CHAPTER II
Nagulat ako. Parang may ibang ibig sabihin ng sorry na yun. Sorry for what? Anong .. teka .. bakit siya nag sorry?
"Marvin, I'm sorry .. pero kasi .. hindi na kita --"
"Teka."
Pinutol ko agad ang sasabihin niya. Tumapat ako sa kanya. Yumuko siya.
"Alam mo, sobra kitang na miss. Sobra... sobra. Kung alam mo lang na ilang araw akong naghihintay ng text mo. Ilang almusal at hapunan ang nilagpasan ko. Ilang gabi na balisa ako at hirap matulog. Iniisip ko nga nun, ikaw kaya ganun din? Nakakakain ka ba ng maayos? Nakakatulog ka ba ng mahimbing? Ni minsan ba, naisip mo pa rin ako?"
Nangingilid na ang luha ko. Nangangatog na ang boses ko pero pinilit ko pa rin mag salita kahit na ano mang oras ay pipiyok na ko.
"Mahal kita eh ... Mahal na mahal. Oo, alam ko may mga naging pagkukulang ako. Pero sana kinausap mo man lang ako. Hindi yung bigla mo na lang ako iniwan na puno ng katanungan sa sarili ko. Ni hindi ko nga alam kung .. kung .. kung kakayanin ko pa na lumipas ang isa pang araw na .. na hindi tayo nagkakaayos."
Puro takot na lang ang nasa kalooban ko ngayon. Wala ng iba. Kasi parang .. tuluyan na siyang mawawala sa'kin. Hindi siya kumikibo. Nakatitig lang siya sa semento kung saan napatak ang luha ko. Wala akong maramdaman na nag aalala siya. Parang wala lang sa kanya, parang di niya ako kilala. Parang...
"Hindi na kita mahal."
Narinig ko na. Narinig ko na ang pinakamasakit na salita. Ay, hindi .. ang pinaka kinakatakutan kong salita. Para akong nabingi ng ilang segundo. May sinasabi pa siya pero di ko na maunawaan. Naramdaman ko na lang ang pagtapik niya sa balikat ko at dinampot na niya ang gamit niya. Naglakad na siya palayo. Hindi ko alam kung katangahan ba to? Hinahabol ko siya, naglalakad na siya papuntang sakayan. Tinatawag ko siya pero di niya ako nililingon. Hanggang sa huminto siya sa kanto.
"Marvin, wag mo na akong habulin. Tapos na tayo. Ayoko na. Wag mo ng sayangin ang oras mo kahihintay sa'kin."
"Mahal kasi kita! Di mo ba naiintindihan ha?!!"
"Kailangan ko pa bang intindihin? O ikaw dapat ang umintindi? Intindihin mo din naman ako Vin.."
"Bakit?! Ikaw? Ikaw ba inintindi mo ko? Inisip mo ba ko? inisip mo ba yung nararamdaman ko nung pinagpalit mo agad ako?!"
Hindi ko na napigilan ang paglakas ng boses ko. Napatingin na sa'min yung mga tricycle driver na naroon.
"Tumigil ka na Vin .. please .. maawa ka naman sa sarili mo. Itigil mo na ang paghihintay. Ihinto mo na ang paghabol mo sa'kin. Patayin mo na yang nararamdaman mo para sa'kin.."
Bigla ko siyang hinawakan sa braso. Tapos sa kamay, kinuha ko yun at dinikit sa dibdib ko, sa tapat mismo ng puso ko. Tinitigan ko siya.
"Kapag pinatay ko ang nararamdaman ko para sa'yo, di na yan titibok. Diane, ikaw yung buhay ko eh .. di ko kayang mawala ka. Please .. bumalik ka na sa'kin .."
Umiyak na naman ako. Alam ko ilang tao na ang nakatingin sa'min. Wala na akong pakialam kung magmukha na akong tanga. Binawi niya ang kamay niya at pinunasan ang luha ko. Napapikit na lang ako.
"Sorry. I'm sorry. Isipin mo din ang sarili mo. Hindi ako deserving sa pagmamahal mo. Marvin .. wag mo na akong mahalin. Tanggapin mo na lang na .. hanggang dito na lang talaga tayo .."
Kinuha na niya ang mga gamit niya. Hindi na ako nakagalaw pa sa kinatatayuan ko. Ni hindi na ako naglakas loob pang pigilan siya. Pakiramdam ko mamamatay na ako. Umalis na yung jeep na sinakyan niya. Nakayuko lang ako. Umiiyak. Wala na. Wala na talaga. Tinapos na talaga niya ang lahat sa'min. Sinubukan kong humakbang pero hindi ako makagalaw, ni hindi ako makatingala. Nung sinubukan ko ulit lumakad, isang malakas na busina ang narinig ko at sigaw ng isang lalaki.
BINABASA MO ANG
Along Came Aly
RandomNaranasan mo na bang maiwan ng taong sobra mong minahal? Akala mo okay na ang lahat sa inyo, di na kayo maghihiwalay at wala sa inyo ang bibitaw. Kaso ganun talaga sa love, darating talaga sa punto na may masasaktan isa sa inyo. Paano pag tuluyan ka...