What It Is About You - Chapter 8

2.1K 34 2
                                    

Ayan sabay ko pong in-upload ang Chapter 7 and 8..

Adrian's image with his outfit for today...

Adrian POV

 

 

 

 

Hinatid ko si Isabella sa next subject at ako ang nagdala ng bag at ibang books nito. Hindi ko maisip kung anong nangyayari at dahilan bakit bigla na lang akong hinila nito palabas ng classroom. Alam kong nahihiya ito sa akin, hindi ito makatingin ng diretso sa mga mata ko. Nakasunod lang ako kay Isabella hanggang makarating na kami sa classroom nito.

 

 

 

"Ella can I borrow your cellphone? pabala ko at binigay naman nito na may halong pagtataka.

 

 

 

"Here Ella! Nilagay ko ang cell number ko diyan baka kasi di mo pa na-save nong tumawag ako. Text mo ako ha kung malapit na kayong mag-lunch break para makapag-pabala ako kay coach." mahabang sabi ko.

 

 

 

Tumango lang ito na ibig sabihin sang-ayon ito. Inabot ko na ang gamit nito at nag-paalam na ako.

 

 

 

"Bye Ella! Meet you later, ok! sabi ko.

 

 

 

"Yah bye! sagot nito habang pumapasok ng classroom.

 

 

 

Kung pwede nga lang sana na hintayin ko si Isabella sa labas ng room nito. Kaya lang importante ang practise namin ngayon ng volleyball at may mahalagang sasabihin si coach ngayon.

 

 

 

Umalis na rin ako pagkapasok ni Isabella at kinuha ko muna ang daffle bag ko sa sasakyan. Nandito na ako sa gym at tuloy-tuloy na ako nang locker room para magpalit ng damit nang tawagin ako ni Allysa.

 

 

 

"Hi Adrian! Salamat nga pala ulit sa breakfast ha. You like my sister Isabella ano? tanong nito.

 

 

 

"Ha? Magagalit ka ba kung sabihin kong humahanga ako sa sister mo? sagot ko.

 

 

 

Hindi ito nasagot at nakatingin lang kaya napakamot ako sa batok ko manerism ko na ata yon tuwing nahihiya at awkward ang sitwasyon. Nang bigla itong ngumiti at umabrisyete sa braso ko at sinama na ako papasok ng locker room.

 

 

 

"So pang-suhol pala yong breakfast kanina? nakangiting tanong nito.

What It Is About You (girlxgirl romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon