What It Is About You - Chapter 11

2.1K 31 7
                                    

Ella and Addi on the side...

Isabella's POV

 

 

 

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa ni Adrian sa sasakyan nito. Mula sa restaurant ay walang gustong magsalita. Kitang-kita ko na malungkot ito dahil sa mga nasabi ko at seryoso lang ito sa pagmamaneho hanggang maihatid ako sa campus.

 

 

"Ella, hintayin kita sa parking lot mamaya after your class, ihahatid kita sa inyo." sabi nito bago isara ang passenger door.

 

 

"Okey...Addi!" sagot ko na naghihintay sa iba pa sana nitong sasabihin.

 

 

Nakatayo pa rin ako sa labas ng building habang hinihintay na makalayo ang sasakyan nito. Nang biglang may kumalabit sa likod ko na ikinagulat ko.

 

 

"Hoy Bella! Bakit parang ang lungkot-lungkot ng prinsesa habang tinatanaw ang paglayo ng princess charming niya? alaska na naman ni Jasmine.

 

 

"Nasaktan ko si Adrian at ang lungkot nito because of me. Jasmine help me!" buntong-hininga ko.

 

 

"What!? Wag mong sabihin na binasted mo si Adrian? Friend ang ingot mo kapag pinakawalan mo siya." sabi nito na parang shock na shock.

 

 

"Ang OA mo talaga Jas, paano ko babasteden yon eh wala namang balak manligaw si Adrian sa'kin. Syaka kaya ko na bang mag-mahal sa babaeng tulad natin?" wika ko.

 

 

"Bella, ikaw lang ang makakasagot sa tanong mong yan. Time will come friend na malalaman mo rin ang sagot." drama nitong sabi.

 

 

 

 

 

Mabilis ding natapos ang dalawang subject ko at patungo na ako sa parking lot. Wala pa si Adrian sa parking at sampung minuto na akong naghihintay dito. For the first time ay na-late ito, hindi ko maiwasang mag-alala. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ito nang pumarada ang sasakyan nito sa harapan ko. Agad din itong bumaba ng sasakyan para ipagbukas ako ng pinto.

 

 

"I'm sorry na-late ako." sabi nito.

 

 

"It's fine Addi!" simpleng sagot ko.

 

 

Pag-upo ni Adrian sa driver seat ay tinitigan ako nito na parang may gustong sabihin. Nakatingin din ako sa mga mata nito na gusto kong basahin ang ini-isip nito. Nag-buntong hininga ito at pinaandar na makina. Bakit parang amoy beer si Adrian ng nagbuntong-hininga ito. Siguro uminom ito kaya nahuli sa pagdating kanina...

What It Is About You (girlxgirl romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon