CHAPTER 16(Searching with someone)

14 1 0
                                    

EOWYN POV

May kataasan na ang sikat ng araw atsaka palang ako naka sakay sa bus. Isang simpleng motel lang ang natuluyan ko na binook ng staff. Pagka dating ko ay chineck ko muna ang buong kwarto at kung may mga hidden cameras. Mabuti nalang ay walang na detect ang dala dala kung device.

Inalis ko isa-isa ang damit dala na din ng init ng panahon kaya naisipan ko hubarin, tanging nude color na panty at maroon na bra ang suot ko. Matapos ko maayos ang kaunti kong dala na damit ay isang katok sa pinto ang narinig ko at agad ko ng sinuot ang manipis na robe ko.

Pag bukas ko ay bumungad sa akin ang isang maliit na babae at mukhang residente dito. Iniabot niya sa 'kin ang isang black backpack na may medyo kabigatan. Inabutan ko na din ang bata ng kaniyang pang meryenda. Inilapag ko muna sa higaan ang backpack at inalis muli ang robe para maligo dahil nanglalagkit na ako.

7am ng matapos akong naka pag handa sa sarili ko, naiayos ko na din ang buhok ko na minadali ko na nga at baka malate pa sa event na kung saan naroon ang taong hinahanap ko.

Buong damit ko ay puti, sa pang ilalim ko ay corset na kulay puti din nalamang dahil sa may kainitan nga ang panahon dito sa Albay at minaigi ko na wag ng ibutones ang blazer pa para hindi na ako mainitan.

Sa labas naman ay sumalubong sa akin ang isang mamahaling sasakyan at lulan nito ang driver at si Mu. Kailangan pa din nila talaga ng kasiguraduhan para sa misyon slash sa parusa ko na 'to o mag supervise sa akin o mag kalap ng impormasyon sa mga pupuntahan ko na lugar.

"They did not inform me na may makakasama pala ako." Ang bulalas ng bibig ko pagka pasok sa loob ng sasakyan pero na isabi na din sa akin ni Beta bago ko simulan ang misyon. Hindi na ako tumingin sa kaniyang kina uupuan pa at tumingin nalang ng diretso sa harapan tiyaka ibinaling ang tingin sa may labas ng bintana. Sinimulan na din ng driver paandarin ang sasakyan.

"The higher ups want me to assist you that's all plus she's with me now. She will be a far to supervise the sorroundings while me I will gather other info's sa guests na makaka usap ko." Pinaka mahaba niyang nasabi sa akin. Joke. Hindi pa din ako nakatingin sa kaniya dahil alam ko naman ang ugali ni Gamma pag dating sa relasyon na meron sila ni Mu.

Nag briefing din muna kaming dalawa sa mga mangyayari samantalang si Gamma ay tapos na nilang napag usapan ang mga gagawin nila kaya kaming dalawa nalang ang ang nag uusap sa iba pang kailangan ko malaman na wala sa ipinadala na documents; ng makadating na kami sa venue ay makikita na pili lang talaga ang naka punta at 'di basta mayaman na mga tao kundi mga taong kilala sa kanilang lugar. Ang iba ay may mga illegal na gawain kaya andito ngayong gabi.

COSTA MONTE PRIVATE VILLA OF FUENTEBELLAS

Humiwalay na sa akin si Mu at ako naman ay tumungo sa station ng drinks sa kadahilanang uhaw na uhaw na ako. Naka tatlo din ako na cucumber elixir sa kadahilang uhaw na uhaw ako at wala pang kain sa araw na ito. Matapos kong lantakan ang inumin ay humarap na din ako at inayos ang suot ko na white blazer pero hinayaan ko pa din na naka unbutton para naman ma share ko sa lahat ang napag hirapan kong katawan.

Tumungo na din ako sa lugar kung saan naroon ang punterya ko sa hapon na ito at nakita ko sa di kalayuan ang isang babae na naka suot na red and black dress, walang iba kundi si Gamma na may kausap na lalaki na nasa edad na 30 plus. Mahahalata din ang pagka boring ni Gamma sa pag uusap nila ng madako ang tingin niya sa akin ay tanging tango nalang ang ipinakita ko sa kaniya. Maya maya pa ay wala ng kausap ang taong pakay ko sa gabing ito kaya naman pagkaka taon ko na upang lumapit pero sa 'di din kalayuan sa posisyon ng lalaki na kailangan ko maka usap sa gabing ito'y na hagip ang paningin ko isang pamilyar na lalaki na naka formal attire na may kasamang babae na mukhang asawa nito. Isina walang bahala ko 'yon at taas noo ako nag lakad, malapit na ako sa lalaki ng biglang may dalawang malaki na mga katawan ang humarang sa harapan ng lalaki.

RED LIGHT(ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon