What It Is About You - Chapter 1

4K 29 1
                                    

This is my first story, kaya pasensya na po kung maraming sablay. Na-inspired ako sa mga Filipino writers dito sa wattpad. Nong una di ko alam na may Filipino section pala dito. Kahit wala akong background sa pagiging writer, try lang wala namang masama di ba? Napili ko ang paksa tungkol sa girlxgirl, para may challenge nang konti. I hope na magustuhan nyo.

Lahat po na ginamit kong mga larawan at pangalan ay pumasok lang po sa aking isipin at imahinasyon, sa madaling salita inbento lang. Kung sakali man mayroong pagkakahawig sa ibang story ay di ko sinasadya.

Adrian's & Isabella's car on the side...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Adrianna/Adrian POV

Tulad ng napag-usapan, nasa eroplano ako ngayon pauwing Philippines. Hindi para magbakasyon kundi para ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Humingi ng pabor ang aking magulang na kung pwede ay sa pilipinas na ako mag-aral ng college. Sa ganoon ay makatulong din sa pagpapatakbo ng aming negosyo. At habang bata pa daw ako ay matutunan ko na ang pinaghirapan ng pamilya. Mayroon naman ako dalawang kapatid. Si ate Lorraine 39 at kuya Francis 35, masaya at kontento na sa kanya-kanyang pamilya.

Sa dami ng dinahilan ko para pumayag silang sa states na lang ako, walang effect pa rin. Labag man sa kalooban ko ang desisyon nila, wala na akong nagawa pa. Kung ako lang ang tatanungin mas gusto ko ng mamalagi for good sa states. Mangarap at maging sikat na photographer. Tama, pangarap ko sanang maging isang sikat na professional photographer. Siguro sa kadahilanang ang pagkuha ng mga larawan ang libangan ko, maliban sa sports. Hindi sa ayaw ko sa pilipinas, sa totoo lang gusto ko rin naman . Wala ding magiging problem kasi hindi ko nakakalimutan ang salitang tagalog kahit sa states na ako halos lumaki. Kaya lang mas-masaya ako sa states, nandoon ang barkada. My best friend Chloe, who always there for me. Siya ang unang-unang naka-alam na lesbian ako, nang magtapat akong gusto ko siya. She understand me up to the point na naging more than friends kami. We tried to work our relationship, but being as friends is way better. Until now siya pa rin ang best friend ko, i'm gonna miss them, sobra...

"Sir, do you want something to drink?" putol ng stewardes sa aking pagmuni-muni.

"I'm sorry I didn't hear you." paumanhin ko.

"Do you want something?" sagot nito.

"Whhhaatt?" wika ko na may halong pagtataka.

"Sir I mean drinks" sagot nito.

"Apple juice will do. Thank you!" ngiti ko ng matamis.

"Your welcome," smile din naman at nag-blush pa.

"I know she's into me, ang yabang" sabi ko sa sarili ko.

Akala siguro lalaki na naman ako, di lang isa madaming beses na napagkakamanlang lalaki ako. I don't deny na gusto ko yon nakakalakas nang bilib sa sarili. Hindi ko din naman sila masisisi coz I'm just look like a boy, hindi yong parang astig at maton. Yong may pagka-boy next door. I'm stand 5'11" namana ko sa daddy ko. My dad is half filipino-half american, also my hazel eyes sa kanya ko rin nakuha.My hair is short and my body is fit, complete ako sa exercise lalo na sa basketball, swimming, martial arts at volleyball. Player ako ng girls volleyball sa states, di lang basta player magaling at sikat yata ito sa school. Kaya naging short ang hair ko, required ng couch namin sa volleyball, para daw mas komportable kami at no hassle. Ang dami kayang umangal don. Siguro pinanganak akong ganito ang build ng body ko. Masaya ako at kontento kung anong hitsura ko. Handsome girl nga daw ako, according sa mga kakilala ko. Meron bang ganon? Pangalan ko lang pinalitan ko, for being Adrianna Aragonez to Adrian Aragonez. Parents at dalawang kapatid ko lang ang tumatawag sa akin ng Adrianna pag galit. One more thing di ako playgirl, akala lang nila. Friendly lang talaga ako sa mga girls. Dahil siguro babae rin ako kaya I respect and treat them right. Di ko nga alam kung kailan tatamaan ng pana ni Mr. Cupido ang puso ko?

What It Is About You (girlxgirl romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon