What It Is About You - Chapter 5

2.4K 24 0
                                    

Here's Chapter five guys! enjoy!

Isabella's outfit on the side...

Adrian POV

 

 

Nakahiga na ako sa kama at hindi pa rin mawala ang ngiti sa aking mga labi ng maalala ko ang pagpayag ni Isabella sa mga condition ko. Alam kong hindi ito makakatanggi kahit wala naman akong balak gawin ang mga iyon. Ang gusto ko lang ay makalapit sa dalaga at makilala ito ng mabuti. Kanina sa party gustong-gusto ko itong pinagmamasdan, yon ay kung hindi ito nakatingin. She is the most stunning girl I ever met. Kahit siguro itabi mo pa ito sa mga babaeng nakarelasyon ko ay mag-stand-out ito. Napakasexy nito at ang mala-porselana nitong kutis... Nagbigay ng kakaibang init sa aking katawan ng maisip iyon. Napailing na lamang ako para maibsan ang init na nadarama. Kailangan kong itigil ang kahibangan ko at makontento dahil pumayag ang dalaga sa mga condition ko. Hanggang nakatulugan ko na ang kakaisip dito.

 

 

 

 

 

Saturday, kailangan kong pumuntang school ng 10 a.m. para sa try out ng girls volleyball. Kagabi nang nagkaroon ng pagkakataong nagkausap kami ng sister ni Isabella ay napag-usapan namin ang sports, nabanggit kong volleyball player din ako sa states. Pinipilit nito akong sumali at baka gusto ko daw mag-try-out. Nagdadalawang isip ako kung papayag sa pakiusap ni Allysa. Baka kasi mahirapan ako kung pati sports ay isasali ko pa sa schedules ko. Wala namang masama kung subukan ko lang at isa pa mahal ko ang sports. Malaki ang naitulong nito para maging fit and sexy ang katawan ko...hehe! Sa madaling salita pumayag na rin ako.

 

 

 

 

 

 Pagdating ko sa gym nakita ko kaagad si Allysa at agad din naman itong sumalubong sa may entrance. Maganda din ito at sexy sa suot na maikling shorts at fit na t-shirt pero mas maganda pa rin ang Isabella ko. Isa-isa nitong pinakilala ang mga co-player at isa-isa ko din silang nilapitan at nakipagkamay. May nakasabay din akong ibang nag-try-out at halos lahat naman ay napili. Pagkatapos ng kulang-kulang isang oras ay pwede na daw umuwi. Paalis na ako nang tawagin ako ni Allysa.

 

 

 

 

 

"Adrian, wait!" tawag nito.

 

 

 

 

"Hi Allysa! sagot ko na nakangiti.

 

 

 

 

 

"Gusto lang kitang batiin ng congrats at ikaw ang first choice ni coach sa lahat ng nag-try-out." paliwanag nito.

 

 

 

 

 

"Really! that's flattering." wika ko.

 

 

What It Is About You (girlxgirl romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon