Ghost of the Wind

382 11 1
                                    

Kahit anong mangyari....

....hindi ako mawawala sa'yo.

Naaalala mo pa ba yung pangako ko sa'yo noon?

Hanggang ngayon, tinutupad ko pa rin.

Ganito talaga siguro kapag nagmahal, hindi ba?

Kumakapit pa rin sa nakaraan.

Mahal pa rin kasi kita.

♩♪ I'm like a ghost, 

who can't be seen only in your eyes 

Why can't you see me? ♩♪

Andito na naman tayo sa dati nating pasyalan.

Halos isang taon na rin pala tayong hindi nadadayo dito.

Naaalala mo pa ba dati? Palagi kitang kinukulit na maligo naman tayo dito pero ayaw mo kasi hindi ka naman marunong lumangoy. Hehehe. Pero sa huli, napapayag na rin kita. Hindi mo pa kasi ako matiis noon.

Pero bakit ngayon, ni pagkausap sa'kin di mo na magawa?

Hindi mo na ba talaga ako mahal?

Haaay... mabuti na lang nasundan kita habang pumupunta rito. At least, magkakaroon tayo ng oras na tayo lang dalawa.

Alam mo, yung huling punta natin dito, ang saya saya nating dalawa. Kasama pa nga natin ang iba nating mga barkada. Group date kumbaga.

Akala ko, masaya tayo hanggang sa pag-uwi pero pagkatapos noon di ko inaasahang magbabago ang lahat.

Pasensya na kung nagawa ko ang bagay na iyon.

Pasensya na kung dahil dun ay nasaktan ka.

Hindi ko sinasadya.

Kung pwede ko lang ibalik ang lahat.

Pero huli na eh.

Pagkatapos nung araw na iyon ay nalaman kong iyak ka na lang ng iyak.

Sinubukan kong magpaliwanag ngunit hindi mo naman ako naririnig. Hindi mo na ako pinapansin. Masakit para sa'kin pero alam kong mas nahihirapan ka.

Kaya ginagawa ko ang lahat para tuparin ang pangako ko sa'yo. Ang hindi ka iwan.

Aaminin ko. Para na rin akong naging stalker mo.

Sinusundan kita saan ka man magpunta pero hindi mo pa rin napapansin. Alam mo bang lagi akong sumi-sit-in sa classes mo at umuupo sa bandang likuran mo pero di ka man lang lumilingon. Nabubuhayan lang ako sa'twing kailangan mong ipasa ang test paper sa likuran dahil kahit na sa simpleng bagay na yun, nasisilayan ko ang iyong mukha.

Sa'twing recess naman, palagi mo namang kasama ang mga babaeng kaibigan mo. Lagi silang nagtatawanan at nagkukulitan tungkol sa mga lalaking nagugustuhan nila pero hindi ka naman sumasabay sa kanila. Tahimik lang akong nakikinig.

His Sad Songs - oneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon