What it Is About You - Chapter 15

2.6K 75 32
                                    

Guy's dahil naka-200 votes na ako, sinipag akong i-update ang "What It Is About You". Salamat sa mga nangungulit sa update, thanks! Pasensya na rin at natagalan bago ko nasundan ang chap. 14, naging busy lang...

 

 

 

 

Isabella's POV

 

 

 

Magkahawak kamay kaming pumasok ng bahay bakasyunan nang pamilya Aragonez. Ito ang pinakamasayang araw para sa aming dalawa dahil opisyal na mag-girlfriend na kami. Alam kong kahit anong mangyari ay hindi ako sasaktan at pababayaan ni Adrian.

 

 

 

"Sweetheart gusto mong mag-swimming? Maaga pa naman para matulog." anyaya ni Adrian.

 

 

 

"Okay, kaya lang wala tayong dalang swimwear." sagot ko.

 

 

 

"May idea ako sweetheart, gusto mong malaman? ngiting sabi nito.

 

 

 

"Addi....ano?" kunot noong tanong ko.

 

 

 

"Let's swim naked." bulong nito.

 

 

 

"Ah ganon! Mag-swimming kang mag-isa mo." inis na sagot ko.

 

 

 

Aktong iiwan ko na ito hindi dahil sa naiinis ako kundi sa sinabi nito, para kasing nalalarawan sa diwa ko na kung ano nga kayang naked kami sa swimming pool. Saktong paalis na ako sa kinatatayuan ko ng yakapin ako nito at buhatin papuntang swimming pool.

 

 

 

"Addi!? Anong binabalak mo ha?" tanong ko na parang alam ko na ang iniisip nito.

 

 

 

"Sweetheart mag-lalangoy lang tayo, promise!" sabi nito na nagmamadaling inaalis ang shoes.

 

 

 

"Addi put me down. Addi! Pag hindi mo ako binaba...." naputol ang sasabihin ko ng bigla itong tumalon kasama ako.

 

 

 

"Ayyyyyyyyyyy!!!" sigaw ko.

 

 

 

Naghahahabol ako ng hininga ng maramdaman kong may yumapos sa likod ko. Humarap ako kay Adrian at tiningnan ko nga ito ng masama. Parang pinalis ang inis ko ng kintilan ako nito ng halik sa labi. At ngiting-ngiti ito na humingi ng sorry. At sino ba naman ang makakatiis na mainis sa girlfriend mo kung magpa-cute wagas. Ginawaran ko rin ito ng halik sa tungki ng ilong at napa-buntong hininga ito kaya nagtaka ako.

What It Is About You (girlxgirl romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon