Going Crazy II

351 12 10
                                    

♪ This ain’t no obsession

This is love, girl, you know it’s true.

Don’t say that I’m crazy.

All I’m ever crazy for was you. ♪

Pagkalipas ng ilang oras na pagmamasid ko sa kanya ay unti-unti siyang nagkaroon ng malay. Hindi ko malaman kung papa’no ko pa maitatago ang mukha ko sa kanya. Kapag nagkaharap kami., makikilala kaya niya ako? Maaalala kaya niya ang dati?

 

 

Sana. Isang malaking sana.

 

 

Ilang sandali pa’y napaupo na siya habang hinihimas ang kanyang ulo. Dagli akong napatago sa likod ng pintuan ng aking kwarto. Dun ko siya tahimik na pinagmamasdan. Nang makayanan na niyang tumayo, napatingin siya sa pader kung saan ko inilagay ang bawat larawan niya na aking ginawa.

“Ano ‘to?”

Nilingon niya ang buong sulok ng aking kwarto at halos lahat nito ay natatakpan ng mga larawan niya. Nakita ko ang gulat at takot sa kanyang mga mata. Agad niyang hinablot ang kanyang bag at hinanap ang daan papalabas.

 

Natatakot ba siya sa ginawa ko? Hindi ko naman gustong mangyari ‘to. Pero kung hahayaan ko siyang makatakas ngayon, hindi niya malalaman ang totoo. Wala nang ibang paraan.

 

Lumabas ako mula sa’king pinagtataguan at mahigpit na isinara ang pintuang paglalabasan sana niya. Dahil dun ay napasigaw siya. Sinubukan ko siyang yakapin para malaman niyang hindi ko siya sasasaktan pero pinagtutulak niya ako papalayo. Masakit para sa’kin ang ginawa niya. Hindi dahil sa mga natamo kong sampal kundi dahil umiiyak siya nang dahil sa’kin. Mas masakit na tanggapin ang katotohanang makita ang dati mong girlfriend na ngayon ay takot na takot na sa iyo.  

“Serra, wag kang matakot.”

Dahan-dahan akong napaluhod sa kanyang harapan habang hawak-hawak ang kanyang kamay.

“Hindi kita sasaktan. Makinig ka lang sa’kin.”

 

 

Muli kong pagmamamakaawa sa kanya. Natigilan naman si Serra sa ginawa ko at saka napatingin sa’kin.

 

 

“Ano bang gusto mo sa’kin?!! Please, pakawalan mo na ako!! Gusto ko nang umuwi!!”

Hindi pa rin tumitigil ang pag-agos ng luha sa mga mata ni Serra. Ayoko siyang nakikitang ganito kaya wala akong ibang nagawa kundi ang humingi nang patawad sa kanya habang haplos haplos ang mga kamay niya. Hindi ko namalayang nagsisimula na rin palang tumulo ang mga luha sa’king mga mata.

His Sad Songs - oneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon