It's War

903 18 5
                                    

Patawarin mo ako, Jun. Ayokong saktan ka pero hindi ko na kayang pilitin ang sarili ko. Hindi ko na kayang magsinungaling pa. Desisyon ko 'to kaya sana sa akin ka lang magalit.

Paalam, Jun.

- Ria

Nagngingitngit na nilukot ni Jun sa kanyang palad ang kapirasong papel na nakita niya sa kanyang mesa. Sulat kamay ito ng kanyang girlfriend na si Ria.

"Bakit siya pa? Tinuring ko siyang kaibigan!"

Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay itinapon niya ng buong lakas ang papel sa basurahan at sinandal ang mga kamay sa mesa.

"Kung gayun, simulan na'ng laban."

Kinuha ni Jun ang kanyang baril mula sa kanyang drawer at pinunasan. Nang masiguro niyang makintab na ito ay saka niya pinunan ng mga bala. Bigla namang bumukas ang pinto.

"Sir Jun! May binabalak ang grupo ni Sky.. Haharangin nila sa daan sina Miss Ria."

Nang marinig ito ni Jun ay itinutok nito ang baril sa kanyang harapan.

"Tawagin mo na sila." Pag-uutos niya.

Dali-daling lumabas ang kanyang utusan. Ikinasanaman ni Jun ang kanyang baril at kinalabit ito. Pumutok ito't tumama ang bala sa isang litratong nakadikit sa kanyang dingding.

Ito ay ang litrato nilang tatlo nina Ren at Ria.

♪ ♫ We were in love and I only had her  

But why, why did you touch my girl - no way ♪ ♫

....

Highschool pa lang si Jun, mahilig na itong makipag-away sa kalye hangga't sa siya'y natapos ng kolehiyo. Ngunit hindi niya ginamit ang kanyang natapos na kurso at sa halip ay nagtayo ng isang gang kung saan siya ang leader. Sumasali ang kanyang mga grupo sa mga ilegal na gawain ng mga drug lords upang makakita ng pera. Dito rin niya natagpuan si Ren.

Si Ren ay isang motorcycle drag racer na sumasali sa mga underground races para pagpustahan. Isang araw, may nakalaban siyang isang gang member na hindi pinalampas ang kanyang pagkapanalo. Kaya nung madatnan siya ng mga ito sa isang madilim na eskinita, pinagtulungan siya ng mga ito. Mabuti na lang at dumating ang grupo ni Jun at tinulungan siya. Pagkatapos nun ay inalok siya ni Jun na sumali sa kanilang gang. Tinanggap naman ito ni Ren bilang pagtanaw ng utang na loob.

Pagkatapos ng ilang mga lingo ay nagkasundo ang dalawa't naging mabuting magkaibigan. Pinili rin ni Jun si Ren bilang kanang kamay niya kaya mas lalong tumibay ang pagsasamahan nila.

Hanggang sa isang araw, may nakilala silang isang babae.

Iyon ay si Ria.

Noong araw na iyon, tumambay ang gang nila Jun sa isang club. Nag-inuman sila at nagkwentuhan nang may biglang dumaan na isang napakagandang babae sa kanilang harapan. Si Ria, maputi, sexy, may mapupungay na mata at mahaba na buhok. Natigilan si Jun nang makita niya si Ria. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa pintuan ng CR.

His Sad Songs - oneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon