CHAPTER VIII
~~
Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. May natawag, di ko sinagot at pumikit ulit ako. Saka ko ulit na realize na umaga na pala. Napabalikwas ako ng bangon at tumingin sa relo ko.
"Sh*t!"
Dire-diretso ako sa banyo at naligo. Nakalimutan ko na ngayon nga pala ang re-opening ng coffee shop. Hindi na ako nag almusal. Paglabas ko ng kwarto, nakasabayan ko pa sa hallway yung isang bandmate ni Aly. Magkasabay kami sa elevator.
"Morning Sir."
"Morning din."
Inayos ko pa ang polo ko. Tumingin ako sa salamin sa elevator at nag ayos ng buhok.
"Mukhang nagmamadali kayo sir."
"Yup. Late na nga ako eh."
"San po ba ang punta niyo?"
"Re-opening kasi ng coffee shop."
"Ahh.. Ganun po ba. Kaya pala ang aga ni Aly."
"Na-nauna na si Aly?!"
"Opo sir. Mga 6am lumabas na siya."
Ang aga naman niya. May naitulog pa ba yun? Sa pagkakatanda ko may tugtog pa sila kagabi pagkatapos namin tumambay sa shop. Paghinto ng elevator, binilisan ko na ang paglakad.
Mga 7:45 na ako nakarating. Buti may 15 minutes pa ko. Pagpasok ko, inasikaso ko agad yung mga promo na ipo post namin sa labas ng shop. Pinalabas ko na rin yung mga bagong flavors ng cakes namin.
"Sheila, pakipost na yung mga sinabi ko sayo kagabi. Ahm, Joseph yung labas ng shop okay na ba? Yung tables at chairs dun?"
"Yes sir."
"Good."
Hindi ko alam kung bakit nagpa panic ako. Pakiramdam ko kasi, parang mag o open ako ng sarili kong business. Although re-opening lang naman ang mangyayari. Excited din ako syempre kasi gusto ko makita na ma appreciate ng ibang tao ang ginawa ko. Gusto ko ma appreciate ako. Ako mismo.
'Si Diane kaya, magugustuhan din to? Kung sakaling makita niya na nagawa ako ng mga bagay na hindi niya akalain na magagawa ko. Magiging proud kaya siya sakin?'
Ano ba to? Bakit ko naman siya naalala? Gusto ko nga makalimot di ba, dapat lang di ko siya iniisip. Ginawa ko to hindi dahil para sa kanya. Para ....
"Para sayo....."
Napatigil ako sa pakikipag usap sa sarili ko. Napalingon ako, nasa tabi ko na pala si Aly.
"Para sakin ... Ang??...."
"Itong coffee sir. Oh, di niyo ba napansin yung hawak ko?"
Saka ko lang nakita yung coffee na inaabot niya sakin.
"Good morning sir."
"G-good morning din. Kanina ka pa dito?"
"Opo. At kanina pa kita nakikita na nagpa panic. Kalma lang sir."
BINABASA MO ANG
Along Came Aly
DiversosNaranasan mo na bang maiwan ng taong sobra mong minahal? Akala mo okay na ang lahat sa inyo, di na kayo maghihiwalay at wala sa inyo ang bibitaw. Kaso ganun talaga sa love, darating talaga sa punto na may masasaktan isa sa inyo. Paano pag tuluyan ka...