[C H A P T E R 5 ]
A Y E S S A
I told myself to act like I'm ill and pretend that I can't even move a muscle. I was ready to refuse their offer to come with them. Pero nasayang lang lahat ng effort ko. I'm currently inside lola's van, nasa pinakalikod ako at wala akong katabi a side from the foods na dito nila nilagay. Sinadya ko naman talaga na rito ako pu-pwesto para walang tumabi sa akin.
Iwas ako sa mga taong kasama namin ngayon. We're a total of ten; lola, Dutsie, me and the rest are barkada ni kuya. Kilala ko ang iba pero meron ding bago sa paningin ko. Wala akong kinausap kahit isa sa kanila at nakatuon lang ang atensyon ko sa cellphone. Ka chat ko ngayon ang mga kaibigan ko na sobrang supportive sa mga decision ko sa buhay.
From: Dany
Gurl, wag naman masyadong iwas sa kanila. Ngayon ka nga lang umuwi sa Cebu.
From: Dary
Throat! Baka sabihin nila ang kj mo!
I once told them about my friends na sobrang laki ng sama ng loob ko. I told them everything, even about the person that I once loved. He's actually here, and he's sitting beside Niel, na walang tigil ang bibig sa kakasalita.
From: Dany
Wag masydong obyos bi! 😂😂
From: Dary
Sus! Di alam ng friend natin ang word na 'hindi obyos' bii.
Marahan akong natawa sa last chat ni Darius. Hindi ako nag re-reply sa kanila, I only reacted. Mabuti na nga at silang dalawa lang ang active sa group chat namin dahil hindi masyadong maingay.
Nang huminto na ang van ay isa-isa na silang nag babaan. Hinintay kong makalabas sila lahat bago ako lumabas at nang makalabas na ako ay tumulong ako kina Dutsie sa pagdadala ng mga gamit namin. I am holding a tray of food at may nakasabit ding bag sa aking likod. Hindi naman ako nabibigatan pero ang dala-dala kong tray ay mainit.
Nasa pinakahulihan ako kaya walang nakakita sa reaksyon ko, konti na lang ay mapapaso na ako sa hawak-hawak kong tray. May rag pero manipis ito kaya 'yung init ay ramdam na ramdam ko. Gustohin ko mang mag madali ay hindi ko magawa dahil nga nasa hulihan ako. Kailangan pa namin mag lakad ng ilang minuto bago kami makarating sa cottage na ni-rent ni lola. Nang hindi ko na talaga makayanan ang init ay ilalapag ko na dapat sana sa buhangin, but then someone held it for me.
Unang bumungad sa aking mga mata ang dalawang kamay na maagap na sinalo ang tray bago ito lumapag sa buhangin.
"Ako na," ani nang may ari ng kamay na tumulong sa akin. I don't have to check who this person is.
Kahit tatlong taon ko siyang hindi narinig ay kilalang-kilala ko pa rin ang mag-ari ng pamilyar na boses na ito. Tila na paso ako nang magkadikit ang kamay naming dalawa.
"Salamat," mahinang sabi ko na hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Nauna rin ako ng lakad sa kanya para hindi siya magkaroon ng rason na kausapin ako.
BINABASA MO ANG
That Sunset of December
Teen Fiction📌 On-going: That Sunset of December (CTU SERIES 2) One time, Cupid shot a heart. Two young people who are solely concerned with their shared future, committing to remain by each other's sides, to never go it alone with the other. It seemed to them...