What It Is About You - Chapter 13

2.1K 34 9
                                    

Pasensya na po at ngayon lang ako nakapag-update...naging busy lang po. Thank you sa ibang matiyagang naghihintay ng update.

 

 

 

 

 

 

Adrian's POV

 

 

 

 

Sa isang bar ginanap ang birthday party ni Natalie ang may karaawan. Sila ang owner nitong "Talie Cafe & Bar" at sa kanya pa talaga pinangalan. Were not even introduced sa isat-isa pero dahil inimbitahan lahat ng freshman awtomatik kasama na ang barkada.

 

 

 

Marami-rami na rin ang nandito mostly girls at halos lahat ay nagkakasayahan maliban lang siguro sa akin. Paano kanina ko pa hinihintay si Isabella, gusto ko na tuloy itong sunduin. Hindi ko naman alam kung nasaan na ito at ang dalawa nitong kaibigan. Nag-text ako kanina at on the way na daw sila pero hanggang ngayon wala pa.

 

 

 

"Bro, ba't ba hindi ka mapakali dyan sa pwesto mo? tanong ni Jacob.

 

 

 

"Wala bro! Punta lang akong washroom madali lang." paalam ko sa kaibigan ko.

 

 

 

Pabalik na ako sa table na kinatatayuan namin nina Jacob ng may humarang sa daraanan ko. Muntik pa itong mabuwal ng tumama ang katawan nito sa braso at dibdib ko.

 

 

 

 

"Oppsss! Sorry miss! Okay ka lang ba? tanong ko habang hawak ito sa dalawang braso.

 

 

 

"Hahahaha!"tawa nito.

 

 

 

Nagtaka ako ng bigla itong tumawa, sinasadya ba nito na bungguin ako.

 

 

 

"Okay ka lang ba miss o lasing ka na?" tanong ko na nakakunot noo.

 

 

 

"Tama pala ang sabi nila na ang gwapo mo sa personal at very gentleman, I mean gentlewoman." bungisngis na sabi nito.

 

 

 

Nakatingin lang ako sa babaeng nasa harapan ko at alam pala nito na babae ako. Gusto ko na itong iwanan dahil mahirap na baka mabitin pa ako patiwarik. Kailangan kong mapatunayan kay Isabella na tumutupad ako sa aming usapan na huwag akong makikipaglandian sa mga girls. Paalis na ako ng hawakan nito ang bisig ko para pigilan.

What It Is About You (girlxgirl romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon