Secret Love

727 18 7
                                    

18 years old ako nung una kitang makilala. First day of Class. First period. English Subject.

♪ Without anyone knowing, I love you

Without anyone knowing, I think of you ♪

Maingay sa loob ng classroom. Hindi na bago sa'kin yun dahil kabilang naman ako sa pinaka-magulong section. Kung meron mang star-section ang school namin, kami ang opposite nun. Lahat ng mga kaklase ko, mga pariwara, tamad mag-aral, o kaya naman, bobo. Hindi ko nga alam kung bakit may nagtiya-tiyaga pa sa'min sa paaralang to. Dahil siguro sa tulong ng mga pera ng mga magulang namin.

Umupo ako nun sa pinaka-dulo dahil tulad ng dati, di rin naman ako makikinig. Wala akong paki-alam kung maka-graduate man ako o hindi. Sa totoo lang, panglimang taon ko na to sa highschool. Minsan, sinasadya kong bumagsak dahil sa tingin ko, hindi na magiging masaya. Ginagawa ko lang kasing libangan ang paglabas-pasok dito sa paaralan na to. Masyadong tahimik kung mananatili lang ako sa loob ng bahay.

Dumating naman ang principal namin pero walang nakapansin sa kanya. Nagsitigilan lang ang mga kaklase ko nang sitahin na sila ng principal. Dun ko rin lang napansin na may katabi pala siya-- isang napakaganda at napakasexy na babae.

"Good Morning, Class 4-K. Gusto ko lang ipaalam sa inyo na dahil sa katigasan ng ulo niyo, nagresign na naman ang adviser niyo last year. Pangatlong beses na 'to kaya sana naman pakitungohan niyo na ng maayos ang bago niyong adviser. Miss Guzman, ikaw na ang bahala dito."

Umalis na sa room ang principal namin kaya nagsimula na namang mag-ingay ang buong klase, maliban sa'kin dahil busy ako sa kakatitig sa kanya. Di ko mapigilan na dumikit ang paningin ko sa kanya. Napakaganda niya. Kakaibang-kakaiba sa lahat. Love at first sight? I don't care how they call it. All I know is, the first time I laid eyes on her, alam kong siya na. Gusto ko siya.

Gustong-gusto.

"Good Morning, Class 4-K. I'm Miss Erika Guzman but you can call me Miss Rika. I'm 25 years old and I'll be your class adviser for the rest of this school year, as well as your English teacher. So, shall you introduce yourselves? Who wants to be first?"

Tumayo akong bigla kaya napansin niya agad ako.

"Yes, mister?"

Naglakad ako mula sa kinatatayuan ko papunta sa kanya.

"Lance Fuji. Half-Japanese. Half-Filipino. 18 years old. Hindi marunong sa klase pero magaling sa sports. Black-belter sa Taekwondo at higit sa lahat, SINGLE. Please to meet you."

Pagkatapos kong sabihin yun ay kinuha ko ang kamay niya at hinalikan. Inalis naman niya kaagad ang kamay niya kaya kinindatan ko na lang siya. Naghiyawan naman ang mga kaklase ko sa ginawa ko.

"Okay. You can now take your seat, Mr. Fuji."

Alam kong ikinagulat niya ang ginawa ko pero hindi niya pa rin maikakaila na nagustohan niya yun. Naramdaman kong naging interesado rin siya sa'kin.

Makukuha rin kita, Miss Rika....

...... dahil wala pa akong gustong hindi ko nakukuha.

Simula noon, araw-araw na kitang sinusundan. Hindi ako tumigil, hangga't magustohan mo rin ako.

♪ This feeling like I'm walking on ice

This feeling like I'm flying in the sky ♪

Lumipas ang isang linggo na palagi ko siyang kinukulit. Araw-araw, inaabangan ko siya sa gate para buhatin ang mga gamit niya. Nagpresenta na rin ako bilang president ng class namin para mas mapalapit sa kanya. Mula sa pinakalikod, lumilipat ako sa harap tuwing English Subject na. Ako rin ang palaging tumatayo para sumagot, kahit di ko naman talaga alam ang sagot. Pati pagbura ng mga nakasulat sa blackboard, ako na rin ang nakatoka. At sa bawat panahon na nagkakatinginan kami, lagi ko siyang hinuhuli ng kindat. Gusto ko kasing mapalapit sa kanya. Higit sa lahat, gusto kong mapaibig siya.

His Sad Songs - oneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon