Truth Hurts

48 0 1
                                    

CHAPTER I


"I can feel her breath, as she's sleeping next to me. Sharing pillows and cold feet.

She can feel my heart, fell asleep to it's beat. Under blankets and warm sheets.

If only I could be in that bed again.

If only it were me instead of him..."

Ito pa yung kantang narinig ko sa computer shop habang nag iinternet ako. Nasa pagawaan kasi laptop ko. Parang may tumusok sa dibdib ko nung nakita ko yung picture niya kasama yung ipinalit niya sa'kin. Hindi ko maiwasan na magalit at sobrang masaktan, syempre ang bilis niyang nakahanap ng pamalit sa'kin. Parang damit lang ako na namantsahan na dapat palitan agad agad. 2 years kami, hindi man lang niya naisip yung pinagsamahan namin? Tapos sa 2 weeks lang niyang nakilalang lalaki ang ipapalit niya sa'kin?

Wala akong ibang maramdaman ngayon kundi SAKIT. Ang sakit eh. Bakit ganito? Ano bang pagkukulang ko? Alam ko naman na ginawa ko ang lahat para sa kanya, ano pa ba? Ano pa yung hindi ko nagawa na nagtulak sa kanya para gawin to sa'kin. Ako ba? Ako ba yung mali? Ako ba yung nagkulang? Saan?...

Hanggang sa nga out ako. Pag uwi sa bahay, humiga lang ako sa sofa. Tulala. Kung anu-ano na ang tumatakbo sa isip ko. Ang dami ... naghahalo yung masasayang araw na magkasama kami, biglang susulpot yung picture na nakita ko sa facebook kanina. Walanjo, dapat di na ko nag-online eh... tanga mo talaga Marvin.

(FLASHBACK)
.........


Kanina pa ako naghihintay sa kanto nila, sabay kasi kami napasok ni Diane, same school kasi kami. HRM student siya, Architecture naman ako. Three weeks ko na siyang nililigawan, madalas ko siyang makasabayan sa jeep dati pa dahil taga kabilang barangay lang siya. Kapag sa school naman, lagi ko siyang nakikita faculty, madalas nagre record ng quizzes o exams ng mga classmates niya. Isang beses nga nagkabanggan kami at natapunan niya ako ng flour sa pants. Nung time na yun, ordinaryong schoolmate lang ang tingin ko sa kanya. Hanggang sa dumating yung punto na, pag nagkakasabay kami sa jeep, nagkakatinginan kami at ngumingiti siya sa'kin. Ningingitian ko din naman siya kahit di ko naman ugali ang ngumiti sa di ko kakilala.

Gawain ko ng tumambay sa labas ng classroom habang di pa oras ng klase. Pero siya, maaga pa naman napasok na agad siya sa classroom nila. Samantalang yung iba niyang kaklase na babae rumarampa pa sa hallway. Wag na kayo magtaka kung paano ko nalalaman, nadaan kasi ako sa classroom nila para lang silipin siya. Di ko nga alam bakit ko ginagawa yun. Kapag napapadaan naman siya sa tambayan namin sa baba ng school, nakayuko lang siya at hindi nalingon sa paligid niya. Dire diretso lang siya, tingin ko nga nun sa kanya, mataray siya.. Siguro...

Biglang may tumawag sa'kin. Siya pala, palapit. Naglakad na kami papunta sa sakayan. Habang naghihintay ng jeep, napatingin ako sa mukha niya. Oo mataray nga siyang tingnan, pero mabait siya. Naalala ko nung di pa kami gaano magkakilala, nakita ko siyang nag abot ng limos sa isang matandang pulubi. Ilang beses ko siyang nakitang nagbibigay ng limos. Dun ako nagsimulang magkaroon ng interes na kilalanin siya. Kaya naman nung isang beses na natyempuhan ko siya na mag isang nakatambay sa labas ng room nila, lumapit ako sa kanya. Ngumiti naman agad siya sakin kahit wala pa akong sinasabi. Ewan ko ba at parang kumapal ang mukha ko ng mga oras na yun, nagpakilala ako sa kanya. Ganun din naman siya sa'kin, nakipag shakehands siya sa'kin, may kung ano akong naramdaman na dumaloy sa nerves ko, teka.. ano yun?...

Along Came AlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon