Chapter 14: Brin meet Ynna

1.4K 12 0
                                    

Brin Pov
Naglalakad ako papuntang eskwelahan since na malapit lang naman sa may bahay ang lokasyon ng pinag-aaralan ko mga ilang minuto lang ay makakarating na ako, too bad dahil maaga pa naman pero mainit na pero dibale na sanay nanaman ako sa init, ilang buwan nalang ay graduate na ako thanks a lot kay el dahil siya ang sumagot ng mga gastusin sa pinapasukan ko. Ayy oo nga pala kailangan kong i-chat si el para i-good morning, everytime naman kasi lagi akong nagcha-chat before ako pumasok.Kinuha ko ang cellphone ko sa bag na siya rin ang nagregalo nung birthday day ko oh diba siya nanaman, what a lucky I have her.

"Good morning el,mag almusal ka muna hah before ka pumasok sa trabaho you know naman ang health mo, ingat palagi, nga pala papasok na ako ng paaralan naglalakad na ako now,i love you" chat ko sa kanya, ilang segundo lang agad din naman itong nagreply.

"Good morning too brin, oo nag-almusal na ako before pumasok, nandito narin ako sa kompanyang pinapasukan ko, wag paka stress sa acads matatapos din yan , thank you, ingat ka din palagi, i love you too"reply niya, ipinasok ko na yung cellphone ko sa bag pero parang may kulang akong nadala teka ano ba yun? Kinalkal ko ang bag ko para malaman, sa kakakalkal ko ay hindi na ako nakatingin sa daan, patuloy ako sa pagkalkal hanggang sa may nabangga ako.

"Aray!" aniya ng nabangga ko, tinulungan ko ito dahil nabitawan niya ang mga dala-dala niya.

"Sorry po, hindi ko po sinasadya" aniko habang tinutulungan siya sa pagpulot ng mga nalaglag.

"Hindi ok lang, di rin naman kasi ako nakatingin sa dinadaanan, pasensya na" aniya sa mala-anghel na na tono ng boses.

"Ito po ma'am, sorry po, sorry po talaga" aniko at ibinigay ko sa kanya ang mga dala-dala niya, sa unang tingin ko palang ay nagtuturo ito, teacher ito sa dahil sa pananamit nito.

"Ok lang ano kaba" aniya, maganda ito kaya hindi mapagkakaila na marami ang magkakagusto rito.

"Anong year kana?" biglaang tanong nito na ikinagulat ko.

"Ahm 4th year college po ma'am" aniko naman

"Selles University I guess?" aniya nito, na tinitignan ang uniporme ko.

"Ahh opo, pwede ko po bang matanong kung anong year po kayo nagtuturo?"aniko na siya rin namang sumagot.

"1st year college and this is my last day teaching them" aniya nito sa malungkot na tono.

"Bakit po ma'am?" tanong ko naman, nagsimula itong maglakad kaya naglakad din ako same University rin naman kasi ang papasukan namin, ngayon ko lang din napagtanto dahil sa uniform nito.

"Hindi sa mat-terminate ako, linipat na kasi ako ng paaralan at doon ako magtuturo"aniya.

"Ahh ganon po ba ma'am, nakakalungkot naman po kung ganon"aniko

"Oo sobra lalo na kung matagal mo ding nakasama ang mga estudyante mo" aniya,nandito na kami sa may gate ng University.

"Nandito na pala tayo, ahh nga pala ang tagal nating nag-uusap, di pa din natin kilala ang isa't-isa, nga pala ako si Ynna Savez" aniya sabay lahad ng kamay, tinanggap ko din ito.

"Brin po, Brin Loyd Fellar" aniko at nakipag-shake hands.

"Pano ba yan,hanggang dito nalang" aniya.

"Sige po ma'am " aniko, umalis naman ito, nagtungo na ako sa room ko dahil baka mag umpisa na ang klase,sakto lang ang pagkadating ko at nagtime na.

Ilang oras din ang discussion, pareho lang din ang ginagawa, discussion muna pagkatapos ay quiz then reminder, discussion ulit quiz, ganon ang nangyayari yung iba nagpapa-project yung iba din reportings. Araw-araw ganyan palagi ang ginagawa hanggang sa break time na.

Every break time ay nasa room lang ako hindi ako kumakain dahil recess palang kumbaga, ang ginagawa ko lang tuwing break time ay nasa room nagpapa-iwan at nagscroll sa fb and instagram. Habang nagscroll ako sa fb ay may nag-friend request tiningnan ko ito at napagtantong yung teacher ito na nabangga ko earlier, ni-accept ko din naman agad at nag-message ito.

"Hi" ito ang message niya nagreply din agad ako.

"Hello po" reply ko din.

"Break time na, lumabas kaba?" message niyang muli.

"Ahh hindi po ma'am, actually po every break time hindi po ako nalabas ng room dahil lunch time narin po mamaya" reply ko.

"Ahh same, ganon din ginagawa ko ehh, tsaka wag ka ng masyadong formal chat lang naman ito at mukha ngang ikaw ang matanda sakin eh" aniya

"Mabuti na po ang ganon, tsaka teacher ka pa naman po, you should be respected" aniko.

"Teka ilang taon ka na ba?" biglaang tanong nito.

"Ahh 27 na po ako"aniko

"Hah? 27?"tanong nito out of curiosity kaya agad ko itong ni-replyan.

"Opo ma'am 27 na po ako, actually ngayon ko palang po pinagpapatuloy ang pag-aaral ko dahil walang wala po kami nung una at mahirap po ang pera hanapin, kaya kinakailangan kong huminto sa pag-aaral" reply ko.

"And then, now ba nakakaahon-ahon na kayo kaya ba nakapagpatuloy ka nang mag-aral?" aniya

"Actually hindi po, may tumulong po sakin para mapagpatuloy ko ang pag-aaral ko" aniko.

"Ahh ganon ba sino naman, ang bait naman pala niya" aniya pa nito.

"Ahh girlfriend ko po ma'am, nagta-trabaho po siya as secretary sa isang kompanya, sobrang bait po talaga niya kaya thankful po talaga ako na dumating siya sa buhay ko, tinulungan niya ako not only me po pero pati na rin ang magulang ko." aniko.

"Ahh ganon ba, sige bye kailangan ko ng magturo tapos na rin naman ang break time" anito at tumingin ako sa labas tama nga siya dahil may mga estudyante na ang pumapasok.

"Ah sige po" aniko. Dumating na din ang professor nag-discuss na ulit, ganon ulit ang ginawa as usual, hanggang sa matapos ang araw ganon palagi, kapagod pero kinakailangan makabawi man lang ako el.

Possessively Obsessed on Jaiel's SmellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon