Who is Aly?

12 0 0
                                        


CHAPTER V

Napapaisip ako kung may mga pinagsasabi ako nung lasing ako. May pagka madaldal pa naman si Aly, baka kung anu ano kinukwento nito. Tinitingnan ko siya habang nag aayos dito sa shop, kinulit na naman kasi ako kagabi na gusto daw niya tumulong. Pinagbigyan ko na para tumigil. Napansin siguro niya na kanina ko pa siya tinitingnan.

"Bakit po sir?"

"Wala." At nagkunwari akong busy sa laptop.

Biglang lumapit sa'kin si Aly at nakisilip sa laptop ko. Tinignan ko siya.

"What?"

"Wala naman sir. Nakakunot kasi yung noo mo."

"Ano naman?"

"Badtrip ka lagi sir."

"Lalo ako nababadtrip sa tulad mo."

"Ano na naman ginawa ko sir?"

"Wala."

Sa totoo lang, di ko alam bakit naiilang ako kay Aly. Naging masungit na nga yata ako sa babae.

"Sir manunuod ba ulit kayo mamaya?"

"Hindi."

"Ah ganun po ba."

"Oo nga pala, wala ka bang pasok sa coffee shop?"

"Mamayang hapon pa po duty ko dun sir."

"Then? Sa bar naman?"

"Opo."

"Di ka ba napapagod?"

"Hindi. Pagod? Mahal ko kasi pamilya ko, kaya pag para sa mga taong mahal natin, hindi ka dapat napapagod. Kasi ang pagmamahal, di naman yan nakakapagod na gawain kaya di mo dapat hinihinto."

Napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa huli niyang sinabi. 'Ang pagmamahal, di naman yan nakakapagod.'
Kung ganun, bakit niya ako iniwan? Kung minahal niya talaga ako, bakit napagod siya? Bakit siya huminto sa pagmamahal sa'kin? Nilingon ko ulit si Aly na ngayon ay nakikipag biruan sa mga karpintero.

Naalala ko yung sinabi ni Mang Lito tungkol kay Aly. Masarap daw kausap? Nagtatawanan yung mga karpintero dahil nakikipaglokohan si Aly.

"Kayo kuya ah, porket babae ako binu bully niyo ko. Itatago ko tong mga pako saka martilyo niyo."

Bakit nga ba hindi ko subukan kilalanin si Aly? Mukhang masaya naman siyang kasama kahit makulit at maingay.

~~

Kahit sinabi ko na hindi ako manunuod ngayon sa bar, pumunta pa rin ako. Natapos ang dalawang song saka bumaba ng stage si Aly. Nakangiti siya habang palapit sa'kin.

"Sir Marvin! Akala ko di kayo manunuod ngayon?"

"Ah .. Wala kasi akong magawa sa kwarto. Nagpapaantok lang ako."

"Ah ganun po ba. Tara sir sama ka?"

"Saan?"

Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin sa braso at lumabas kami ng bar. Nakaupo kami ngayon sa bato na tinambayan namin nung nakaraan. Nakain na naman kami ng barbeque. Ang lamig ng hangin.

"Favorite spot ko dito kahit muntik na kong mahulog."

"Muntik mahulog?"

"Opo. Nadulas ako dito habang nakatayo. Yan po oh may gasgas pa ng nakaraan sa sakong ko."

"Ikaw pala yun..."

"Yung ano po?"

"Yung clumsy na nakita kong nadulas dito sa ibabaw."

Along Came AlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon