What It Is About You - Chapter 12

2.3K 41 13
                                    

Addi's condo on the side...

 

"You Got Me" po ang song na kinanta ni Addi kay Ella...swak ang meaning!

 

 

 

Isabella's POV

 

 

 

Masakit ang ulo ko ng magising ako kinaumagahan. Nakakapagtaka kung paano ako nakarating sa kwarto ko. Subalit nang imulat ko ang aking mga mata.

 

 

"Kaninong bedroom ito at sinong hudas ang nagsama sa akin di..." na hindi ko naituloy ng may nagsalita sa tabi ko.

 

 

"Good morning sweetheart...kanina ka pa ba gising? Tulog pa tayo..." sabi nito na bigla akong niyakap mula sa likuran.

 

 

"Ano daw!? Sweetheart!?" tanong ko sa isip ko.

 

 

 

Sandali parang pamilyar sa akin ang boses nito at kahit nakatalikod ay hindi ako pwedeng magkamali. Pero gusto ko pa ring makasigurado kaya humarap ako dito. Ang lapit ng mukha namin sa isat-isa at kahit hindi pa ito nagmu-mumog ay ang bango pa rin ng bibig nito. Lasing pa ba si Adrian at tinawag ako nitong sweetheart. Hindi kaya nagtapat na ako ng nararamdaman ko at ina-assume nito na kami na. Napabalikwas ako ng bangon...

 

 

"OMG!" sabi ko sabay tulak kay Adrian dahilan para mahulog ito sa kama.

 

 

"Anong nangyari!? Aray ko..." sabi nito habang hawak-hawak ang ulo.

 

 

 

Tumama ang ulo nito sa side table kaya siguradong nasaktan ito. Naawa naman ako kaya bumaba ako ng kama para tingnan ang parte ng ulo nito na masakit.

 

 

"Addi sorry! Hoy!" sundot ko sa mukha nito.

 

 

"Hoy Addi! Sige ka aalis na ako." pananakot ko.

 

 

 

Natakot ata na baka tutuhanin ko kaya bigla mulat ng mata at hawak sa kamay ko. Nakatingin lang ako at ganoon din ito nang maalala ko ang itatanong ko. Hinila ko ang kamay kong hawak-hawak nito at sabay halukipkip ko ng dalawang braso sa dibdib.

 

 

"Anong ginagawa ko sa bedroom mo at bakit katabi kitang natulog?" galit na tanong ko.

 

 

"Sweetheart, you don't have to get mad. Dinala kita dito sa kondo ko. Pinunasan kita at pinalitan ng damit sa madaling salita ay inalagaan kita..." malambing na sabi ni Adrian na nakahawak pa rin sa ulo nito.

What It Is About You (girlxgirl romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon