Something New

12 0 0
                                    


CHAPTER VI

           Mag iisang linggo na namin nire renovate tong shop. Malapit na matapos tong first floor, pag okay na ang lahat ng pipinturahan saka ko na ipapalagay yung mga furnitures na binili ko. Sa tingin ko mukhang maganda ang kakalabasan nito. Parang bigla tuloy akong na excite, kasi ito yung first time na naging interesado ako sa ganitong bagay. Tutal, masarap makaranas ng bago at hindi yung puro na lang yung mga nakasanayan ko.


"Good morning sir! Coffee?"



          Ngiting ngiti si Aly at nilapag yung cup of coffee sa tabi ng laptop ko. Inabutan din niya yung iba pang karpintero. Tumabi siya kay Jello na malapit ng matapos ang ginagawa.

"Wow! Ang gandaaa!!! Galing mo talaga!"


         Sabay akbay kay Jello. Bigla siyang lumingon sakin. Ngumiti ako sa kanya. Ngumiti din siya sa'kin. Unti unting pagbabago ang gagawin ko. Ininom ko na yung kape at nagsalpak ng earphone.


        Maglu lunch time ng pinahinto ko muna sila magtrabaho para kumain. Lumabas ako ng shop, nasa likuran ko sina Aly at Jello. Naririnig ko silang nagtatawanan kahit naka earphones ako. Lakas talaga tumawa ni Aly, parang hindi babae. Sabay kaming lahat pumasok sa restaurant, pero magkaiba kami ng table nila Aly.


        Habang nakain, napapatingin ako kina Jello at Aly. Kanina pa sila nagtatawanan, ano kayang pinagtatawanan nila? Habang naghihintay ng order, nagtext ako kay Manong Lito kung ano ng balita. Maya maya may nagtext, si Dhan.

'Marvin. Musta na bro?'

         Hindi ko alam kung magrereply ako o hindi. Baka may mabalitaan na naman ako tungkol sa ex ko. Ayoko na muna may malaman tungkol sa kanya, nasa proseso na ko ng pagmo move on at ayokong masira agad yun. Kahit cp ko di ko muna kinakalkal kasi alam kong may pictures pa 'niya' doon. May pictures pa 'namin', nung meron pang 'kami'. Napailing na lang ako. Saka ko na kakalkalin pag alam kong handa na kong burahin lahat ng mga yon. Pag di na ko manghihinayang.


        Dumating na ang order ko. Kumain na ko. Di pa ko nangangalahati sa pagkain nang marinig ko ang boses ni Jello.

"Ate Aly!! Okay ka lang?! Tubig.. O-oh uminom ka po.."

        Nakita ko si Jello nasa likuran ni Aly at hinahaplos ang likuran nito. Anong nangyari? Hinihika na naman ba siya? Lumapit na yung isang waiter kina Aly. Patuloy sa pag ubo si Aly. Ang lakas na ng ubo ni Aly, napapatingin na yung ibang guests sa kanila. Napatayo na ako at lumapit. Pagtingin ko kay Aly, maluha luha na siya kakaubo.


"A-anong nangyari?! Oh tubig, dahan dahan lang... Aly? Ano na? Huminga ka ng maayos..."

        Hinaplos ko yung likuran niya habang hawak yung baso. Medyo naging okay na siya at di na gaano inubo. Tumingin siya sakin. Nakatitig lang siya. Maya maya bigla siyang tumawa. Ako naman napatanga na lang. Teka, baliw ba tong babaeng to?

"Bakit ka natawa?"

"Ha-hahaha. Wa-wala po sir. Yung itsura niyo kasi, parang nagpa panic na ewan."

Along Came AlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon