CHAPTER IVAkala ko pa naman wala na tong babae na to dito sa resort. Saan kaya siya galing at bigla na lang sumulpot dito. Busy ako sa pagtuturo ng mga gagawin ng mga karpintero, kinontak ko na rin yung mga inorderan ko ng bagong furnitures. Sa ngayon, iibahin ko ang style ng shop.
"Felix, kamusta naman yung shop sa kabila?"
"Ayos naman po sir. Kumpleto naman po ang mga staff natin."
BAGGGG%&@$@#!!
"WHAT THE--?!"
Paglingon ko, si Aly. Hawak yung kahoy habang itinatayo pabalik sa pagkakasandal.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?"
"Natulong." Sagot niya at nagpatuloy sa pagbaklas ng mga kahoy.
"Bakit ka ba nandito? Hindi ka pwede dito. Umalis ka na."
Nilapitan ko si Aly at hinawakan siya sa braso.
"Get out."
Tumingin siya sa'kin. Yung tingin na naman niya na parang nagmamakaawa. Bakit ba ang hilig ng mga babae na mag ganyan?
"Di ba ko pwede tumulong dito sir?"
"I said, get out."
"Sir naman--"
"Di ka nga pwede dito. Alis."
"Sir sige na po. Wala naman akong gagawin eh."
"Di nga pwede. Kulit mo."
Tumalikod na ko at bumalik sa harapan ng laptop ko. Naramdaman kong lumabas ng shop si Aly. Sa wakas. Ngayon, makakapag trabaho na ko ng maayos.
Natapos din kami sa pagbaklas ng pader, pinatanggal ko na rin ang mga wallpaper. Nagpahinga muna kami at kumain. Biglang may tumawag sa cp ko, si mama.
'Hello nak? Kamusta ka na diyan?'
"Okay naman ako Ma. Kamusta kayo diyan?"
'We're fine. Nasa mall kami ngayon ni Shane, nag shopping.'
"Naku. Shopping na naman Ma."
'Hayaan mo na nak, ito lang naman bonding namin ng kapatid mo. Kamusta naman yung resort? Nabanggit ba sayo ni Lito yung about sa anniversary ng resort natin?'
"Yes ma. And.. I'm starting to do something here."
'Oh, really? Good news yan. Basta i enjoy mo lang ang pag stay mo diyan huh.'
"Yes ma. I'll try."
'Don't try it. Do it. Okay? Sige na, I have to go. Ingat diyan. Love you.'
Binaba ko na ang phone ko. Sige, pipilitin ko na mag enjoy at mag focus sa mga gawain dito. Ito na ang gagawin kong unang step para sa pagmo move on.
--
Maaga akong nag almusal para maaga akong makapag simula sa shop.
Masyado yata akong napaaga, wala pa yung mga trabahador ko. Pumasok ako sa loob, tinitigan ko yung pader. Nag iisip ako ng magandang kulay. Pintura lang ba? Painting? O wallpaper ulit?

BINABASA MO ANG
Along Came Aly
RandomNaranasan mo na bang maiwan ng taong sobra mong minahal? Akala mo okay na ang lahat sa inyo, di na kayo maghihiwalay at wala sa inyo ang bibitaw. Kaso ganun talaga sa love, darating talaga sa punto na may masasaktan isa sa inyo. Paano pag tuluyan ka...