Annoying Girl

15 0 0
                                    


CHAPTER III

Pagkatapos kong kumain, sabay kami ni Mang Lito na pumunta sa bar. Nandoon na si Aly at ang banda niya. Apat lang sila lahat. Umupo ako sa bandang harapan ng stage habang inaayos nila ang mga gamit nila. Pagtapos nila ihanda ang instruments, pumwesto na si Aly sa tapat ng mic. Nagsimula na tumugtog ang gitara.

"Right from the start, you were a thief you stole my heart.
And I your willing victim."

Napatingin ako kay Aly, nakatingin din siya sa'kin habang nakanta.

"I let you see the parts of me
That weren't all that pretty.
And with every touch you fixed them.

Now you've been talking in your sleep, oh, oh ...
Things you never say to me, oh, oh.
Tell me that you've had enough
Of our love, our love..."

Tuluyan na akong nawala sa sarili ko, napatulala na lang ako bigla pero naririnig ko pa rin ang pagkanta niya. Bakit nakakaramdam ulit ako ng ganito? May sakit pa talaga. Meron pa. Bakit di na lang mawala ito agad agad tulad ng pagkawala niya? Bakit kailangan ko pa tong pagdaanan?

"It's in the stars.
It's been written in the scars on our hearts."

Matututo pa ba akong magmahal? Ulit?

"We're not broken just bent.
And we can learn to love again."

"Marvin, okay ba sila? Marvin?"

At nakaramdam ako na may tumapik sa balikat ko. Si Mang Lito pala, saka ako napatingin sa paligid ko. Tapos na palang kumanta yung banda. Nawala na naman siguro ako sa sarili at lumipad na naman pabalik sa nakaraan yung isipan ko.

Napatingin ako kay Aly, walang expression ang mukha niya. Tahimik silang lahat at hinihintay ang sagot ko.
Tumayo ako.

"Okay na yan Mang Lito." At lumakad na ko palabas ng bar. Narinig ko na lang ang saya sa mga boses nila. Umalis na ko.


Naglakad lakad ako sa resort, di ko pa pala nalilibot to mula nung dumating ako. Laki na ng pinagbago. May mga pagbabago talaga sa buhay natin na maganda, at meron ding hindi. Humuhugot na naman ako.
Sa bandang swimming pool ako naglakad lakad, wala pa masyadong tao. Umupo ako at nilublob ang paa ko sa tubig.

"Sir!"

Napalingon ako. Nakita ko si Aly, papalapit sa'kin. Seryoso. Bakit kaya?

"Why?"

"Kanina pa po kita hinahanap."

"Bakit naman?"

"Alam kong hindi niyo naman talaga nagustuhan yung pagtugtog namin. Halata naman sa mukha niyo po kanina."

Hindi ko alam kung ano pang gusto nitong babaeng to? Tinanggap ko na nga sila sa bar. Magulo talaga mga babae. Tumayo ako at hinarap ko siya.

"Ano pa bang gusto mo miss? Nakuha mo na yung gusto mo, yan di ba? Oh, ano pang problema mo? Ano naman kung nagustuhan ko o hindi yung pagtugtog niyo o yung pagkanta mo."

Along Came AlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon