What It Is About You - Chapter 10

2.1K 27 5
                                    

Isabella POV

 

 

 

Mabilis lumipas ang mga araw at hindi ko inaasahan na habang tumatagal ay mas makikilala ko si Adrian. Mabait ito at maasikaso. Kaya hindi ko mapigilang lalong humanga dito. Minsan nga ay di ko na naaalala na babae din ito. Napaka- maalalahanin nito bonus na siyempre ang pagiging gwapong babae nito. Patuloy pa rin si Adrian sa deal namin at tuwing may pupuntahan ay sa akin ito nagpapasama. Ayaw ko mang aminin sa sarili ay gusto at nais ko rin lagi itong kasama. Gusto ko ay lagi rin itong nakikita at nakaka-usap at iniiwasan ko nang mainis tuwing may lumalanding mga babae dito, na kung minsan ay di ko rin mapigil at kay Adrian ko nabubunton ang init ng ulo ko sa halip na sa mga kiringking na mga babaeng kulang na lang ay iuwi ito. Pakiramdam ko ay di makokompleto ang araw kung hindi ko ito makakasama. Pakiramdam ko ay lalalalim pa ang aming pagkakaibigaan. Madalas din kaming mag-asaran at biruan tuwing ang isa sa amin ay tinutupak tulad ngayon.

 

 

"What did you say?" tanong ni Adrian habang nakatitig ito ng masama sa akin.

 

 

Naniningkit ang mga mata nito habang hawak-hawak ang towel nitong basang-basa ng pawis na patuloy ang paglapit sa kinatatayuan ko. Practice nila ngayon ng volleyball at tamang-tama wala ang professor namin ni Jasmine kaya inakit ko muna itong manuod ng insayo ng team nina Adrian sa gym.

 

 

"Ang bingi!" sabi ko na tinawanan din ni Jasmine.

 

 

"Ang sabi ko ang baho mo, no wait scratch that. Ang baho-baho mo talaga!" sabi ko na tumatawa pa rin.

 

 

Kahit madalas ko itong asarin at laitin ay hindi nitong magawang magalit o mainis man lang sa akin.

 

 

"Talaga? Yong ibang girls nakikiusap maamoy lang ang mabahong ito, tapos ikaw nandidiri at umaayaw...tingnan ko lang kung di mo hanap-hanapin ang amoy ko." halakhak nito habang papalapit.

 

 

"Yabang mo talaga!!" sabi ko sabay takbo palayo.

 

 

Tumakbo ako palayo kaya hinahabol ako ni Adrian na hawak-hawak pa rin ang towel.

 

 

"Alam ko na yayapusin na lang kita." sigaw nito.

 

 

"No! Adrian huwag mong gagawin yan, stop it!" sabi ko na hingasing sa paglayo kay Adrian.

 

 

"Ella malapit na ako....hahaha!" tawa pa nito.

 

 

"Addi, isa! Pag-tinuloy mo akong yapusin hindi kita papansinin!" pananakot ko.

 

 

It's to late nang maramdaman ko ang mga bisig nito na pumulopot sa katawan ko at ang pawis nito na dumikit sa balat ko. Nabigla ako sa ginawa ni Adrian pero sa halip na itulak ko ito at sigawan ay para akong natigilan. Hindi pa nakontento ang loko-lokong ito, iniharap pa ako sabay paamoy ng leeg nito.

What It Is About You (girlxgirl romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon