at bumalik na sa kwarto para maligo. Pagkatapos ko maligo ay tinungo ko na ang aparador ko at pumili ng masusuot.

I chose my chocolate brown trouser pants and paired them with a white long-sleeve polo. As for my shoes, I choose to wear a two-inch white loafer. I just let my mid-back-length raven hair be free from any hair clips and rubber band. Naglagay lang ako ng sun screen, lip tint, at konting blush on. Nagdala na rin ako ng sling bag na kulay beige, para may pag lagyan ako ng mga gamit na kakailanganin ko sa lakad ngayon. I also bring some money to buy some stuffs.

Pag labas ko sa kwarto ko ay dumiretso na kaagad ako sa baba. Nakita ko naman kaagad si lola na papalabas ng bahay. She's wearing a knee-length lilac dress and white flat shoes. May hawak din siyang puting, medyo may kaliitan, na bag. Sa likod nya ay naroon si kuya na naka itim na slacks at puting polo.
Lihim akong sumunod sa kanila na patungo sa labas ng gate. Nakita ko naman kaagad ang van na gagamitin namin ngayon.

That Sunset of December Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon