Coffee Shop

14 0 0
                                    


CHAPTER VII

Nakatitig lang ako sa dagat habang nakikinig ng music. Nandito ako ngayon sa second floor ng coffee shop at nag iisip ng magandang design sa wall. Tinanghali na ko ng gising, ginabi na kasi kami ng uwi ni Aly. Nagyaya pa kasi siya dumaan sa isang park. Pinakita niya sa'kin yung mga fireflies. Ang ganda ng liwanag nila sa gabi. Teka..

"Fireflies kaya?!"

Naisipan kong gawing 3D yung wall. Night ang theme with fireflies. Kailangan ko palang kontakin yung kakilala kong magaling sa 3D art. Tinext ko agad yung friend ko, by tomorrow pa ang dating niya. Naisipan ko na wag muna ipagalaw ang second floor. Hindi ko alam pero si Aly ang una kong naisip para sa theme na to.

Bumaba ako dahil dumating na yung ibang furnitures na inorder ko. Kailangan ko din matapos tong shop dahil after nito, yung event ng resort naman ang aatupagin ko. Ngayon ko naa appreciate magpatakbo ng business.

"Alam niyo na kung anong position ang gusto kong ayos ng mga tables and chairs ah? Kayo na bahala dito, may aasikasuhin lang ako."

Lumabas ako ng shop at tinawagan ko yung kaibigan ko at sinabi kong papasundo ko siya sa terminal bukas. Pumunta ako sa kabilang coffee shop.

"Hi Sir Marvin! Good morning po."

Bati sakin ng isang staff. Ngumiti lang ako at dumiretso sa counter. Nakatalikod yung barista.

"Aly."

Paglingon ay hindi pala si Aly. Si Joana, yung isang barista.

"Ay Sir Marvin. Wala na po si Aly, kakaalis lang po. Nagkasalisihan po kayo."

"Ah ganun ba. Saan daw pupunta?"

"Sa plaza daw po."

"Hmm... Okay. Sige."

Paalis na ko nang tawagin ulit ako ni Joana at may inabot na coffee.

"Pinabibigay po pala ni Aly. Kakatimpla lang niyan Sir, dadalhin ko pa lang sana sa inyo sakto at dumating kayo."

Kinuha ko yung kape at nagpaalam na ko kay Joana. Naglakad ako papuntang tabing dagat at binasa ang sticky note na nakadikit sa cup.

'Don't forget to smile.'

Hindi ko alam basta napangiti na lang ako bigla. Umupo ako sa bato na madalas namin tambayan ni Aly. Salamat at nakakangiti na ako. Tumatawa. Masaya. Mabuti na lang at nagkaron ako ng kaibigan na tulad ni Aly.

Pagkatapos kong magmuni muni, bumalik na ako sa shop at nagpatuloy sa gawain. Buong araw hindi ko nakita si Aly, siguro rumaket na naman sa bayan. Mabuti na yun, atleast di siya mangungulit sa shop. Naisip ko na i surprise siya sa papagawa ko sa second floor.

~~

Maaga akong gumising para salubungin yung friend ko na gagawa ng 3D art. Pagdating ko sa lobby ng hotel ay nandoon na siya sa tapat ng receptionist.

"Miguel!"

Lumapit ako sa kanya.

"Marvin! Bro! Kamusta na?!! Long time no see!"

Along Came AlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon